𝙆𝙖𝙗𝙖𝙣𝙖𝙩𝙖 27

2.8K 115 16
                                    

𝘒𝘢𝘣𝘢𝘯𝘢𝘵𝘢 27: 𝘚𝘢𝘺 𝘊𝘩𝘦𝘦𝘴𝘦!♡



Nakangiti kong pinagmamasdan si Aphrodite habang nagbabasa ito nang kaniyang notes. Ewan ko ba gusto ko siya palaging nakikita. At hindi ko alam kung sino ba ang buntis samin dahil para akong naglilihi kay Aphrodite Ang ganda niya kasi.








"Naku pag yan natunaw Goodbye na talaga" Napukaw ang atensyon ko dahil sa sinabi ni Josef. Napairap ako dahil palagi na lang itong sumusulpot panira din minsan.








Napailing ako bago Na-upo sumunod din ito sakin habang may dala-dalang Tasa na naglalaman ng Kape.








"Oh ito lods , Kapeng Barako para naman masabi mo na sa kaniya yang nararamdaman mo" Sabay lapag sa harapan ko na hawak lang niya kanina.








Pero teka kailangan pa ba nang kapeng Barako para masabi ko?Mukhang hindi na. Naniniwala ako na mayroong tamang panahon sabi nga nila just Take it slowly.







Pero kapag na-unahan kana..Faster na!.








"Alam mo Sef? Salamat ha? Nagbigay ka nang Advice" Sarkastik na sabi dito bago inumin yung mainit-init na tinimpla niyang kape na para pala sakin.








Dahil nga sa hindi ko malaman kung bakit gusto ko palaging tingnan si Aphrodite ay Tinitingnan ko ito habang umiinom nang kape pero.







"Oh? Bakit mo naman binuga Zane? Masarap pa naman yan" Reklamo ni Josef dahil sa pagbuga ko nang iniinom kong kape.








Oo Totoo yung sinabi ni Josef na masarap yung kape katunayan nga niyan gusto niyang makapagtayo nang Coffee Shop pero dahil sa kapos ay hindi pa muna sa ngayon.








Pero dapat habang iniinom yung kape ay hindi kona muna tinititigan si Aphrodite. Hindi ko naman alam na titingin din pala siya sa direksiyon ko. Akala ko busy siya sa pagbabasa.








"Tsk Ang hapdi" Reklamo ko rin dahil sa natamaan din ng mainit na kape ang Labi ko. Kung hindi ba naman kasi tanga.








Napatigil ako at pati na rin si Josef na nagrereklamo pa rin. Dahil sa lumapit na sa pwesto ko si Aphrodite at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Ang akala ko nga hahalikan niya ako yun pala hindi hayst.








"Let me see" Sabay lapit ulit nang kaniyang mukha. Hindi ba niya alam na para na akong pinaparusahan sa lagay na ito?. Hindi ba niya napapansin na nakatitig na ako sa maganda niyang mukha? Hindi ba niya--








"Naku si Lods Dumidiskarte nanaman , kung alam ko lang na ganyan ka pala dumiskarte dapat pala ako na nagtapon sayo nang Kape" Hayst sino pa bang epal para sa araw na ito? Walang iba kundi si Josef.








Dahil sa sinabi ni josef ay tiningnan siya ni Aphrodite tsaka siya tinanong kung anong diskarte ang sinasabi nito.








"Wala yun Ano kasi Inaasar ko lang si Zane" Sabi ni josef mabuti naman at matino pa ang utak nito at nagpoprogress pa nang maayos.








Nagpaalam na muna si Josef para puntahan sa kusina si Manang Josefina. Na-upo sa tabi ko si Aphrodite tsaka niya ako tinitigan.








Dahil sa pagtitig niya ay hindi ko alam kung saan ba ako titingin kung sa kaniya naman baka mahalata niyang kinakabahan ako. Alam kong namumula na ang mukha ko't tenga pero hindi pa rin ako nagpatinag.








𝐒𝐮𝐳𝐚𝐧𝐞 𝐒𝐤𝐲 𝐌𝐜𝐤𝐞𝐧 ✔ ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon