𝘒𝘢𝘣𝘢𝘯𝘢𝘵𝘢 15: 𝘉𝘪𝘨𝘭𝘢𝘢𝘯.
Nagpalinga-linga ako sa paligid bago ko muling inumpisahan ang paglalakad papasok na ako ngayon sa university pero bigla ko na lang nahuli ang mga tauhan ng tatay ko na sumusunod sakin.
Habang naglalakad ay napapatingin sakin 'yung mga babaeng walang magawa kundi guluhin ang buhay ko isa na dun si Aphrodite na seryoso lang ang mukha.
Nitong mga nakaraang araw lang marami na agad ang mga nangyari, tulad ng pagpapakasal ng kapatid ko kay Venus hindi ko lubos akalain na magagawa akong pagkaisahan ng dalawang importante sa buhay ko.
Tulad ngayon nakita ko silang dalawa na masayang nagkakausap kakarating lang ng mga ito , habang si kuya sam naman ay todo ang pagbibigay ingat nito.
Hayst kung akala nila titigil na ako dahil kinasal na si Venus kay Sam nagkakamali sila , Handa akong gawin ang lahat mapasakin lang ulit si Venus kahit pa maging pangalawa na lang ako sa buhay niya.
Agad akong pumasok sa kwarto dahil ayaw ko ng marinig ang kung ano pa mang mga sasabihin nila para hiwalayan kona si Venus.
Mga ilang sandali lang ay nakarinig ako ng katok pero ilang saglit pa ay naramdaman ko na
na may pumasok sa kwarto ko."Sis"
Sa narinig ay biglang bumangon ang inis saking dibdib nagagalit din ako dito , Bakit ba ayaw niyang ipaubaya na lang sakin si Venus puro na lang ba siya?.
"Anong kailangan mo?" Masungit kong tanong sabay tingin dito ng masama.
"Zane , hindi mo pa alam ang totoo naming relasyon , Girlfriend ko si Venus dati pa bago ko pa siya ipakilala sa inyo..pinalabas lang namin na mag-kaibigan kami dati pa pero ang totoo girlfriend ko na siya.. Alam mo naman si daddy strict gusto niya munang makatapos ako , at nagkaroon kami ng konting tampuhan hanggang sa tumagal ng tumagal at hiniwalayan na niya ako , Kaya alam ko kung bakit ka niya sinagot , Hindi ka niya mahal zane"
"Hindi ako naniniwala sa huli mong sinabi kuya , Mahal niya ako at mahal ko siya , Bakit ba ayaw mong tanggapin na hindi kana niya mahal?" Binigyan ko ito ng nakaka insultong ngiti bago sana umalis na dahil hindi ko kayang huminga na kasama ito.
"Ayaw kitang masaktan Zane , Hindi ka niya mahal , May totoong nagmamahal sayo" huling sabi niya at ito na mismo ang umalis sa loob ng kwarto ko.
"Oiiii!!! Nakatulala ka nanaman diyan?" Nakaramdam ako ng sakit saking tyan.
Tumingin sakin si kaori na puno pa ang bibig tsaka niya pinakita sakin ang hawak niyang lagayan at tinuro ang pagkain ko.
Naiiling na binigay ko dito ang akin kaya ang gaga tuwang-tuwa psh kinaibigan lang yata ako nito para kunin lagi 'yung pagkain ko.
Hayst lately talaga lagi na lang akong lutang mabuti na lang lagi akong kinakausap ng kaibigan kong baliw kaya kahit papaano ay nababawasan.
Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko ng makita ko si Venus at kuya Sam nakangiti silang pareho para bang makikita mo kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.
"Naku! Kaya naman pala , Alam mo Zane kung ako sayo wag na 'yang si Ms. Venus may asawa na 'yan" Eksena nitong si kaori habang nagkalat ang sauce sa kaniyang pisngi yakk lang ha!.
Nakaramdam ako ng tuwa ng makita ko si Venus na naglakad paalis sa pwesto nila kuya Sam kaya tumayo ako agad para sundan ito pero bago 'yun hinawakan ni kaori ang braso ko.