"Ate, kanina ka pa tinatawag nila Mama. Bumaba ka na raw at aalis na tayo." Si Dylan.
Hindi ko siya pinansin. Nawawalan ng pasensyang pinagpatuloy ko na lang ang paghahanap sa nawawalang cellphone.
"Nasaan na ba kasi 'yon? Dito ko lang 'yon nilagay kanina, eh." Tinignan ko sa ilalim ng kama, nagbabaka sakali na nahulog lang ito roon.
"Ate, bumaba ka na! Kanina ka pa dyan. Nagagalit na si Mama!"
"Teka nga lang kasi! Hinahanap ko pa 'yong cellphone ko. Kung tinutulungan mo kaya ako? Edi sana kanina ko pa nahanap 'yon!" Naiinis na naibato ko sa kanya ang unan.
Naiwasan niya ito kaagad. Sinamaan lang ako ng tingin.
Kung bakit sa lahat 'yong cellphone ko pa ang nawala. Ang dami pa namang nakalagay doon. Saan ko ba kasi nailagay 'yon?
Binato niya pabalik sa akin ang unan. "Ayoko! Tsaka huwag mo ngang hanapin ang mga bagay na ayaw mag pahanap." Napailing siya. "Dalian mo, aalis na tayo." Sabay talikod niya sa akin. Ang kamay ay nasa bulsa at tamad na naglakad palabas sa kwarto ko.
Napabuntong hininga na lang ako.
Bahala na nga! Makikihiram na lang siguro ako ng cellphone kapag kailangan ko.
Bago lumabas sa kwarto ay humarap muli ako sa salamin.
I am wearing a black halter dress that's two inches above the knee and a three inches ankle strap high heels. Nakapatong sa braso ko ang denim jacket na isusuot ko mamaya, kung sakaling lumamig. Nakagawian na kasi namin na sa labas kumain ng dinner tuwing Thursday.
"Tumawag kanina sa akin si Bea. Tinatanong kung bakit hindi mo sinasagot ang tawag niya." Si Mama. Napasimsim ito sa baso niya. Ang tingin ay hindi inaalis sa akin.
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Lagot talaga ako nito.
Napaiwas ako ng tingin. "Nawawala po 'yong cellphone ko. Hindi ko po alam kung saan ko nailagay." I whispered inaudibly.
Agaran ang pagkunot ng noo niya.
"Baka naman naiwan mo lang kung saan sa kwarto mo?" Biglang singit ni Papa.
"Hinanap ko na po kanina pero hindi ko po talaga makita." Nakagat ko ang labi. "Hahanapin ko na lang po ulit mamaya."
"You better be. Siya nga pala... ano 'tong ipinapaalam sa akin ni Enzo? Kung pwede ka raw pumunta sa party niya mamaya?"
Napalakas ang pagbaba ko sa baso nang maalala ang tungkol doon.
Oo nga pala! Birthday niya ngayon.
"It's his birthday. Buong grupo po ang dadalo mamaya sa bahay nila." Nagbaba ako ng tingin. Pinaglaruan na lang ang natirang patatas sa plato ko.
Wala pa rin pala akong regalo. Bakit ba ang dami kong nakakalimutan sa araw na 'to? Samantalang siya ni hindi ko makalimot limutan.
"You should go. Baka magtampo si Enzo sayo. Tumawag nga rin ang Tita Amabelle mo at pinagpaalam ka."
Napangiwi naman ako. Nakakahiya kay Tita kung pupunta akong walang dalang regalo. Tuwing kaarawan ko pa naman ay kung ano-ano ang regalong ibinibigay niya sa akin.
"I still don't have a gift for him. I forgot that it's his birthday today. Mabuti na lang po ay pinaalala niyo."
"Bumili ka na lang mamaya bago ka pumunta. We'll drop you off at there house."
Napatango na lang ako.
Teka... paano nga pala ako uuwi? Wala nga pala akong cellphone pantawag man lang sa kanila.

YOU ARE READING
Lies Behind His Eyes
Любовные романыGeorgina Akila Fontanilla ( 21 years old ) a first year Education student who is still haunted by her past. The Liberty Pumas Campus where her school is, decided to have a competition. This competition leads her to this badboy that will eventually g...