Pikit ang mga matang napayuko ako habang pinipilit na matulog , Mabuti na lang wala pang prof ngayon kaya may oras pa ako para matulog hindi din naman ako pwedeng umabsent dahil lahat ng prof ngayon magpapa quiz sayang din naman.
"Mukhang puyat tayo ngayon ah?" Napa-angat ang ulo ko tsaka nilingon si kaori na kakarating lang may kasama pang ngiti sa kaniyang mga labi.
"Ugh kaori wag mo muna akong kausapin , Inaantok pa ako" sabay balik sa pwesto ko.
Nagtataka kayo kung bakit ako puyat? Malamang magtataka talaga kayo kasi nga hindi niyo alam well ganito lang kasi yun.
Natutulog na ako nung mga oras na yun nang bigla ba namang may bumato sa bintana ng kwarto namin kaya napabangon ako dahil sa pag-aakalang may magnanakaw pero hindi pala , mga kaibigan ko lang na gusto akong Isama sa lakad nila kaya pumayag na ako agad.
"Sus! Panigurado nakailang Rounds nanaman kayo ni Aphrodite" Asar pa niya kaya naman napa upo ako ng maayos dahil sa sinabi niya. Alam din kasi nito na kasal kami ni aphrodite nalaman din niya na may nangyari samin dahil ayaw akong tantanan.
"Walang nangyayari samin kaya pwede ba? Tumahimik ka diyan baka may makarinig pa sayo" Sinamaan ko siya ng tingin pero yung isa mukhang may energy para bwisitin ako ngayong araw.
Natatawa itong tumango sabay labas ng kaniyang notebook at yun na lamang ang kaniyang pinagtuunan ng pansin. Samantalang ako Natulog.
Naglakad na ako papunta sa parking lot nang may maramdaman akong matalim na bagay na nakatutok sa aking tagiliran kaya naman napalunok ako.
"Oh ano namang kailangan mo? Pera? Cellphone , Kotse , helicopter or bahay?" tanong ko sa kung sino mang tao ang nasa likuran ko.
"Hindi ko kailangan ng mga yan" Napalaki ang aking mga mata ng marinig ko ang boses nito. Boses babae pero kung ayaw niya sa mga sinabi ko bakit niya ako tinututukan ng patalim?.
"k-kung ganun anong..anong gusto mo?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya narinig kong tumawa ito at naramdaman ko ring nawala na ang nakatutok saking patalim kaya napahinga ako ng malalim. Tsaka gago ba siya? Kinakabahan na nga yung tao nagawa pa niya akong tawanan.
Inis na humarap ako sa taong walang hiya na nanakot sakin at nagawa pa akong tutukan ng patalim. Nakahawak ito sa kaniyang tiyan na para talagang nakakatawa ang sinabi ko.
Dahil sa inis at nakaka bingi niyang tawa ay hinila ko ang nakatakip sa mukha nito kaya napatigil siya sa pagtawa at agad itong napatalikod.
"Sino kang babae ka?" Pinilit ko siyang ipaharap sakin pero lumayo siya ng konti kaya ako na ang nag adjust pumunta ako sa harapan niya.
"Pagbabayaran mo ang-
"HAHAHA Do you remember me? Susa-ne?" Nakangiting mukha ng babae ang bumungad sakin medyo nagulat pa ako dahil sobrang pamilyar ang babaeng ito.
"Devilla?" Halos pabulong na lang sa hangin ang pagkasabi ko nun dahil hindi ako makapaniwalang nandito sa harapan ko ngayon ang babaeng , Babaeng minsan ding minahal ni kuya Sam. Oh no.
𝘼𝙋𝙃𝙍𝙊𝘿𝙄𝙏𝙀.
Busy ako sa pagkain habang yung mga kaibigan ko naman ay busy din sa pag-uusap kaya ako sa pagkain muna ang pansin.
"How 'bout you girl? Diba you told us na may nangyari sainyo ni Zane? So why ba hindi ka pa na pe-pregnant?" Napatigil lang ako nang mabaling ang tingin ng tatlo sakin at muntikan ko na silang bulyawan dahil sa tanong na yan.
