𝙆𝙖𝙗𝙖𝙣𝙖𝙩𝙖 37

2.9K 103 43
                                    

Dahil sa naiinis na ako kay moonton at sa mga nakakasama kong maglaro Update muna ako. Kainis pinatikim lang sakin yung Epic tas balik GM3 Bubu ko talaga kainis tsk.






>>>

𝙕𝘼𝙉𝙀.


"Pasensya na po pero mahigpit pong pinagbabawal ni Madame na wag daw po kayong papasukin" Sabi ni Manong guard kaya napatango na lang ako.








Bagsak ulit ang aking balikat na bumalik sa loob ng aking sasakyan. Ilang Araw kona ba ginagawa ang bagay na ito. Siguro hindi lang araw. Mag-iisang buwan na mula nang mapasyahan ni Aphrodite ang makipaghiwalay sakin.








Ginagawa ko ang lahat para mapatawad pa rin niya ako. mabuti na lang hindi masyadong na-issue ang bagay na yun sa University. Palagi akong pumupunta dito para kang makita't mahawakan siya.








Pero kada punta ko dito ay tanging guard lang ang humaharap sakin. Naiintindihan ko naman si Aphrodite. Nasaktan ko siya kaya tama lang sakin ang parusahan. Karma na siguro ang bagay na ito.









Sa sumunod na araw ay ganun pa rin talaga. Nung nakaraang araw nga lang ay sina Tito at tita na ang humarap sakin. Nagalit si Tito sakin pero si tita hindi na lang umiimik na nakatingin sakin.









"May mukha ka pa pala para harapin kami? Pagkatapos mong lokohin ang anak ko?" Galit na sabi ni Tito/papa sabay Suntok sakin. Hindi ko ininda ang sakit dahil gusto ko na talagang makita ang asawa ko.









Hindi ko na napansin na hawak-hawak na ako ng mga tauhan nila sabay hila sakin palabas ng gate nila.









Napatingin ako sa taas nang bahay nila. Banda sa bintana alam kong nandun lang siya. Alam kong alam niya na lagi akong pumupunta dito pero hindi niya talaga ako hinaharap.









Dahil sa sinapit ay umuwi na muna ako sa bahay namin. Pagkababa ko palang sa sasakyan ko ay naka-abang pala ang mga magulang ko.









"Anong nangyari diyan Zane anak? Sila ba ang may gawa niyan sayo ha?" Agad akong nilapitan ni mommy pero hinawakan ko lang ang kaniyang kamay na nasaking pisngi.









"Hayaan mo siya Amanda! kasalanan niya yan kaya pagdusahan niya" Napatingin naman ako kay daddy. Nakatingin ito sakin na para bang gusto pa niya ang nangyari.









"Tao lang ang anak natin! nagkakamali pero hindi na ba pwedeng itama ang pagkakamaling yun?" Inawat kona si mommy baka sila naman ni daddy ang mag-away.









"Mom okay lang po ako , Tsaka tama si daddy kasalanan ko naman talaga ito...Kaya dapat lang sakin ito" Nagpaalam na ako sa kanila na aakyat lang muna ako sa kwarto ko.









Mula nang iwan ako ni Aphrodite ay dito na muna ako sa bahay namin namamalagi. Ayaw ko na muna dun. mas lalo lang siguro akong masasaktan.









Kinabukasan pumunta ulit ako sa bahay nila Aphrodite. Pero laking pagtataka ko dahil nakabukas lang ang malaki nilang gate at mukhang may bisita sila sa loob. Dahil sa gusto kong malaman kung anong meron ay pumasok ako sa loob ng bahay nila.









Napahinto ako nang makita ko ang babaeng mahal ko na may kasamang matipunong lalaki. Masaya pa silang nagtatawanan habang sila Tita ay nakamasid lang sa kanila na parang natutuwa pa.









Nahinto lang sila nang makita ako nung lalaking kasama ni Aphrodite. Tumayo ito tsaka ako tiningnan na may pagtataka. Sino naman kaya ang lalaking ito.









"Uhm A , Mukhang may bisita pala kayo?" Tanong nung lalaki kay Aphrodite na biglang natahimik.









Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Bakit hinahayaan lang niya na hawakan siya nang lalaking yun sa bewang niya. Nahuli na ba ako.









Napatingin sakin yung lalaki sabay tingin niya sa hawak ko kaya napatingin na rin ako dun. tsaka ko lang naalala na may hawak pala akong bulaklak para sana kay Aphrodite pero nakita ko binigyan na siya nung lalaki.









Lumapit sakin si Aphrodite tsaka ako hinila palabas nang kanilang bahay. Natuwa naman ako dahil sa wakas nahawakan ko ulit ang mga kamay niya. Nakita ko ulit siya at syempre makakausap kona rin.









"Ano pa bang ginagawa mo dito Zane?" Tanong agad nito ng huminto na ito sa panghihila sakin.









"Malamang sinusubukan ko ulit na makuha ka... at syempre para mapatawad mo rin ako , Alam kong sobrang tanga ko dahil nagawa ko yun pero please Aphrodite--









"And do you think na bibigyan pa kita ng isa pang pagkakataon? Zane nung una pa lang sana inayos muna diba? Pero ano? Hinintay mo na malaman ko pa talaga?wala ka ngang balak na sabihin sakin diba? At buti na nga lang nalaman ko agad pero nang dahil sayo nawala ang anak ko!" Nagbabadya nang tumulo ang kaniyang mga luha kaya lalapit sana ako dito pero pinigilan niya ako.









"Zane hindi ko alam kung kaya pa ba kitang mahalin at pagkatiwalaan , Naging tapat naman ako sayo minahal naman kita pero bakit? Niloko mo pa rin ako kaya tama na.." Pinunasan muna nito ang kaniyang mga luha tsaka direktang tumingin saking mga mata. Kinabahan ako bigla.









"Ayaw ko na talaga..Parang..parang unti-unti na ring nawawala ang pagmamahal ko sayo.. kaya please lang wag mona akong kulitin at wag kana ring pumunta dito..Maghiwalay na tayo" Hindi pa napoproseso ng utak ko ang sinabi niya nang hawakan niya ang aking kamay.










Nagulat ako dahil tinanggal niya ang wedding ring namin tsaka niya nilagay sa palad ko na unti-unting nanginginig. Hindi pwede. Ayoko sa sinasabi niya. Hindi ako papayag na hiwalayan niya ako.









Bago pa man ako makapagsalita ay tumakbo na ito papasok sa loob ng kanilang bahay. Habang ako naman ay hindi namamalayan na may tumutulo na palang maiinit na butil mula saking mga mata.





>>>

Spoiled ko lang muna kayo . Actually hindi sila ang magkakatuluyan..Hindi kasi lahat nagtatapos sa masasayang kwento.

𝐒𝐮𝐳𝐚𝐧𝐞 𝐒𝐤𝐲 𝐌𝐜𝐤𝐞𝐧 ✔ ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon