𝘒𝘢𝘣𝘢𝘯𝘢𝘵𝘢 11: 𝘒𝘪𝘴𝘴
𝙎𝙪𝙯𝙖𝙣𝙚
Hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kanina yung babaeng 'yun masyadong mahiwaga tsaka ngayon ko lang nakita 'yun dito siguro bago lang.
Breaktime na namin ngayon at heto nga si kaori nilalantakan na yung inorder naming pagkain buti pa ang babaeng 'to may gana pang kumain.
Napatigil kami ng makarinig kami ng tilian galing sa mga bitches na kung makatili parang wala ng bukas sana nga wag na silang abutan ng bukas tsk.
Dahil nakakainis sila tiningnan ko kung sino yung pinagkakaguluhan nila.
-_-
Psh! Akala ko kung sino na.
"Omongash Si Javier Sean Asian ba 'yun? yieeeh" Hindi na ako nagulat ng tumili din 'tong kasama ko kahit nagkakalat na sa mukha niya yung mga kinain niya lampaks lang siya.
Hindi ko naman makita kung saan banda ang kagwapuhan nito siguro kung ikukumpara siya sa paa ko mas gwapo pa siguro yung paa ko kesa sa javier na 'yun.
"Shut up kaori wag ka ng dumagdag sa mga babaeng nahihibang sa kaniya yak lang ha" Sabi ko dito sa kaibigan ko pero ang gaga parang wala lang narinig dahil tumitili pa rin kasama ang ibang bitches.
Habang yung tinitilian nila nakangiti ng mayabang na para bang sinasabi niyang Yan ganiyan Magkagulo kayo sa kagwapuhan ko yak yung mukha talaga hindi ko type kasi nga hindi kami talo.
Javier Sean Asian Kung ikukumpara mo siya sa artista sige na nga aaminin ko na para siyang si Daniel matsunaga na may halong enrique gil pero kahit na ganun hindi magbabago ang tingin ko dito.
Isa din ang lalaking 'to na mahilig pagtripan ang mga kagaya kong nerd base sa napansin ko may gusto 'to kay Aphrodite.
Speaking of that goddamn girl Pumunta sa pwesto nila si javier at talagang may pahawak hawak pang nalalaman sa bewang ni Aphrodite.
"Awit kawawa na 'yung pagkain gutay gutay na" Napukaw ang aking tingin kay kaori na natatawa.
"Sayo na lang wala akong gana" Sabay abot ng plato ko na naglalaman ng pagkain ko , kunwari pa alam ko naman na kulang pa sa kaniya yung pagkain niya.
"Uy salamat , Dapat pala araw-araw kang walang ganang kumain" Sabi pa nito na nakangiti.
Tumahimik na ulit 'yung Cafe pero bumalik nanaman yung inis ko ng makarinig nanaman ng tilian pero this time mas malakas na hindi tulad kanina.
Mga putepete nakakaletche na ang mga kupal na 'to kailangan bang tumili tuwing may papasok ditong magaganda't gwapo?. Hmm matry nga sa susunod.
"Kyahhh! Zane si Sam at Venus" Kalabit sakin ni Kaori Automatik na napalingon ako sa tinuturo nito ng marinig ko ang pangalan ni Venus.
Saktong paglingon ko sa gawi nila ay inalalayan siya ni kuya Sam na umupo nang makaupo na sila ay tumayo na si Kuya Sam para siya na ang mag order . Hindi sinasadyang Matingnan ko si venus ng matagal kaya nahuli niyang nakatingin ako sa kaniya akala ko tataasan niya ako ng kilay pero ngumiti 'to sakin.
"Ahemm Ahemm!! May naaamoy ako" Napakurap kurap ako ng marinig ko ang sinabi ni Kaori tsk panira talaga ang babaeng 'to.
Mga ilang saglit lang ay pareho na kaming tumayo ni Kaori dahil kanina pa kami nakatambay dito sa loob.
"Ay Zane , may nakalimutan ako" Napatigil kami sa paglabas ni kaori ng bigla 'tong huminto.
"Naiwan ko yung wallet ko , mauna kana" Saad pa nito tumango na lang ako habang siya naman ay pinuntahan yung pwesto namin kanina.
Akmang aalis na ako ng marinig ko na may tumatawag sa pangalan ko kaya nilingon ko 'to.
"Suzane , Suzane right?" Hindi agad ako nakapagsalita ng makita ko kung sino 'to. Ang ganda talaga ni venus .
"Sabi kasi ng libr𝘢rian na nasayo daw yung libro about sa Science?" Sabi nito na nakakunot ang noo.
Psh akala kopa naman sasabihin niyang namiss niya ako kaya niya ako tinawag yun pala hihiramin lang yung libro kainis.
binuksan ko yung bag ko tsaka ko binigay sa kaniya yung libro na kailangan niya.
"Thank you" Nakangiti niyang tinanggap yung libro kaya napatango na lamang ako akmang tatalikod na ako ng muli ako nitong tawagin.
"Zane" Tawag nito na kinalingon ko.
0_o
"Ahm thank you ulit see you na lang" tumakbo ito pabalik sa pwesto nila kasama si kuya sam.
Hinalikan niya ako sa pisngi *_*