𝙆𝙖𝙗𝙖𝙣𝙖𝙩𝙖 34

2.6K 82 9
                                    

𝘒𝘢𝘣𝘢𝘯𝘢𝘵𝘢 34: 𝘓𝘢𝘵𝘦𝘳ꨄ

𝙕𝘼𝙉𝙀.

"Aphrodite saan ka pupunta?" Nagtataka kong tanong sa kaniya dahil halatang aalis ito ngayong araw. Wala pa rin kasi kaming pasok dalawang linggo pa.



Habang umiinom ng kape ay pinagmamasdan ko ang bawat kilos niya. Mukhang importante ang lakad niya ngayon. Nalaman ko lang dahil sinusuot niya ang kwintas na very very famillar sakin . Pero kapag hindi importante hindi niya ito sinusuot so saan ba talaga ang punta nito.


"Bonding with girls lang , Tsaka matatagalan akong umuwi ha" sagot niya habang sinusuot ang kaniyang high heels. Sinabi ko naman sa kaniya na wag magsuot nang mga Sandals na may takong dahil sa kondisyon niya.



"Hmm Okay" Hindi ako mapalagay sa sinabi niya . Para bang may mangyayaring hindi maganda pero hindi kona masyadong pinansin dahil lumapit na sakin si Aphrodote tsaka ako hinalikan sa labi. Napangiti naman ako dahil dito.



"Gusto mo bang sunduin kita mamaya?" Tanong ko ulit pero umiling lang siya habang nakangiti. Kaya naman wala na akong magawa kundi ang ihatid na lang siya.



Hinatid ko siya sa bahay nang isa sa mga kaibigan niya si Zeilyn ata yun. Agad akong bumaba para pagbuksan nang pintuan si Aphrodite na malugod naman niyang ginantihan ng matatamis na ngiti.



"Thank you Zane , Tsaka wag mo akong masyadong mamiss ha?" Medyo natawa pa ito tsaka ako hinampas sa balikat at kahit nagtataka kung bakit bumabanat na siya ngayon sakin ay nakitawa na rin ako.



Hinintay ko pang makapasok si Aphrodite nang maayos sa loob ng bahay ng kaibigan niya. Tsaka na ako bumalik sa loob nang kotse ko at binalik papunta sa bahay namin.


Pagkapasok ko sa loob nang bahay namin ay dumiretso ako sa kwarto para maka idlip ulit. Masyado pa kasing maaga nagising lang naman ako dahil kay manang kaya nagkape na muna ako pero mukhang hindi tumalab.



Habang nakahiga ay kinalikot ko ang Cellphone ko. Bumuntong hininga muna ako bago ko burahin ang bagong messages sakin ni Venus. Maski sa Notisave. Binura kona rin ang apps na notisave baka makita pa ni Aphrodite ang mga laman nun.



Napatigil lang ako sa pagkakalikot nang muling mag text ang Unknown Number at kahit ganito ito alam ko naman kung sino siya. naka block na kasi sakin si Venus pero ang gaga ang yaman kasi kaya maraming pambiling Sim.




Magkita tayo

May sasabihin ako importante lang

Sumagot ka nga!



Basa ko sa mga text niyang nakakairita. Gusto ko ring makipagkita sa kaniya para sabihin sa kaniya na duda ako sa pagbubuntis niya. Malay ko baka hindi pala sakin yan at kay kuya Sam pala yan tapos sakin lang pinapaako.






Hindi na ako nag abala pang reply-an siya pero agad ko ring binura ang Mga text niya tsaka na ako nagtungo sa banyo para makapag-ayos ng sarili. Hindi sa poporma ako para kay Venus kailangan ko lang maligo at maging komportable.




Muntik na akong mahulog sa huling hakbang nang hagdan dahil sa bigla-bigla na lamang bumulaga sa harap ko si Josef na halatang kakagiaing lang naman.



"Goodmurneng boss Malatekcsxz" Jejemon na sabi nito na kinatango ko lang medyo abnormal din talaga ang kaibigan kong ito.




"Wag na kayong magluto Josef sa labas na lang ako kakain , pero kung nagugutom naman kayo , kayo na ang bahala sa kusina" Sabi ko dito na kinangiti niya nang malawak. Sus kung alam ko lang na mauubos nanaman ang Stocks namin niyan.




𝐒𝐮𝐳𝐚𝐧𝐞 𝐒𝐤𝐲 𝐌𝐜𝐤𝐞𝐧 ✔ ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon