𝖲𝗁𝖾'𝗌 𝖻𝖺𝖼𝗄

5.3K 178 24
                                    


Nakatingin lang ako sa mga magagandang tanawin habang naglalanding na ang eroplanong sinasakyan ko.







Hindi ko inaasahan na magugustuhan ko pala sa France at hindi ko mabilang kung ilan na ba ang mga nakilala ko dun. nung unang punta ko dun gusto kona agad umuwi nalulungkot ako dahil tanging katulong lang ang kasama ko sa bahay namin sa france pero habang tumatagal ay nagugustuhan kona rin naman.







Pagkababa ko ay agad kong hinanap ang pamilya ko. Sabi kasi nila mommy na sila ang susundo sakin pero nalungkot ako dahil wala pa sila.







Dire-diretso na sana ako para makauwi na nang biglang may sumigaw at talagang literal na napahawak ako saking magkabilaang tenga.







"Welcome Home Bestttt!!!" Sino pa ba ang may lakas loob na sumigaw dito. Lagi naman walang hiya ang babaeng ito ako ang nahihiya para sa kaniya.







"Kaori naman mukhang balak mo pa akong bingiin" Kunwaring inis na sabi ko sa kaniya natawa lang naman ang mga kasama namin.







"Ay sorry best Tagal mo kasing bumalik gaga ka talaga" may pahampas pa talaga sa braso.







"Mabuti naman at bumalik kana anak" Nabaling ang tingin ko kay daddy na nakangiti. Halatang nasasayahan na bumalik na ako.







Ang totoo niyan si Daddy palagi ang nangungulit sakin na umuwi na raw ako. Labo din niya ano. Siya ang nagpaalis sakin tapos pinapauwi agad ako.







"Salamat Daddy , namiss ko kayong lahat" nakangiti ko ring sambit bago tumingin kay Mommy at daddy. Kasama nila si Kuya Sam at Si Venus na karga-karga na ngayon ang anak nila.







"Wow Ven ang ganda naman ni Zyrus" Mangha kong sabi bago kunin dito ang pamangkin ko. Grabe lumalaking malusog.







Ilang taon na ba akong nanatili dun siguro mga dalawang taon din. Kagaya nga nang sinabi ko kanina hindi ko inaasahan na magugustuhan ko rin sa france kaya napatagal ako.







Kung tinatanong niyo kung kamusta ang puso ko. Well nasaktan lang pero hindi nawasak. Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakakalimutan. Marami man akong nakilala na ibang babae pero siya pa rin ang nasa puso ko.







"Hay naku tama na nga muna yan.. mabuti pa umuwi na lang muna tawo sa bahay" Napatawa kami nang nabulol pa si mommy. Kaya sinamaan kami nito nang tingin.







Pagkarating namin sa bahay nagtaka ako dahil madilim sa loob iniisip kona lang na baka maagang natulog ang mga katulong sa bahay. Namiss ko rin sila manang josefina at si josef kamusta na kaya sila.







Ako na ang nagkarga kay Zyrus habang sila Venus at kuya naman ay nauna nang pumasok sa loob para pa ngang nagmamadali. Hindi kona lang pinagtuunan nang pansin dahil nangigigil ako sa karga ko ngayon.







Okay na naman kami nila Kuya at Venus. Wala din namang mangyayari kung palagi na lang akong magagalit sa kanila.







"Huy best pasok na tayo sa loob" Napalingon ako kay kaori na nilalaro yung kamay ni Zyrus kaya naman napatango na lang ako.







Baka may handaan dito sa bahay kaya hindi pa umuuwi itong si kaori naku kilala ko ang babaeng ito. Basta pagkain walang pinapalampas.







Narinig kong tumawa nang malakas si zyrus kaya natawa na lang din ako. napaisip ako saglit. Siguro kung buhay oa yung anak namin ni Aphrodite malamang may kalaro na sana itong si Zyrus.







𝐒𝐮𝐳𝐚𝐧𝐞 𝐒𝐤𝐲 𝐌𝐜𝐤𝐞𝐧 ✔ ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon