𝙆𝙖𝙗𝙖𝙣𝙖𝙩𝙖 9

3.9K 158 3
                                    

𝘒𝘢𝘣𝘢𝘯𝘢𝘵𝘢 9: 𝘚𝘰𝘳𝘳𝘺



𝘚𝘶𝘻𝘢𝘯𝘦

Pagkalabas ko ng restau ay agad kong hinanap si aphrodite pero ni anino nito ay hindi ko nakita kahit man lang sa gilid gilid hanggang sa matutok ang paningin ko sa madilim na parte kung saan nakaparke ang ibang mga sasakyan.

Sinunod ko ang kutob ko na pumunta sa lugar na 'yun dahan-dahan lang ang paglalakad ko.

Napahinto ako sa paglalakad ng makakita ako ng isang bulto ng tao na nakaupo habang nakatalikod sakin. Hanep din 'tong babae na 'to sa madilim na lugar pa nag emote.

Akmang lalapit na sana ako Ng biglang lumapit ang dalawang lalaki sa kaniya hahayaan kona sana dahil kinakausap naman niya pero ng makita ko kung paano siya mailang sa dalawang lalaki ay lumapit na ako sa kanila.

"Oo nga miss ako nga pala si drake but you can call me love" Narinig kong sabi ng isang lalaki medyo may itsura naman pero mas gwapo pa sa kaniya ang kuya ko.

"Ako naman miss si Dionson but you can call me baby" Sabi naman ng isang lalaki habang nakapaskil ang malaking ngiti sa mukha nito.

"Aphrod-

"Bakit dito ka pa nag senti senti? Hindi moba alam na delikado dito?" Inis kong sabi sa kaniya sabay hila patayo tatalikod na sana kami ng tinawag kami ng dalawang mokong.

"Hoy bastos ka ba? Kinakausap pa namin eh" Naramdaman kong hinawakan nito ang kaliwa kong balikat kaya napatingin ako sa mga kamay niyang nakahawak sa balikat ko.

"Tanong mo sa sarili mo pre , Tutal yang mukha mo kabastos-bastos na" Iniinis nanaman ako ng mga mokong na 'to.

"Aba! Bastos ka talaga tingnan nga natin kung hanggang saan yang tapang mo" Sunod na sabi naman ng payat na lalaki ito ata yung drake yung pangalan peto nakakasuka hindi nababagay sa kaniya yung pangalan niya.

Napatango-tango ako sabay harap sa dalawang lalaki na ang laki ng mga ngisi sakin , Naramdaman kong kinalabit ako ni aphrodite kaya nilingon ko 'to

"Are you out of your mind-

"Shhh! Yakang-yaka ko yang mga 'yan kaya tumabi ka muna" pagmamayabang ko dito tsaka siya ngininitian.

"Hoy Tama na muna yang pangiti-ngiti mo tingnan natin kung makangiti kapa pagkatapos nito" Ani ng lalaking payat sabay labas nito ng kutsilyo na nanggaling sa likuran ng pantalon.

"Dami niyong satsat-

Mga bastos pala ang mga 'to hindi pa nga ako ready tapos sinugod na agad ako? asan ang patas duon?.

"AHHHH" Sa sigaw nito parang leletchunin dahil sa lakas makasigaw samantalang ang kasama niyang si pulbo na dionson nakatingin lang samin.

Sinugod ako nitong drake na payatot habang hawak ang kaniyang patalim akma niyang tatamaan ang aking tagiliran ng mailagan ko 'to.

Sugod lang ito ng sugod hanggang sa mapagod na at tuluyang tinawag ang kasama na nakamasid lang samin.

"Pre matibay ang isang 'to" sabi ni payatot kaya lumapit dito ang kasama tsaka tumingin sakin ng masama.

Sa pangalawang pagkakataon hindi ko napaghandaan ang kanilang pag-atake pero mabuti na lang ay nailagan ko ang mga suntok na binibigay nila.

Nang Susuntukin sana ako ng payatot agad ko siyang inunahan tatlong beses ang nagawa kong pagsuntok kaya napaupo 'to sa sahig, Nabaling ang tingin ko kay pulbo.

Nagtataka kong nilibot ang paningin ng hindi ko makita si pulbo.

"AHEM hanep din pala 'tong jowa mo pre ang bango-bango na ang ganda-ganda pa" Nagtatakang napaharap ako sa taong nagsalita.

Biglang bumangon ang inis ko ng makita ko si Aphrodite na hawak ngayon ni pulbo nakatutok kay Aphrodite ang baril kaya hindi 'to makagalaw marahil nagulat.

Shete talaga naman!

Nakita ko sa kaniyang mga mata ang takot.

"Hoy pre share your blessing naman wag madamot lalo na kung ganito yung biyaya" Saad ni pulbo sabay lapit ng kaniyang mukha sa leeg ni Aphrodite.

"N-nerd Help me! kapag may nangyari saking masama humanda ka!" Sigaw naman ni Aphrodite.

Napabuntong hininga na lang ako sa nangyayari.

"Shut up Kundi papatayin kita!" Sagot naman ni pulbo dahil pinipilit ni Aphrodite na makatakas sa bisig ng lalaki.

"Eh kung patayin kona lang kaya 'to?" Out of nowhere na sabi ni pulbo.

"Edi patayin mo hindi ko naman kaano-ano 'yan" Sigaw ko sa kaniya sa sinabi kong yun ay parang nagalit ko pa yata si Aphrodite.

"What the hell! Nerd! Kapag talaga-

"HAHAHA hindi mo pala jowa yan miss?" Napaikot ang aking mata ng nagtanong pa ang lalaki na 'to.

Habang Abala si pulbo ay nakita ko sa likod ng lalaking kasama niya na hanggang ngayon ay Tulog pa ata dahil sa ginawa ko Ang isang baril kaya napangiti ako tsaka kinuha 'yun ng palihim.

"Ano ba Nerd! Gumawa ka ng paraan-

"Ingay mo miss halika nga dito-

Hayst ingay nila kaya sinamantala ko ang pagkakataon ng makita ko ang tuhod ni pulbo kaya yun ang tinarget ko at.

"ARAY!!" isang malakas na aray ang dinaing nito.

Dahil sa tinamaan ang kaniyang tuhod ay nabitawan niya si Aphrodite na agad ko namang Hinawakan sa kamay.

"Anak ka ng tipaklong-

Akmang ipuputok na nito ang baril samin ng bigla 'tong humandusay na kinabigla namin pareho ng kasama ko.

"Sis? Ayos lang ba kayo?" Napahinga ako ng maluwang ng makita ko si kuya Sam.

"Oo kuya salama-

Kailangan laging putol yung Sasabihin?.

"Aray Ano bang problema mo?" Naramdaman kong kinurot nito ang tagiliran ko dahil sa inis ko hindi ko napigilang sigawan 'to.

"Opss sorry girls kung Aawatin ko muna kayo, Kailangan na nating bumalik sa loob" Napatango na lamang ako.

Sumunod naman kami ni kuya at ngayon nga ay nasa harap na kami ng mga magulang namin.

"Anong nangyari sainyo?" Tumayo si mama ganun din si tita.

Napasulyap ako kay Aphrodite na ngayon nga ay walang imik kaya ako na ang sumagot.

"Nakita ko po siya sa madilim na parte ng parking lot, At sa kasamaang palad Muntik ng mapahamak si Aphrodite" Sulyap ko ulit dito pero ako nito tiningnan.

Siguro hihingi ako ng sorry dahil nasigawan ko 'to. hindi ko naman dapat gawin yun dahil nasigawan ko siya pero iba ngayon.








Muli akong napasulyap sa tahimik na Aphrodite uuwi na kasi kami pero nag-uusap pa ang mga magulang namin.

"Sorry nga pala kanina" tinabihan ko 'to tsaka nilagay sa likod niya ang aking braso.

kita kong inikutan ako ng mata ni Aphrodite tsaka siya tumango pero tahimik pa rin.

"Uy sorry na" hindi ako kumbinsido hanggang hindi pa siya nagsasalita.

"Ano ba? Umurong ka nga duon" Sa wakas nagsalita na rin "Ano yung sinabi mo duon kanina? Gusto mo ba akong mamatay?" Dugtong pa nito.

"Syempre hindi, nasabi ko lang yun para malibang yung tingin niya sayo para sa ganun makahanap ako ng pwedeng gamitin sa kaniya" Sagot ko naman dito.

"Tch Apology accepted" With mataray tone na sabi nito kaya natawa na lang ako.

Hayst sa wakas.









>>>>

𝙶𝚊𝚢𝚜 & 𝚐𝚞𝚢𝚜 𝚔𝚎𝚎𝚙 𝚜𝚊𝚏𝚎 𝚙𝚘 𝚙𝚊𝚕𝚊𝚐𝚒 𝚢𝚞𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚠𝚊𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚓𝚘𝚠𝚊 𝚍𝚒𝚢𝚊𝚗 𝚜𝚊𝚏𝚎 𝚝𝚊𝚢𝚘 , 𝚠𝚊𝚕𝚊 𝚝𝚊𝚢𝚘𝚗𝚐 𝚙𝚘𝚙𝚛𝚘𝚋𝚕𝚎𝚖𝚊𝚑𝚒𝚗 𝙷𝙰𝙷𝙰𝙷𝙰

𝐒𝐮𝐳𝐚𝐧𝐞 𝐒𝐤𝐲 𝐌𝐜𝐤𝐞𝐧 ✔ ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon