𝘒𝘢𝘣𝘢𝘯𝘢𝘵𝘢 19: 𝘕𝘷𝘮
𝙎𝙪𝙯𝙖𝙣𝙚.
Araw ngayon ng sabado kaya nandito lang ako sa bahay kasama si Aphrodite.
Kapag Sabado't linggo dumadalaw kami sa bahay nila Aphrodite parang nagkakaroon ng family reunion dahil pumupunta din sila mommy at daddy sa bahay nila.
Bigla akong nainip ng hindi pa bumababa si Aphrodite kaya naman napahinga ako ng malalim bago napagpasyahang pumumta sa kwarto namin. Hays ganun talaga siya sobrang bagal mag-ayos sa sarili ganun ba talaga ang mga babae? Well hindi ko naman nilalahat.
Nang makapunta na ako sa tapat ng kwarto namin ay kinatok ko ang pintuan pero wala namang sumasagot , sinubukan ko ulit kumatok pero wala talaga. Tsk may pagka sa bingi nga pala ang babaeng yun.
Dahil inip na inip na ako ay pumasok na ako sa loob ng kwarto namin mabuti hindi naka lock kaya nakapasok ako agad.
Pagpasok ko ay napapikit ako ng maamoy ko ang sobrang pambabaeng pabango nagmumula ito sa Banyo kaya naman napasulyap ako dun. Lumapit ako sa pintuan ng banyo at nagdadalawang isip kung kakatok ba ako o hindi?.
Pero bahala na wala naman akong gagawing masama tsaka kanina pa kasi nag text yung tatay niya na pumunta na sa bahay.
Akmang kakatukin ko na ang pintuan ng banyo ng biglang bumukas ito kaya napaatras ako. Ganun na lamang ang pagkagulat ko ng makita kona ito pero..wala siyang saplot ni Isa kaya bigla akong napatalikod.
"Bilis ah? Kung makatalikod ka naman diyan akala mo hindi mo na nakita ang katawan ko Natikman mo pa nga" natatawa itong lumapit sakin ibig sabihin nasa harapan kona siya mga gays.
Nakita kong palapit ng palapit ang kaniyang mukha kaya naman napalunok ako ng sunod-sunod para bang natuyo ang lalamunan ko. Napapikit ako ng malanghap ang pabango niya na siyang sumalubong sakin pagpasok ko.
Hinintay kong may maramdaman ako sa labi ko pero ng maramdaman kong wala ay napadilat ako tsaka tumingin dito.
"Ahm excuse me , Nasa likuran mo kasi yung towel" Sabi nito pero hindi nakaligtas saking paningin ang kaniyang pilyang ngiti. Ugh bakit ko nga ba inasahan na hahalikan niya ako?.
Para naman akong napahiya sa kaniya kaya walang imik na lumabas ako sa aming kwarto. Nang makalabas na ako ay naramdaman ko ang butil na bumaba sa ilong ko nang hinawakan ko ito ay pawis pala.
Tsk hindi ako na turn on dun sa babaeng yun kung yun ang iniisip niyo sa totoo lang kung ikukumpara ang katawan nila ni Venus mas maganda naman kay Venus. Syempre gusto mo.
Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ko marinig ang takong ng sapatos nito na kinahinga ko. Hayst mabuti naman dahil konti na lang sisigawan konanaman siya dahil sa sobrang bagal niyang gumalaw parang mala Maria Clara kasi ang galaw.
"Sa susunod kapag pabagal-bagal ka iiwan na kita at mauunang pumunta dun" seryosong sabi ko sa kaniya napatango naman ito tsaka na kami pumunta sa garahe at pumasok na sa loob ng kotse.
Hindi naman kalayuan ang bahay nila tita dito kaya mabilis lang kaming nakarating . Nauna akong bumaba sa sasakyan para pagbuksan si Aphrodite , pagkababa nito agad siyang kumapit sa braso ko.
Sa totoo lang nagiging gentledog este woman lang ako kapag dumadalaw kami dito sa bahay nila tulad ng pag-aalalay ko dito kapag lalabas na siya ng kotse at hinahayaan ko ring hawakan niya ako sa braso. Pero hindi ibig sabihin nun gusto kona siya. Tuloy pa rin ang plano kong hiwalayan siya.
Pagpasok namin ay Sinalubong kami ng mga katulong ng nakangiti yung isang katulong nila ay tinuro kung nasaan na ang mga magulang namin.
Pumunta kami sa garden nila at tulad nung nakaraan may nakahanda nanamang maraming pagkain sa lamesa nila. Nandun na rin ang mga magulang namin na nagtatawanan natigil lang ng lumapit na kami.
"Hello Mom , dad" baling ni Aphrodite sa mga magulang niya tsaka hinalikan ang mga ito sa pisngi ganun din ang ginawa niya sa mga magulang ko na nakangiti.
Inalalayan kong umupo si Aphrodite na mas lalong kinangiti ng mga magulang namin tsk kung alam lang nila na napipilitan lang akong gawin ang mga ganitong bagay kay Aphrodite.
"So kamusta na mga anak? It's been what? Three weeks? Pero wala pa rin bang nabubuo?" palihim kong inikutan ng mata si mommy dahil sa tanong niya at sa maniwala kayo o hindi ayan ang palagi niyang tinatanong kapag pumupunta kami dito.
"Oo nga Aphrodite , Nasasabik na kaming magka-apo aba bilis-bilisan niyo" segunda naman ni tita na kinatawa ng asawa nila. Habang ako naman ay ngumiti lang ng pilit sa kanila.
"Mommy naman! Baka hindi muna sa ngayon alam mo naman nag-aaral pa ako" Nahihiyang sagot ni Aphrodite habang napakagat sa kaniyang labi.
Ewan ko sa kanila lagi nila kaming sinasabihan na magkaroon na nang anak psh as if namang may mabubuo diba? Alam ko nung may nangyari samin ni Aphrodite wala-- tsk okay Nalabas ko daw yun sa loob sabi ni Aphrodite kaya posible nga na magkaroon.
"Ikaw Zane? ayaw mo bang magkaroon na ng anak?" Biglang napabaling ang tingin nilang lahat sakin kaya napahinto ako sa pag nguya ng kinakain ko.
Wala akong magagawa kundi ang sumagot ng tama alangan namang sabihin ko sa kanila. Hindi ko naman ginusto ang letseng kasal na ito paano pa kaya ang pag-aanak? Papayag pa ako kung si Venus ang magiging Ina ng mga anak ko.
"H-hind-- Ang ibig kong sabihin bakit hindi diba? Pero masyado pa po kaming bata para magkaroon ng anak diba Love?" Sabay baling ng tingin kay Aphrodite na katabi ko lang. Napatingin din ito sakin sabay tango.
Napasimangot naman si Tita at Mommy pero yung tingin ng tatay ko sakin ay parang nagbabanta kaya naman hindi na lang ako tumingin sa kaniya tsaka na tinuloy ang pagkain.
Napilitan pa akong tawagin siyang Love sa harapan ng mga magulang namin ahm natawag ko lang siyang Love para sumang-ayon rin sa sinasabi ko.
Umabot na kami ng gabi bago maka-uwi sa bahay dahil ang dami pang gustong itanong samin sila mommy pero napapansin siguro nilang gusto na naming umuwi.
Ako na ang unang pumasok sa kwarto namin tsaka humiga agad. Naramdaman ko naman na sumunod sakin si Aphrodite kaya napatingin ako dito.
"Bakit?" Biglang tanong niya kaya nagtataka ko siyang tinitigan.
"Uh Nevermind na lang goodnight" Sabay bawi niya ng tingin sakin at humiga na rin katabi ko ng hindi din nakakapagpalit ng damit.