𝘒𝘢𝘣𝘢𝘯𝘢𝘵𝘢 28: 𝘉𝘪𝘥𝘢-𝘣𝘪𝘥𝘢𝘯𝘨 𝘈𝘳𝘵.
Kung nakakamatay lang siguro yung tingin na binibigay ko kay Art malamang nasa morque na siya ngayon. Paanong hindi sasama ang tingin ko kung makahawak sa Asawa Ko parang wala dito yung asawa at syempre ako yun hihi.
"Tingnan mo itong Art na ito pabida! Feeling Boyfriend ang putcha" Nabaling ang tingin ko kay Josef na inis din kay Art. Sabi niya mabigat din ang kulo ng dugo niya sa lalaking yun parang may masamang balak. Pareho lang din naman kami ng iniisip.
Nainis lalo si josef kay Art dahil pagpasok nito ay tinulak siya ni Art dahilan ng muntikan ng pag-ugatan ng gulo kaya naman inawat ko muna si Josef pero sa susunod hindi kona Aawatin si josef para madala naman yang art na yan at manahimik na.
"Hayaan mo na , Last na punta na din naman niya dito sa bahay" Tsaka muling sumulyap sa pwesto ng dalawa na seryosong nag-uusap.
Isa din kasi sa pinag-usapan naming dalawa ni Aphrodite. Papatigilin na niya si Artanga sa panliligaw dahil nga pareho na naming napag-usapan ang tungkol saming dalawa.
Makailang minuto pa ang dumaan sa wakas tapos na rin silang mag-usap pero yung mukha ng lalaking yun hindi maipinta Samantalang Art naman ang pangalan niya.
"Tandaan mo Aphrody hindi ako susuko , Matagal na kitang hinanap kaya asahan mong hindi ako titigil" Desidido't may pagbabanta pang sabi nito kaya naman pumagitna na ako nang makita kong hahawakan niya ang Asawa ko sa kamay.
"At ito rin ang tandaan mo , Mula ngayon hindi mo na siya pwedeng kulitin Kasal na kami kaya wag mo nang subukan" Kung wala lang dito ang Asawa ko baka nasapak kona ito dahil yung mukha niya para talagang gawa sa Pader. Ang kapal ng mukha.
Naramdaman kong humawak sakin si Aphrodite kaya naman sinulyapan ko ito. Sumenyas siya na paalisin na ang art na ito kaya naman agad kong sinunod ang gusto niya.
"Oh paano ba yan? Umalis kana baka mahawaan kami sa dala mong Virus" May pagkamayabang na sabi ko sa Art na ito. Kasalanan ito ng Asawa ko pinapakita ko lang sa Art na ito na nasa Akin na si Aphrodite at hindi na niya pwedeng agawin.
Magsasalita pa sana ito nang mapansin niya si Josef na masamang nakatingin sa kaniya. Habang si Josef naman ay may hawak na kutsilyo. Inutusan ko kasing patulisin niya ang patalim dahil hindi na nakakahiwa. Mukhang natakot naman si Art dahil sa pag-aakalang may balak sa kaniya si Josef.
Walang lingon-lingon itong umalis at mukha talagang natakot dahil nagkamali pa siya nang Pinto na dapat sana ay paglalabasan niya kaya natawa naman kaming dalawa ni Josef.
Nakaramdam naman ako ng mahinang kurot saking braso kaya naman nagtataka kong tiningnan si Aphrodite. Nakangiti ito habang pinipisil ang aking braso tapos kukurutin ulit. Wala pa naman siya sa kabuwanan niyang paglilihi.
"Zane?"
"Oh bakit?"
"Sabi kasi ni Manang wala na tayong stocks na gulay , kaya sabi ko ikaw na lang yung bibili" Malambing niyang Sabi tsaka ako niyakap sa likuran kaya naman napangiti ako. Goodness hindi ko inaasahan na magiging ganito kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/215675934-288-k636507.jpg)