"Ano ba naman ito? Wala pang Pagkain? Seryoso?"
Bwisit naman hindi na nga maganda ang araw ko dinagdagan pa ni Aphrodite.
Sinong hindi magagalit? Kung paggising mo wala pang nakahandang pagkain? Wala man lang siyang sinaing o niluto man lang?.
Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng tinitirhan naming bahay at isa lang ang masasabi ko , sobrang gulo ng bahay na para bang dinaanan ng bagyo.
Magtatatlong linggo na kaming magkasama sa bahay na ito at three weeks na rin kaming kasal pero habang tumatagal lalo kong nararamdaman ang inis at galit sa babaeng 'yun.
Wala kasi kaming katulong sa bahay kaming dalawa lang talaga sabi kasi ng mga magulang namin kailangan naming magsikap para matutunan ang mga gawaing bahay.
Nasaan na ba ang babaeng 'yun? pumunta ako sa Likod ng bahay namin dahil madalas nakikita ko siyang tumatambay sa likod ng bahay pero ngayon wala ito.
Minsan sa sobrang inis ko sa kaniya napagbubuhatan ko na ito ng kamay pero mabuti na lang hindi siya nagsusumbong sa mga magulang namin.
Napakunot noo ako ng makarinig ako ng tawanan malapit lang sila sa kinaroroonan ko kaya naman hindi na ako nag atubili pang hilain si Aphrodite palapit sakin.
Walang hiya na babaeng ito kaya pala wala pang nakahandang pagkain nandito lang pala siya nakikipagharutan sa lalaki at talagang may gana pa siyang lumandi samantalang nagugutom na ako.
"Nandito ka lang pala , Alam mo bang nagugutom na ako? Hindi ka man lang nagluto napaka walang kwenta mo talaga" hinawakan ko ito sa braso ng mahigpit.
At minsan din napagsasalitaan ko rin siya ng mga masasakit na salita.
"N-nasasak-tan ako Zane Ano ba!" Pilit nitong tinatanggal ang pagkakahawak ko sa kaniyang braso pero mas lalo ko pang hinigpitan kaya wala siyang nagawa.
Nilingon ko naman ang lalaking kalandian ni Aphrodite. "Miss wag mo namang ganyanin si Aphrodite" Sabi nito na kinatawa ko tsaka siya binigyan ng masamang tingin.
"At sino ka para pagsabihan ako ha? Asawa ko ang babaeng ito kaya may karapatan ako kung anong gusto kong gawin sa kaniya" sagot ko sa lalaki na biglang tumahimik.
Hinila kona si Aphrodite papasok sa bahay namin nang makapasok na kami ay agad ko itong tinulak sa couch.
"Alam mo Napakalandi mo talaga eh ano? Samantalang ako dito nagugutom na at inuna mo pa ang pakikipaglandian kesa sa asikasuhin ako?" Walang kagatol-gatol kong sabi nang matapos kong sabihin 'yun ay nakita kong nasaktan ito sa sinabi ko pero hindi ako nadadala sa mga paganyan na 'yan.
"Ang totoo niyan wala na tayong stocks , bibili na sana ako kaya lang hinarang niya ako tsaka nagpakilala kaya-
"At nakalimutan mong may bibilhin ka dapat? Alam mo lagi mo talaga akong binubwisit" Tinalikuran kona ito tsaka umakyat sa kwarto namin.
Kung tinatanong niyo kung may nangyayari ba ulit samin? Pwes wala at wala akong plano na sundan pa ang nangyari samin bago kami ikasal.
Nagbihis ako tsaka bumaba ulit nakita ko pang naglilinis na siya habang isa-isang dinadampot ang mga kalat , Uh natatandaan ko nagkalat nga pala 'yung mga boteng ininuman ko kagabi pero siya ng bahala ang maglinis sa buong bahay na ito , ayun naman ang papel niya bilang asawa ko.
