𝚂𝚞𝚣𝚊𝚗𝚎
"Zane Nandyan na yung crush mo" Mula sa pagbabasa ng libro ay napa angat ang tingin ko sa taong dumaan napapikit pa ako dahil sa amoy ng kaniyang pabango.
Muli nanaman akong nawala sa wisyo imbes na nasa pahina lima na ako ay uulit nanaman ako dahil sa nangyari , madali ko kasing nakakalimutan ang binasa ko kapag nakita ko siya O masyadong nakapokus ang atensyon ko sa kaniya.
"Okay class time's up please pakilagay ng inyong libro dito sa desk ko" sabi ng professor namin sa Matematika kaya naman nagmamadali ko ulit binasa ang nasa unang pahina kaya lang...
"Ms.Mcken did you hea-
"Ahm Sorry Here pakilagay na lang sa desk mo" Inis kong sagot sa guro na nakatayo sa harapan ko actually Pinsan ko ang guro na ito pero walang nakakaalam.
"Tch!tch!tch! Ms.Mcken alam kong ikaw ang anak ng may-ari nitong university pero hindi ko pinapayagan ang ganyang asal sa klase ko, kaya ilagay mo na yan sa desk ko at lumabas kana" Mataray pa niyang banat pero habang sinasabi niya 'to ay bulong lamang dahil wala pang nakakaalam na isa nga akong anak ng tatay ko na may-ari ng school na 'to. Lagot 'to sakin pag-uwi.
Kaya wala nakong nagawa kundi ilagay ang libro kong sobrang kapal kasing kapal ng mukha ko jk lang. At tsaka lumabas sa loob ng silid.
Syempre kapag pinalabas ang isang estudyante saan ba ang destinasyon? Malamang sa kainan kaya naman dun ang punta ko.
Nag text bigla yung kuya ko kaya naman habang naglalakad ay nirereplayan ko si kuya pero dahil sa hindi ko agad nakita ang taong makakasalubong ko ay nabunggo ko 'to pero hindi kona tiningnan kung sino man siya.
Natapunan lang naman ng mainit na kape yung babae pero dire-diretso lang ako at nakita kona si kuya pero sa ibang direksyon siya nakatingin.
"Kuya Sam?" Tawag pansin ko pero parang bingi ata dahil hindi ako narinig namagnet na yung mata sa..
Nilingon ko kung saan siya nakatingin ng makita ko kung sino ito ay bigla akong nakonsensya , Anak ng Tipaklong bakit hindi ko alam na siya pala yung natapunan.
"Venus let's go to the clinic may mga galos ka" Lalapitan kona sana Siya pero naunahan nanaman ako ni kuya Sam sa kaniya.
"No it's okay I'm fine-
"Fine? Okay? Kahit anong sabihin mo ipupunta kita sa clinic tara" Wala ng nagawa si Venus ng hilain na siya ni kuya papunta sa clinic halos kiligin naman yung mga tao sa nasaksihan nila. tsk.
Nang humupa na ang bulungan ng mga kapwa kong estudyante na mga chismosa. Biglang lumapit sakin ang isa sa Pinaka sikat daw dito sa university na si Aphrodite. Pero hindi ko siya pinansin alam ko kung saan nanaman hahantong 'to.
"Woah look who's here , isang anak mahirap pero nakapasok sa high class na university" May pandidiri pa ako nitong sinuri bigla siyang inabutan ng sauce ng isa sa mga alipores niya.
At hindi na ako nagulat ng isaboy nito sakin ang sauce at naging sanhi ito ng malakas na tawanan para bang nanonood sila ng comedy.
Alam kong Iniinis lang ako nito mula pa man ng dito ako nag-aral ay lagi na niyang ginagawa ang bagay na ito.
"Okay kana dun?" Nakangisi kong tanong tsaka kumuha ng sauce na nalagyan sa pisngi ko at tsaka ko ito sinipsip nakita ko ang pandidiri dito.
"Eww kulang paba yang sauce na binigay namin sayo? Okay madali akong kausap bibigyan-
Isang ideya ang pumasok sa isip ko alam ko na lagi siyang naiinis sakin kaya naman nakangisi akong lumapit sa kaniya tsaka ko dinikit ang katawan ko sa kaniya na kinagulat ng mga nanonood samin lalo na siya.
"Ang sarap pala ng Labi mo , yan na lang ibigay mo kahit araw-araw pa" Sabay halik ko ulit sa kaniya tila ba dumaan ang anghel at biglang tumahimik ang lahat.
"Sa susunod sana ayan na lang , sayang din kaya yung mga pagkain." Nakangiti kong sabi kita kong nakatulala lang ito at parang nawala sa wisyo.
Sinamantala kona ang pangyayaring yun umalis agad ako sa cafe para magpalit ng damit jusko mabuti na lang everyday akong handa pagdating dito.
Napatigil ako saglit ng maalala ang nangyari kama-kailan lang nagawa ko talaga ang bagay na yun? Sa isang babaeng ubod ng dumi ang isip tsk sayang sobrang ganda pa naman ni aphrodite