𝘬𝘢𝘣𝘢𝘯𝘢𝘵𝘢 14: 𝘐𝘵'𝘴 𝘺𝘰𝘶 𝘣𝘶𝘵..
"I-ikaw si V.S? " Hindi makapaniwalang tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. Hanggang ngayon gulat na gulat pa rin ako dahil nasa harapan kona si Vs?
Napa-isip naman ako V.s ?_? Bakit ko nga pala nakalimutan na siya nga pala si Venus At kinuha ang dalawang letra sa una't huling pangalan nito VenuS. Ugh bakit hindi ko agad naisip ito?.
"Yes ako nga si V.S na laging nagpapadala ng mga sulat sayo so yeah" Nakangiting sabi ni Venus habang nakatingin sakin.
Hindi niya ba alam na kapag ngumingiti siya lalo siyang gumaganda? Bagay na bagay talaga sa kaniya ang pangalan niya lalo na lumalabas ang isang dimple nito sa kaniyang kanang pisngi.
Dahil sa sobrang saya ko ay hinila ko siya para mayakap na agad din naman niyang ginantihan ng yakap kaya napapikit ako upang masigurado kung hindi ba talaga ako nananaginip.
Naramdaman kong humigpit ang yakap nito pero makailang saglit lang ay kusa na itong humiwalay sa yakapan namin.
"Ikaw ha! Hindi mo naman agad sinabi na ganun ka kabaliw sakin, kaya lagi mo'kong dinadalhan ng mga sulat may mga pick up lines pa 'yung iba HAHAHA" hayst iniisip niya siguro na baliw na ako dahil wala namang nakakatawa sa sinabi ko.
"Ahm N-nahihiya kasi ako , Tsaka sinabi ni Sam na may girlf-
Aba't gagong kapatid na 'yun talagang nilaglag ako dito kay venus mamaya lang siya kapag nakauwi na ako sa bahay makakatikim siya sakin ng suntok ng isang api! Chos lang.
"Haaa? Sinabi niya 'yun? Sus! Wag kang maniwala sa kuya ko joker talaga 'yun I'm single and I'm all yours" kinindatan ko naman ito na kinangiti niya habang napapailing.
Hayst akalain mo nga naman 'yung hindi mo inaakalang mangyayari eh basta na lang nangyayari? Tulad ngayon hindi ko inaasahan na ganito ang kahahantungan namin ni Venus ang bait talaga ng tadhana sakin.
Lumapit ako kay Venus tsaka ko hinawakan ang kaniyang dalawang kamay. Dinama ko muna ang mga malalambot niyang palad napakasarap sa feeling na 'yung dati ko pang pinapangarap , pinapangarap din pala ako.
"Venus , Gusto ko lang malaman mo na sobrang saya ko dahil sa wakas abot kamay na kita, Mahal na mahal kita Ven so please be my girlfriend?" Nakangiting tanong ko sa kaniya.
Hinalikan ko ang kamay nito tsaka ko ulit siya tiningnan ng wala akong makuhang sagot dito kaya naman bigla akong kinabahan baka nabigla ko ito o hindi naman kaya nabibilisan sa mga nangyayari.
"Ano ka ba Ven , Ayos lang kung ayaw mo pa gusto mo ligawan-
"Oo Suzane Sky Mcken sinasagot ko ang tanong mo at pati na rin ikaw" Nakita ko sa kaniyang mga mata ang saya kaya naman ng marinig ang sinagot nito ay napatalon ako dahil sa tuwa tsaka sumigaw ng malakas na akala mo nanalo sa lotto.
Sinaway naman ako nito na may kasama pang hampas sa braso pero okay lang atlis gays girlfriend kona siya.
"Goodness Ven sobrang saya ko alam mo ba 'yun , ILoveYou" Niyakap ko ito tsaka siya hinalikan sa kaniyang noo.
"I'm happy too Zane dahil sa wakas Akin kana" ha? Ano daw nasa wakas na ako? ha?.
Humiwalay ako dito ng yakap tsaka na siya hinatid sa kanilang classroom , Naimagine ko tuloy 'yung hinahatid din ako ng nanay ko bakit ko nga pala naisingit 'yun?.