𝙆𝙖𝙗𝙖𝙣𝙖𝙩𝙖 4

4.4K 145 11
                                    

𝙎𝙪𝙯𝙖𝙣𝙚

Habang nagbibihis ako ay biglang bumangon si aphrodite mula sa kama para pa itong wala sa sarili habang nakapikit at hawak ang kaniyang ulo.

"Ugh it's hurt" inda niya kaya naman iling-iling ang ulo na pinuntahan ko ito.

"Here take this med" Inabot ko sa kaniya yung gamot na agad niyang kinuha.

Hindi pa niya alam na wala siya sa sarili niyang kwarto.

"Thank you manang" Pasalamat nito pero ano daw? Manang? Sa itsura kong ito? Tatawagin niya akong manang?.

"Hoy anong manang ka diyan? Wala ka sa bahay niyo nandito ka sa pamamahay ko!" Sigaw ko dito dahilan para magmulat ito ng mata.

Lumaki ang mga singkit nitong mata tsaka siya tumayo at Pinuntahan ang mga gamit niya.

"Why I am here? You" sabay turo niya sakin at talagang ang sama pa ng tingin. "What do you-

"FYI lang MISS Aphrodite kaya ka nandito dahil tinulungan kita kagabi , baka nga nakuha ka na ng lalaking yun tapos siya pa pala yung may kasalanan kung bakit nalasing ka agad tsk" Inis kong sabi sa kaniya hindi man lang magpasalamat kainis.

"Tch Never mind , I have to go" Nagmamadali siyang lumabas sa kwarto ko kaya naman napabuntong hininga na lamang ako.

Pagpasok ko sa university ay pinagtitinginan nanaman ako ng mga kapwa ko estudyante dahil ba ito sa nangyari nung nakaraan?.

"Zane? May nagpapabigay sayo" Sabi ng isa kong kaklase nag aalangan man ay tinaggap ko pa rin ito tsaka binasa.

"Ano nanamang pakulo 'to?" Sino namang tao ang magbibigay sakin ng mga hugot hugot na ito. Di hamak na isa lang naman akong nerd at palagi pang nabubully dito so sino ang taong ito.

"I like your smile , so be mine"

Muntik na akong matawa sa nakasulat seryoso ba ang taong nagbigay nito? Baka may sira na siya sa mata kailangan na niyang magpa check-up.

"At talagang may nakalagay pang pangalan pero teka"

Vns ? Vns? Ano ang ibig sabihin nito? Napaisip naman ako kung sino ang taong ito vns? Hmm malalaman ko din kung sino ang taong nantitrip na ito.

"Naks iba talaga kapag cute may admirer na oh" Biglang sumingit si Koari na isa kong kaklase kaibigan ko din siya dahil pareho kami ng gusto sa buhay.

"Sus wala 'to baka trip lang ako ngayong araw" Tsaka ko tinabi yung sulat sa mesa dahil nandito na ang prof ko na pinsan ko.

Pagkatapos ng klase ay nagsilabasan na ang mga kaklase ko ay inumpisahan kona ang magligpit ng mga gamit ko sa bag.

"Zane uwi nako ha? Tumawag kasi si mama" paalam ni kaori sakin nakangiting tumango lang ako kay kaori , siya kasi madalas ang kasabay ko.

Gabi nanaman kami natapos naalala ko nanaman yung nangyari kagabi himala at buong araw kong hindi nakita si aprhodite dito sa university.

Bago ko mapagpasyahang umuwi ay dumaan muna ako sa cr , kanina kopa kasi tinitiis yung ihi ko.

"Ngayon pa?" iritable kong sigaw ng makita kong mahaba ang pila sa cr. Akala ko sa mcdo, jabae ko lang mararanasan ang pumila.

"Hey zane" akmang papasok nako sa cubicle ng may tumawag sakin.

"Iihi kaba? sabay na tayo" sabi nito sakin habang ako naman ay hindi makapaniwala sa nakita kong babae na nasa harapan ko.

"Miss pwedeng pakibilisan? ang dami pa dito oh" Nagising lang ako sa katotohanan ng sumigaw yung katulad kong nerd din halata sa mga mukha nila na tinatawag na sila ng kalikasan.

"Ha? ah-ahm si-sige mauna kana hindi na naman ako naiihi" Binuksan ko ang pinto para kay venus yes gays si venus ang nagsabi kung pwedeng sabay na lang kami sa iisang cubicle.

Para ngang umurong yung kanina ko pang iniinda na ihi, para kasing nawala nung nakita ko si Venus.

"Thank you pala ha" hindi ko alam na tapos na pala siya kaya naman nahihiya ko siyang tinanguan.

Sabay na kaming naglakad palabas ng university at nung Huminto ang sasakyan na susundo sa kaniya tumingin muna siya sakin bago magsalita.

"Come here, Gusto kitang isabay saan ba yung bahay mo?" bukas na yung pinto sa backseat senyales na pasakay na ito.

Gusto ko sana kaya lang mabilis akong tumanggi, dahil una hindi pa ako handa na may maka alam sa totoo kong pagkatao.

"Naku hindi malapit lang bahay ko dito walking distance lang naman" Palusot ko dito.

Para naman itong nadismaya sa pagtanggi ko sa kaniya.

"Maybe next time?" Saad pa niya, tumango naman ako bilang sagot.

Sumakay na siya sa kaniyang sasakyan habang ako naman ay parang tanga na nakangiting mag-isa.
















•••

𝙱𝚊𝚝 𝚙𝚊𝚔𝚒𝚛𝚊𝚖𝚍𝚊𝚖 𝚔𝚘 𝚔𝚊𝚙𝚊𝚐 𝚗𝚊𝚐 𝚎𝚗𝚐𝚕𝚒𝚜𝚑 𝚐𝚛𝚊𝚑𝚊𝚖 𝚊𝚔𝚘 𝚙𝚊𝚛𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚕𝚒-𝚖𝚊𝚕𝚒 𝙷𝙰𝙷𝙰𝙷𝙰 .

𝐒𝐮𝐳𝐚𝐧𝐞 𝐒𝐤𝐲 𝐌𝐜𝐤𝐞𝐧 ✔ ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon