𝘚𝘶𝘻𝘢𝘯𝘦.
Napakunot noo ako ng makita kong nakahanda na agad-agad 'yung mga damit na susuotin ko. Kakatapos ko lang maligo at hindi ko alam kung sino ang nag lagay nito.
Habang busy akong pagmasdan ang damit na nasa kama ko ay nakarinig ako ng mahihinang katok kaya nabaling ang tingin ko dito. Isang buntong hininga muna ang ginawa ko bago buksan ang pinto.
"Hi darling!" Yakap nito sakin hayst kaya ganito itong nanay ko kasi nasunod nanaman sila ng tatay ko sa gusto nila.
"Nagustuhan mo ba ang damit na susuotin mo? , Alam mo na anak kailangan mong mag paimpress para alam mo na" saad pa nito kaya naiiling na lang ako dito.
humiwalay ako sa yakap nito tsaka na kinuha ang mga damit na nasa kabinet ko.
"Oh? Hindi mo ba nagustuhan ang mga damit na pinahanda ko?" Hinarap ko si mommy.
"Mom , Una sa lahat hindi ko kailangang mag pa bibo dun sa babaeng 'yun" Nakakainis parang botong-boto talaga sila dun sa babaeng 'yun.
Pagkatapos kong magbihis ay nagpaalam na ako kay mommy pagkababa ko naman ay nakita ko ang tatay ko kaya nagpaalam na rin ako dito.
Habang nagmamaneho papunta sa bahay ni Aphrodite sungit ay napapa isip ako kung bakit ang mga magulang namin ay desididong maging mag-asawa kami.
Mabilis lang ang aking biyahe papunta sa bahay nila kaya naman agad akong bumaba sa kotse tsaka na nag doorbell.
"Ahe sino po sila?"
"Kaibigan ni Aphrodite , ah nandiyan ba siya?" Napasilip din ako sa konting awang ng gate nila.
"Sandali po tatawagin ko lang" Sabi nito kaya tumango na lamang ako.
Hindi ko napansin na tirik na pala ang sikat ng araw kaya naman nakakaramdam na ako ng sobrang init , Ilang minuto na kasing nagpaalam 'yung katulong nila para tawagin daw 'yung amo nito pero hanggang ngayon wala pa rin.
Maya-maya lang ay narinig kona ang pagtunog ng kanilang gate kaya naman ng mabungaran ko kung sino ito ay nakaramdam ako ng inis.
"Bakit ba ang tagal mo? Ilang minuto na akong nakatayo dito" Jusko hindi ganitong babae ang gusto kong mapangasawa.
Ni hindi man lang ako nagawang papasukin man lang tulad ng pag-alok sakin ng maiinom wala? Tapos ganitong babae ang ipapakasal sakin ng mga magulang ko? Goodness.
"Tch hindi ko kasalanan kung hindi ka nag-isip , Kung naiinitan ka sa sikat ng araw , edi sana pumasok kana lang muna sa loob ng kotse mo diba?" at nahuli ko pa itong ngumiti ng nakaka insulto.
Siya yata ang hindi nag-iisip kung pinapasok niya muna ako sa loob ng bahay nila edi sana hindi mangyayari sakin ito. Bwisit talaga ang babaeng ito ngayon pa lang nakikita kong hindi kami magkakasundo sa mga bagay-bagay.
"Aba't-
"Pwede ba wag ka ng magsalita? Lalong umiinit sa paligid" Putol nito sa sasabihin ko kaya naman napatingin ako dito.
"Sorry kung kasalanan ko , Sobrang hot ko kasi-
"Yeah you're right at sa sobra mong hot pati 'yang bibig mo hindi mo naaalagaan" Naiiling na sabi ulit nito tsaka lumapit sa kotse ko.
"Oh ano tatayo kana lang ba diyan? Hindi mo man lang pagbubuksan ang Asawa mo?" Nakangiting tinuro nito ang passenger Seat kaya kahit naiinis ay pinagbuksan ko pa rin ito.
"Bwisit" Sabi ko ng makapasok na ito sa loob ng sasakyan ko. Naisip ko na habang nagmamaneho ay ibabangga ko ito sa poste o hindi naman kaya sa isang malaking truck pero naisip ko din na ayaw ko pang mamatay. Magpapakasal pa kami ni venus hihi.
Nag-umpisa na akong magmaneho at habang nagmamaneho ay busy naman itong babaeng kasama ko sa kaniyang cellphone at ang gaga ngumingiti pa.
Hininto kona ang sasakyan ng makapasok na kami sa loob ng university agad akong bumaba tsaka na nagumpisang maglakad nakakailang hakbang pa lang ako ay nakaramdam ako ng sakit saking batok.
"Bakit mo-
"How dare you! Napaka gentlewoman mo talaga! Ni hindi mo nga ako pinagbuksan ng pinto" Akmang ibabato niya ulit 'yung Sandal niya na may takong kaya hinila ko ito tsaka niyakap.
Opsss wala itong malisya ginawa ko lang ito para hindi niya ako mabato ulit , Habang yakap ito ay dahan-dahan kong kinuha ang isang pares ng sandals niya.
"Alam mo MISS Aphrodite , Sinusuot ang sandals hindi binabato okay?" Nakangiting sabi ko dito tsaka dahan-dahang lumuhod para isuot dito ang isang pares ng kaniyang sandals.
"A-ah Ikaw kasi! Napaka-
"Shhh , Hindi dapat malaman ng mga taga dito ang totoo nating ugnayan , tsaka ayaw kong malaman ni Venus na ikakasal ako sayo" Hinila ko ito sa isang parte kung saan walang tao.
Matapos kong sabihin ito ay ngumiti ako sa kaniya tsaka na naunang maglakad papunta sa classroom ko.
"Wahhhh!!! kaibigan!!!" Hindi pa man nakaka apak ang sapatos ko sa sahig ng room namin ng dambahin agad ako ni kaori.
Agad ko itong nilayo sakin dahil alam niyo na maraming mga maissue dito kahit kaibigan mo binibigyan ng malisya.
"May nagpapabigay sayo nito oh" Sabay abot niya sakin ng isang pirasong papel maliit ito. Kinuha ko naman ang binigay niya.
"Sino bang nagbigay?" Kunot noo kong tanong sa kaniya pero napakibit balikat lamang ito kaya sinenyasan ko itong maupo na kami.
Binuksan ko ang papel tsaka binasa ang nakasulat dito , Napakunot noo ako tsaka paulit-ulit na binasa ang nakasulat sa maliit na papel.
Sinasabi ditong Magkita daw kami banda sa locker room pagkatapos ng una kong klase. wala namang nakalagay kung sino ang nagbigay pero dahil curious na din ako kung sino ang VS na 'yan kung sakaling si VS nga ang nagsulat pupunta ako para makilala kung sino ito.
"Anong nakalagay paba-
"Walaaa , mga nantitrip lang sakin" Agad kong kinusot ang papel tsaka tinago sa bag ko , mahirap ng ipagsabi sa kaibigan kong ito malaki pa naman ang bibig nito.
Nang matapos ang una naming klase ay nagmamadali akong tumayo tsaka nagpaalam kay kaori na may kakausapin lang ako.
May mga sinisigaw pa ito pero tumakbo na ako para mabilis kong mapuntahan ang locker room.
Hingal na napahinto ako tsaka ko nilibot ang paligid ng makarating na ako sa locker room. Pero wala namang tao dito.
Napailing ako ng wala ngang tao , Hayst sayang ang pagod ko wala naman pala dito , Nang gogood time nanaman siguro-
Napatigil ako ng makakita ako ng isang bulto ng tao kaya napatayo ako tsaka nanginginig na pinagmamasdan ang bultong papalapit sakin.
Hindi naman siguro multo ang isang ito? .
Nang makalapit na ito sa pwesto ko ay muntik nang malaglag ang aking eye balls.
Fxk'ng Sheetttt!!
Siya si VS?
>>>>
Paanong laglag eye balls? HAHAHA anyway Salamat sa pagbabasa at mas magiging masaya kapag bumoto ka HAHAHA .
Sa ngayon inaayos ko pa ang mga susunod na Part kaya sorry kung matagal.
Keep safe po tayo!☻