APHRODITE.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o Ano dahil sa nalaman ko.
Matutuwa syempre dahil sa wakas hindi na rin kami kukulitin ng mga magulang namin at syempre mas lalo kaming mapapalapit ni Zane dahil sa anak niya ang dinadala ko. Pero nakakalungkot lang Isipin na Nabuo siya sa mga panahong pilit lang ang lahat..
"Hey Garl? Are you okay lang ba talaga? This nagdaang araw kasi you Always tulala na kaya Me and our squad Are nag-aalala na"
Kilala niyo naman na kung sino ang Palaging nag gaganito. Kung magsalita parang takot maubusan nang English Words.
"Ahm A , Sabihin mo kung may problema ka" Nakatingin na pala silang tatlo sakin sina Quiny , Zeilyn , Revina.
"Wala ito girls medyo Stress lang" Palusot ko pero half dun ang totoo medyo Stress din kasi ako ngayon. Pero alam kong makukulit ang tatlo kaya naman hindi nila ako tinantanan kaya naman Nainis na ako at Sinabi sa kanila ang Totoo.
"Kyahhh!! Oh my , Kaya pala Ang blooming mo tapos madalas mo rin kaming kainisan Right Girls?" Sabi pa ni Revina at kung makatili wagas kaya napatingin samin ang mga tao sa Cafe.
"Goodness A , I'm So happy for the both of you.. Yeah Revina is Right your so blooming as always hihi" Segunda naman ni Quiny na parang nilagyan ng asin ang pwet dahil sa kalikutan.
"Eh Pero teka? Anong Reaksyon ni Zane? Nainis ba siya? Nagalit? Ano?" tanong ulit ni Revina pero tinampal naman siya ni Zeilyn sa kamay.
"You're so Grabe sa Nainis and sa Nagalit Hindi ba pwedeng Na Happy?" Salita ni Zeilyn kaya naman mas lalo akong nastress. Hindi ko alam kung sa kanila ba ako nai-istress o Sa mga salita nila.
"Saan ka pupunta A?" Sabay silang napatingin sakin dahil tumayo ako. Duh hindi kona hihintaying ma-istress ako sa kanila lalo na nakakasama para sa baby.
"Magpapahangin lang" Simpleng sagot ko bago na sila tinalikuran.
SUZANE.
Kagat-kagat ko ang aking mga labi habang hinihintay na makalabas si Aphrodite. Mula kasi nang malaman kong buntis siya ay talagang binabantayan kona siya lalo na't Mag aapat na linggo na siyang buntis. Gusto ko kasi itong isabay na kumain.
"Ah Miss Excuse me? Nandiyan ba si Aphrodite?" Tanong ko sa babae na hanggang balikat lang ang buhok. Umiling ito at sinabing kanina pa daw ito lumabas kaya naman nagpasalamat ako dito bago na pumunta sa Cafe na lagi niyang tinatambayan.
Ang babaeng yun sinabi ko nang Sabay kaming kakain at para na rin masigurado ko kung kumakain ba talaga siya nang tama. Hindi ko alam pero ang sarap pala talaga nang pakiramdam dahil sa wakas magiging Isang Magulang na rin ako.
Pagkapunta ko dun ay nakita ko agad ang mga kaibigan niya. Tinanong ko kung Nasaan si Aphrodite at yung medyo Slang ang nagsabi sakin na umalis daw ito at sinabi sa kanila na magpapahangin daw muna.
Pero bago ako maka-alis ay narinig ko ang mga kaibigan ni Aphrodite na nagsabing Congrats siguro alam na rin nila na buntis si Aphrodite. Nagpasalamat ako sa kanila tsaka na Umalis para hanapin si Aphrodite.