Ugh goodness ma-istress ako lalo sa tatlong ito porket sinabi ko lang sa kanila na may nangyari samin ni Zane at ang mga gaga hindi naniwala dahil daw Straight naman ako pero tama naman sila. kay Zane lang naman ako bumabaliko wala ng iba. Alam na rin nila na kasal kami ni Zane kaya mga tuwing nakikita nila si Zane inaasar nila ako.
But wait! Lagi nila akong tinatanong kung bakit hindi pa ako nabubuntis lalo na ang mga magulang naming dalawa ni Zane halatang gusto na rin nilang magka-apo pero hindi pa kasi ako handa pero kung dumating man tatanggapin ko syempre.
Medyo gulat pa ang mga gaga dahil sinabi ko na may Ano si Zane kaya pwede siyang makabuntis. Nung una hindi nanaman sila naniniwala dahil imposible daw mangyari yun pero napakibit balikat na lang ako. sabi nga nila walang imposible sa mundo.
"Oo nga Zeilyn , Diba You kwento samin na Pinutok ni Zane yung Ano niya sa loob mo?" Isa pa ito hindi din maayos ang pagsasalita bakit ko nga ba sila nagustuhan bilang mga kaibigan ko okay na sana kung si Zeilyn lang ang conyo saming apat pero dalawa sila ni Quiny.
"Ano ba naman yang paraan ng pananalita niyo ayusin niyo nga lalo kayong nakaka-irita alam niyo yun?" segunda naman ni Revina na tulad ko naiinis din sa dalawa kapag nagiging you know.
"Tch If I Know You're so Inggit kasi diba? Hindi ka marunong mag talk ng english" sagot ni Zeilyn na may kasama pang pag-irap pero inawat kona sila agad dahil tama si Revina nakaka irita sila lalo.
"Nga pala A , Susunduin kaba ni Zane?" Pukaw ni Revina sa atensyon ko napatango lang ako sa sagot niya. Kanina pa kami sa Cafe pero hindi pa dumarating si Zane para sunduin ako.
Alam ko naman , Alam kong napipilitan lang siyang gawin ito napipilitan siya sa lahat pati nga sa pagpapakasal namin napilitan lang siya. Sa isipang yun ay napahinga ako ng malalim na kinalingon sakin ng tatlo.
Tanggap ko namang may mahal siyang iba at si Venus yun pero masaya na rin ako dahil kasal na kami at ngayon nasa akin na siya.
Hindi naman ako napilitan sa planong pagpapakasal samin ng mga magulang namin. Pero nung una umayaw talaga ako dahil nga naiinis pa ako kay Nerd este kay Zane ng mga panahon na yun.
"Nandiyan si Zane" Mahinang bulong ni Revina kaya napatingin ako sa pintuan ng Cafe at totoo nga nandito siya pero..
"Ay girl who's girl that?" Saglit kong sinulyapan si Revina dahil trying hard ito sa pagsasalita ng english kaya yung dalawa natawa sa sinabi niya.
Pero kahit na mali ang english niya naiintindihan kona man ang gusto niyang itanong "Hindi ko alam kung sino ang kasama niya" Sagot ko habang nakatingin sa pwesto nila Zane na masayang nakikipag kwentuhan sa babaeng kasama niya.
"She ahm so female-ro She have butiful wife and then you is niloloko lang?" Muli akong napatingin kay Revina ng magsalita nanaman ito at this time natawa na talaga ako.
My gosh tulog ba siya habang nagsasalita ng mga english ang nasa paligid niya o hindi naman kaya nakatulala siya habang tinuturo kung paano ang tamang pagbigkas ng salitang english.
"Goodness Revin You're so nakakairita pa samin stop talking na nga lang nakaka sira ng kinabukasan" sabat ni Zeilyn sa kaniya habang ako natatawa pa rin.
Tumigil ako sa pagtawa ng makita kong papalabas na ang dalawang tao na tinitingnan ko.
Sino nanaman yun? Nambababae na ba siya?. Ugh lagot sakin ang babaeng yun kapag lumagpas siya sa limitasyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/215675934-288-k636507.jpg)