Napahinto ito ng makita niya akong palabas na "Saan ka pupunta?" Tanong niya tsaka lumapit sa'kin.
"Sa labas na lang ako kakain mukhang wala ka namang maluluto diyan tsaka ako na rin ang bibili ng mga stocks natin" Huling sabi ko bago na ako pumunta sa aking sasakyan at pinaandar na ito.
𝗔𝗣𝗛𝗥𝗢𝗗𝗜𝗧𝗘.
Maaga akong nagising dahil sa likot matulog ng katabi ko kaya no choice na ako kung hindi ang tumayo na lang.
Nasanay na rin akong magising ng maaga mula ng ikasal kami ni Zane bale three weeks na kaming kasal pero sa maniwala man kayo o hindi mula ng ikasal kami wala ng nangyayari samin hindi sa malibog ako ha?.
Pagkababa ko ay pumunta ako sa kusina para sana makapagluto at baka magalit nanaman ang mabait kong asawa. kapag gigising kasi 'yun gusto niyang may nakahain na agad pero malas kasi ngayon pa naubos ang stocks namin.
Napagdesisyunan kong mamili na lang kaya lumabas na ako ng bahay pero hindi pa man ako nakakalayo ay may lalaking humarang sa'kin.
"Hi? Daniel nga pala ikaw?" Nakangiting bungad niya pero hindi ko naman nakikitaang may masama siyang intensyon kaya naman nginitian ko rin siya tsaka din nagpakilala.
Himala hindi umandar ang katarayan ko sa lalaking ito hmm maybe dahil sa mabait siya kausap at ang gwapo din niya.
"Bago ka lang ba dito?" Tanong niya habang hindi nabubura ang ngiti sa mga labi.
"Ahm yes may kasama din ako" Sagot ko na kinatango naman tsaka siya tumingin sa gawi ko.
"Alam mo bang ngayon lang ako nakakita ng sobrang maganda na tulad mo?" Sabi nito na kinatawa ko ng malakas I don't know pero lately mababaw lang ang saya ko tulad ngayon. Seryoso ba ang lalaking ito? o sadyang binobola lang ako?.
Sasagot na sana ako ng naramdaman kong may humila sakin.
Pagtingin ko ay isang galit na mukha ni Zane ang nakatingin sakin kaya naman kinabahan ako , lagi akong kinakabahan kapag ganito na ang awra niya minsan din kasi nasasaktan na ako ni Zane hindi lang emotionally pati na rin physical.
"Nandito ka lang pala , Alam mo bang nagugutom na ako? Hindi ka man lang nagluto napaka walang kwenta mo talaga" tsaka ko naramdaman ang paghigpit ng hawak niya sa braso ko. Pinilit kong alisin ito pero mas lalo niyang hinigpitan.
Nasaktan ako sa mga pinagsasabi niya pero alam ko namang wala lang lahat sa kaniya ang nararamdaman ko.
Pumasok na kami sa loob ng bahay tsaka niya ako tinulak sa couch mabuti na lang dun niya ako natulak hindi katulad nung nakaraan medyo nasugatan 'yung balat ko dahil may bubog pa palang nakakalat sa sahig.
Nang umakyat na ito sa taas ay napabuntong hininga muna ako bago nilibot ang loob ng bahay makalat at nandun ang mga pinag inuman ni Zane kaya naman nag umpisa na akong maglinis.
Napahinto ako sa ginagawa ko ng makita ko itong nakabihis at akmang lalagpasan na ako ng tinanong ko siya kung saan siya pupunta.
"Sa labas na lang ako kakain mukhang wala ka namang maluluto diyan tsaka ako na rin ang bibili ng mga stocks natin" sagot nito kaya naman napatango ako. Sasabihin ko sanang sasabay ako sa kaniya para dun na lang din kumain pero wag na lang siguro dadalaw na lang ako sa bahay para dun na lang kumain.
>>>
Parang kawawa na bigla si Baby Aphrodite dito ah.