"Ano masarap ba?" Kuryosong tanong ni Alex.
I nodded at her.
Nag-order kasi sila ng strawberry sinigang. Pabalik na sana kami sa bahay ng may madaanan kaming restaurant na nagseserve nito.
Buong araw naming inikot ang mga tourist spot dito sa Baguio at buong araw din walang imik si Chase. Nang madatnan ko sila kaninang umaga sa kusina ay bigla silang tumahimik.
Ilang beses ko siyang tinanong tungkol doon pero palagi niya lang nililisya ang usapan.
Napabaling ako sa kanya. Paunti unti niyang nilalagyan ng kanin ang plato ko.
"You should eat a lot. Namamayat ka na."
I pursed my lips. Tinignan ko naman ang plato niya na walang gasinong laman.
"Chase, hindi ako ang namamayat. Ikaw yata?" Nilagyan ko naman ng maraming pagkain ang kanya. Lalagyan ko sana siya ng strawberry ng pigilan niya na agad ako.
"You don't like strawberries?" I asked.
Napatango siya habang sinasalinan ng juice ang baso ko. Magtatanong pa sana ako kaso nagsimula na siyang kumain.
Wala nga siguro siya sa hulog ngayon. Napabuntong hininga na lang ako.
We stay there for an hour. Nang makitang mag aalas nuebe na ay napagdesisyonan na rin nila na umuwi.
"Chase, sa van na lang kami sasabay." Saad ni Quin. Makahulugan siyang tumingin kay Chase.
Binalewala ko na lang ito at sumakay na sa loob ng kotse.
Napasinghap pa ako nang bigla siyang lumapit para ayusin ang seatbelt ko. Magtatanong sana ako pero mas pinili kong manahimik na lang muna.
Halos mabingi ako sa katahimikan. Kung dito lang sana sumabay sila Quin ay hindi ganito katahimik.
Binaling ko na lang ang tingin sa bintana.
Apat na araw na lang pala ay babalik na naman kami ni Enzo sa New Jersey. Hanggang ngayon hindi pa rin kami nag-uusap simula noong nagkasagutan kami. Siguro'y pagbalik ko na lang siya kakausapin.
Nang makarating sa bahay ay dumiretso na agad ako sa kwarto. Si Chase na ang nagpasok ng mga pinamili namin kanina.
Nadatnan ko sila Alex na nagbibihis na.
"Akila, bumaba ka rin agad. Nag-set na ang mga boys ng higaan sa baba. Movie marathon tayo."
I nodded at her. Pumasok na lang muna ako sa banyo.
I quickly took a shower. Nang matapos ay saka ko lang naalala na wala pala akong dalang damit. Mabuti na nga lang at may nakahanda ng tuwalya rito sa loob.
Nang mabuksan ko ang pinto ay halos mapatalon ako sa gulat nang mabungaran ko si Chase.
"Chase! Anong ginagawa mo rito?" Napahigpit ang kapit ko sa tuwalya.
Nag iwas siya ng tingin. "I just- damn it..."
Lumapit ako sa kanya. Hindi ko kasi marinig 'yong sinasabi niya.
"Hey, what's wrong?" Namumula kasi yung tenga niya. Dahil sa gusto kong makasigurado ay sinalat ko ang kanyang noo. "Hindi ka naman nilalagnat." Dagdag ko.
I heard him cursed again.
Malalim ang naging pagbuntong hininga niya. "I'll wait for you downstairs." Nagmamadali niyang turan. Halos tumakbo siya palabas sa kwarto.
Anong problema nun?
Napailing na lang ako. Dali-dali akong nagbihis at bumaba na rin kaagad. Mukhang kanina pa kasi nila sinimulan ang palabas.
![](https://img.wattpad.com/cover/214706313-288-k26760.jpg)
YOU ARE READING
Lies Behind His Eyes
RomanceGeorgina Akila Fontanilla ( 21 years old ) a first year Education student who is still haunted by her past. The Liberty Pumas Campus where her school is, decided to have a competition. This competition leads her to this badboy that will eventually g...