𝙎𝙪𝙯𝙖𝙣𝙚
"Alam mo ba na nagustuhan niya yung binigay kong kwintas mom, dad gusto kong makilala niyo si venus And I'm sure Magkakasundo kayo"
Parang gustong tumirik ng mata ko dahil kanina pa dada ng dada ang kapatid ko tungkol kay venus blah blah and so on.
Sinundo namin ang mga magulang namin sa airport pero sabi nila sandali lang sila dahil marami pang papeles ang naka abang sa kanila.
"Oh my dear son gustuhin man namin pero busy kami" Sagot ni mommy napatango naman si kuya habang pilit ang ngiti.
"Suzane? How 'bout you? I heard na may ginagawa kang katarantaduhan?" Ngayon naman si daddy ang nagsalita nga pala kung hindi niyo pa nalalaman transgender ang tatay ko at tanggap naman siya ng buong angkan ni mama.
"Dad ofcourse not , Hindi ko binibigyan ng sakit ng ulo itong si kuya baka siya nagpapasakit ng ulo ko" Sabay tingin sa kapatid kona naguguluhan sa sinabi ko.
"HAHAHA zane anak wag mo naman ilaglag ang kapatid mo" Hirit ni daddy napuno ng tawanan ang hapag kainan minsan lang ito mangyari kaya sobrang saya namin.
Sabado ngayon at kailangan na naming ihatid sila mommy at daddy sa airport medyo nalulungkot ako dahil aalis ulit sila pero nasasanay na kami ni kuya nauunawaan namin sila kung wala silang oras samin. Alam naming sa tamang panahon makikinabang kami sa pinagpaguran nila.
"Oh Sam yung kapatid mo ha? Bantayan mo ng maigi baka magka apo ako ng maaga" nakitawa na lang ako sa sinabi ng tatay ko.
Nang tinawag na ang kanilang flight ay nagpaalam na kami.
"So?" Pagkapasok namin ni kuya ay agad siyang nagsalita.
"Anong so?" takang tanong ko.
"May natikman kana bang babae-
"Goodness kuya! Wala pa ano! Tsk ano bang klaseng tanong yan" Sa totoo lang wala talaga.
"HAHAHA defensive huh? Don't worry sis pagdating ng tamang panahon pwede na HAHAHA" gusto ko sanang suntukin yung mukha niya pero wag na lang mas lalong papanget.
"Uhm by the way sis , hanggang kailan yang pagpapanggap mo? Mabuti na lang hindi pa nalalaman nila mommy kung nalaman nila naku lagot ka" Pinaandar na nito ang sasakyan.
"Basta kapag may nag udyok sakin na itigil na ang pagpapanggap ko pero sa ngayon hindi pa ako handa na malaman nila kung sino talaga ako" Sagot ko tsaka tumingin sa bintana.
Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay agad akong pumasok sa kwarto kinuha ko ang cellphone tsaka humiga sa kama.
Scroll there scroll here scroll down scroll up at scroll everywhere hanggang sa makakita ako ng isang shared post.
Shinare ng isa kong friend ang post ni aprhodite nagsasabing Manhid ka ba? tsk simpleng post lang pero marami ang nagshare hindi din maipagkakailang sikat itong si aprhodite hindi lang sa university pati na rin sa social media.
Clinick ko ang profile niya at ang masasabi ko lang ay , mas maganda pa rin si venus sa paningin ko.
Habang tinitingnan ko ang mga post ni aprhodite ay tinitingnan ko ng maigi kong may nalike ba ako or what at ng masiguradong wala nga ay akmang iaalis kona ito ng biglang.
"Anak ka ng tipaklong!!!"