SUZANE.
Buong araw ay napapatulala ako dahil sa mga nangyayari sakin. Una hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako naiinis sa manliligaw ni Aphrodite na si Art psh manliligaw agad tapos magkababata pa.
"Anak okay ka lang ba?" napukaw ang aking atensyon sa nagsalita.
"Ay opo ayos lang po ako" Sagot kona lang para hindi niya mahalatang may iniisip ako.
"Alam mo Zane , mula nang mapunta kami dito hindi ko nakikitang inaasikaso ka nung asawa mo" Nabaling din ang tingin ko sa kasama nito. Napa hinga ako nang malalim dahil sa sanabi niya.
Kasama namin sa bahay ngayon ang dating katulong nila mommy na si Manang Josefina at ang anak nitong lalaki na si Josef. At tungkol naman sa sinabi ni josef ay medyo tama ito.
Mula kasi nang dumating ang Art na yan ay lagi na lang busy si Aphrodite sa kanya.Minsan pa nga hindi kona naaabutan sa bahay si aphrodite at nakakatanggap na lang ako ng stickynote na sinasabing may lakad sila ni art.
Hindi ko namamalayang ilang beses na pala akong napahinga nang malalim.
"Dahil ba dun sa lalaking yun? Ano nga pangalan nun.. ah tama dahil ba diyan sa art na yan? Aba anak,wag kang papayag na makuha ang asawa mo" segunda ni manang josefina sakin maski si Josef ay napatango-tango na rin. Hindi kasi nila alam na kasal lang kami sa papel at hindi dahil sa nagmamahalan kami.
Magsasalita pa sana ako kaya lang may biglang bumagsak na isang bagay kaya naman sabay-sabay kaming napatingin at pinuntahan ang pinagmulan nun.
"Ay jusko Anak ang asawa mo" Sigaw ni manang dahil sa hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Nakita kasi namin si Aphrodite na nakahiga na sa sahig kaya napatulala ako dahil hindi ko alam kung anong nangyari.
"Mukhang nahimatay siya ma , Dalhin na natin sa hospital" napatango ako sa suhestiyon ni josef kahit papaano ay kumalma naman ako.
Pagkadala namin kay Aphrodite sa hospital ay agad siyang inasikaso ng doctor. Siguro mga Bente minutos din ang hinintay namin bago lumabas ang doctor na kakilala ko rin.
"Ahm Doc? Ano? Kamusta na po Ang A-asawa ko?" Phew medyo nahirapan pa akong banggitin ang salitang asawa ewan medyo awkward para sakin.
Seryosong tumingin samin ang doctor na nag-asikaso kay Aphrodite. Napahinga muna ito tsaka tumingin sakin ng diretso.
"I'm sorry pero--
"Doc? Wag niyong sabihin na hindi kinaya nang Asawa niya? Ano? in-operahan niyo na ba? Bakit hindi alam nang asawa niya? Jusko naman doc nahimatay lang tapos--
Napatigil si josef dahil Oa ang pagkakasabi niya nito. Tiningnan din siya ni Jimenez yung doctor na kausap namin ngayon.
"Ikaw ba ang Asawa?" tanong ni doctor jimenez kay josef kaya bumaling ako sa kabila para pakawalan ang mahina kong pagtawa. Mukhang alam kona kung sino ang makakatuluyan ni doctor Jimenez.