𝗦𝗨𝗭𝗔𝗡𝗘.
"Okay na po Madame ang inyong anak , Normal lang na mangyari ito sa kaniya dahil sa ginawa nila ng kasintahan niya lalo pa't una pa lang niyang gawin ang bagay na 'yun , siguro hindi niya nakayanan ang laki ng kasintahan kaya siya hinimatay"
Napa tango naman si tita sa sinabi ng doctor sa kaniya.
Hinimatay kasi si Aphrodite ng makita kong aalis ito ng bahay nila mabuti na lang hindi siya natumba sa sahig at nasalo ko siya ng maagap pero bago siya himatayin nakita kong hirap itong maglakad.
"Thank you Doctor. Richards" Sagot ni tita sa doctor nila tsaka na ito nag paalam. Hinatid naman siya ni tita sa labas.
"Ano ng plano mo?" Napalingon ako sa taong nagsalita base sa tono ng pananalita nito ay para pang naiinis kaya nakaramdam din ako ng inis parang sa tono ng pananalita nito kasalanan ko pa ang nangyari kay Aphrodite.
"Oo nga anak ano nang plano mo? May nangyari na sa inyo ni Aphrodite , at kapag ganun ang nangyari kailangan mong-
"Pakasalan? Sinabi ko na sa inyo na hindi ko alam kung papaanong may nangyari samin? Nahihilo ako nung araw na-
"Tsk wag ka ng magdahilan Zane , Isa itong kahihiyan sa ating pamilya kapag hindi mo pinanagutan si Aphrodite , matutuloy ang kasal niyo" Eksena naman ng tatay ko na hindi mabasa ang awra.
Pinapasok nanaman nila sa usapan ang kasal.
Sobrang big deal ba nun? May nangyari lang samin pero hindi naman namin mahal ang isa't-isa.
"Ang kasal para lang sa mga taong nagmamahalan dad-
"Matututunan mo rin siyang mahalin Zane , Bakit hindi mo subukan mabait naman at maganda si Aphrodite ano bang wala sa kaniya?" Sabi ng tatay ko tsaka tumingin sa gawi ni aphrodite na mahimbing pa ring natutulog.
"Hindi ko siya mahal dad , Mahirap bang intindihin 'yun o Mahirap lang talaga para sa inyo?"
Ugh syempre sa isip ko lang sinabi 'yan baka magkasapakan pa kaming dalawa kapag 'yan ang sinagot ko sa kaniya.
"Oh? Anong nangyayari? May hindi ba kayo napagkakaunawan?" Si tito na kasama na si tita nagtataka itong tumingin kay daddy.
"Wala Kumpare , Sinabi ko lang kung gaano ako ka proud sa kaniya tsaka nga pala kumpare okay lang ba sainyo kung bukas na bukas din ay ikakasal na sila?" Seryoso lang ang mukha ko habang nakikinig sa kanila pero bigla akong kinabahan ng marinig ko ang huling sinabi ni daddy.
Napapikit ako at nanalangin na sana hindi pumayag si tito na ipakasal kami agad... pero
"Aba'y Oo naman kumpare , Lalo pa't nakakatiyak ako na ilang buwan lamang ay may mabubuo na" Nakangiting sagot naman ni tito tsaka siya tumingin sa gawi ko.
Hindi ko alam kung 'yung sinasabi ba ni tito na mabuo kung 'yun ba ay relasyon o isang-- holycow! Baka sa loob ko nailabas 'yun 0_0.
Akma na sana akong eeksena dahil nga tutol talaga ako sa sinabi ng tatay ko pero napatingin kaming lima ng may biglang tumikhim galing saming likuran.
"Anak gising kana pala" Naunang lumapit si tita tsaka si mommy bakas ang tuwa sa mga mata nila ng magising na ito.
"Kamusta na ba ang pakiramdam mo iha? Masakit pa rin ba?" Segunda naman ni mommy.
Namula naman si Aphrodite dahil sa tinanong ng nanay ko sa kaniya , grabe lang nakakahiya bakit ba ganyan ang tinanong niya.
"Anak naman dapat dahan-dahan lang , hindi ba naging maingat si Zane sayo?" Dagdag pa ni mommy kaya natawa naman si tita na lalong kinapula ni Aphrodite.
"O-okay lang po ako tita , Tsaka medyo masakit pa rin po pero hindi na tulad kanina" Nahihiyang sagot ng isa.
Naiiling na nilisan ko ang silid na 'yun habang abala silang kausapin si Zane.
Umuwi muna ako sa bahay dahil kailangan kona ring magpahinga tsaka maglinis ng katawan ko.
Pabagsak akong humiga sa malambot kong kama tsaka dahan-dahan ng pinikit ang mga mata.
Buong araw ay wala akong ginawa kundi ang simangutan lahat ng taong nakapaligid sakin sino bang hindi diba? Kung pinilit kang pakasalan 'yung taong ayaw mong pakasalan at ang malala hindi mo naman mahal.
Habang 'yung mga taong dumalo kuno sa kasal namin ay nagtatakang napapatingin sakin , hindi ko kasi sila pinapansin lalo na ang babaeng nakangiti lang pagkatapos ng seremonya ng kasal.
"Congrats Zane and Aphrodite Ang masasabi ko lang sana bigyan niyo kami ng maraming apo" Napakurap ako ng marinig ang boses ni tito which is tatay ko na rin.
"Pa! Apo agad?" singhal naman ni Aphrodite pero naiiling lang si tito habang nakangiti.
Paano nilang nagagawang ngumiti? Habang ako dito habang buhay kona yatang titiisin ang bangungot na ito.
"Anyway Zane , Mula ngayon magsasama na kayo sa iisang bahay don't worry malapit lang naman sa bahay namin" Si tita naman ang nagsalita habang nakangiti. Masaya talaga sila para sa anak nila.
Pilit na ngiti lang ang binigay ko tsaka tumango ng paulit-ulit.
Napaisip lang ako , Tutal sapilitan lang naman ang letseng kasal na ito gagawin ko ring letse ang buhay ni Aphrodite habang kasama niya ako para sa ganun mapilitan siyang hiwalayan na ako at malaya na ulit ako.
"Anak? , Wag mo namang ipahalata na ayaw mo ang pangyayaring ito" Nagsalubong ang aking kilay ng tawagin ako ng tatay ko na Anak hmm himala.
"Sino bang may sabi na gusto ko ang nangyayari sakin ngayon? Dad alam niyo namang-
"Balang araw malalaman mo rin kung bakit namin ginawa ito pero sa ngayon gawin mo ang tungkulin mo bilang asawa ni Aphrodite okay?" Nakangiti nitong hinawakan ang aking balikat.
Mga ilang oras lang ay nakaramdam na ako ng sobrang kaboringan kaya niyaya kona ang kasama ko na umuwi na kami.
"Sige anak mag-iingat kayo ha? Tsaka Zane" Tumingin ako sa mga magulang namin "Dahan-dahan lang ha?" Paalala nila pero tumango lang ako habang hindi sila binigyan ng kahit konting ngiti.
Nakangiting kumaway si Aphrodite tsaka na sumabay sakin sa paglalakad at humawak pa sa braso ko. bigla akong nairita kaya tinanggal ko ang pagkakahawak niya.
"Tandaan mo Aphrodite , Kasal lang tayo sa papel" Seryoso kong sabi sa kaniya tsaka na pumasok sa kotse. Nakita ko pang nakatulala ito kaya naman binusinahan ko na ng malaman niyang nagmamadali na akong umuwi.
![](https://img.wattpad.com/cover/215675934-288-k636507.jpg)