𝘒𝘢𝘣𝘢𝘯𝘢𝘵𝘢 12: 𝘚𝘩𝘪𝘱𝘱𝘦𝘳𝘴
𝙎𝙪𝙯𝙖𝙣𝙚
Parang pagod akong humiga sa kama matapos kong umuwi dahil sa dami ba naman ng nangyari sakin ngayong araw.
Una yung babaeng nagpakilalang Jannela dela vega na bigla na lang akong hinalikan , Pangalawa yung bwisit na javier na bigla na lang hahawakan yung bewang ni Aphr- eh ano namang pake ko duon? pangatlo kay venus yung hinalikan niya ako sa pingi omo!.
Naputol ang pagmumuni-muni ko ng marinig ko ang sumigaw mula sa labas ng pintuan.
"Pinapatawag ka ni mommy! Bilisan mo" Sigaw ni kuya sam.
Parang lantang gulay akong bumangon tsaka bumaba na para makausap ang mga magulang ko.
Agad ko silang nakita sa sala na nakaupo napatigil ang mga 'to ng makita na nila ako.
"May sasabihin daw po kayo?" Walang gana kong sabi.
Tsk hanggang ngayon hindi ko pa rin makakalimutan yung sinabi nila na ikakasal nila kami ni Aphrodite.
"Anak about sa wedding nga pala ninyo ni Aphrodite two weeks na lang at ikakasal na kayo" Parang wala lang na sabi ni daddy kaya napamulagat ako sinasabi na nga ba.
Anak ng! Dalawang linggo? Agad-agad? Eh halos hindi ko nga makausap yung babaeng 'yun tapos sasabihin nilang ikakasal na kami? At tsaka hindi ako papayag.
"Ano? Ang bilis naman yata? Tsaka daddy , mommy , hindi ko gusto si Aphrodite!" Nakakainis alam mo yung isang bagay na ayaw mo tapos ipipilit sa'yo?.
Nakita kong napailing ang nanay ko dahil sa inasal ko.
"Anak balang araw pasasalamatan mo pa kami kung bakit ka namin kinasal kay Aphrodite" Nakangiting tugon ni mommy tsaka siya nagsenyas na umupo muna ako. Sinunod ko naman agad 'to.
Psh! Ako? Magpapasalamat? Dahil sa pinakasal kami? Haha nagpapatawa ba sila?.
"Hindi ba nasa iisang University lang naman kayo? Why not na kausapin mo siya , Makipag lapit ka anak para naman makilala mo ang tunay na mapapangasawa mo" Nakangiti ding saad ng tatay ko.
Hindi ako sang-ayon sa mga pinagsasabi ng mga magulang ko ni sa panaginip hindi ko naisip na ikakasal kami ni Aphrodite.
Naiiling na tumayo ako tsaka tumingin sa kanilang dalawa .
"Wala pong kasalan na magaganap" Walang gana kong sagot sabay talikod sa kanila. Nakakabastos man para sa kanila pero agad na akong tumalikod dahil baka may masabi akong hindi kanais-nais.
𝘼𝙥𝙝𝙧𝙤𝙙𝙞𝙩𝙚
Nakangiti kong binati ang mga magulang ko na ngayon nga ay kumakain.Napansin siguro nila na good mood ako ngayon kaya binigyan nila ako ng mapang-asar na tingin na kinairap ko.
"Ahem , Good mood ka yata ngayon anak? May nangyari ba?" Nakangiting tanong ni mommy.
"Wala naman po , Masaya lang ako dahil nakasama ko kayo ngayon" parehong nagtinginan ang mga magulang ko kaya nagtataka ko silang tiningnan.
"About that , Ahm the reason why we're here it's because Your papa and me are busy for some business"kunot noo ko silang tiningnan at hinihintay pa ang kanilang sasabihin.
"And?" Tanong ko pa.
"Alam mo naman anak na gusto namin na nasa magandang kamay ka mapunta" Saad ni papa kahit naguguluhan ay tumango naman ako bakit parang binebenta na nila ako?.
"Kaya naman naipagkasundo ka namin sa anak ng mga Mcken dahil alam kong duon sasaya ka" Anito na kinatigil ko.
Wait? Nagkamali ba ako sa narinig ko? Naipagkasundo so it means -_-
"Pinagkasundo niyo kami ng nerd na 'yun? My god kinikilabutan ako" Err kahit naman na gusto ko siya hindi naman pwedeng ikasal kami no way.
"Anak alam kong mas lalo ka pang matutuwa kapag nangyari 'yun" Naguguluhan na tingin ang binigay ko kay mommy.
"HAHAHA nakita ko kung paano mo titigan si Suzane Anak" Panunukso ni mommy sakin kaya naman naramdaman kong uminit ang magkabilaang pisngi ko. Shit.
"Na-naiinis lang po kasi ako sa mukha niya tsaka hindi ako papatol sa mga kagaya niya 'no" Pagdedeny ko pero yung mga mukha nila parang gusto ng matawa.
"Aphrodite Venis Mcken , Sounds so good diba Anak?" Inikutan ko lamang sila ng aking mga mata tsaka naiiling bakit ba ganito ang mga magulang ko.
"Tama na nga 'yan Christof baka mainis pa 'yang anak mo" Sa wakas naisip din nilang itigil ang pang-aasar sa kanila.
Maya-maya lang ay may isang katulong namin ang pumunta sa pwesto namin para ibigay ang cellphone ni Papa.
"Nag text sila Khalil at Amanda nasabi na din daw nila yung tungkol sa kasal sa anak nila" Napataas ang aking kilay ng marinig ang sinabi ni papa.
"And meron pa silang pinapasabi , Pupunta daw bukas dito si Suzane para sunduin 'tong anak natin" Saad pa ni papa sabay tingin sakin.
"Hmm magkakaroon na ba ng Aphrozane shippers?" Hinayaan ko lang silang magsalita pero napagawi ang tingin ko sa nanay ko ng marinig ang sinabi nito.
APHROZANE? Saan nanggaling 'yun?.
Hmm pero infairness napangiti ako ng marinig ang sinabi ni mommy.
>>>>
𝙰𝚙𝚑𝚛𝚘𝚣𝚊𝚗𝚎? 𝚙𝚠𝚎𝚍𝚎 𝚙𝚠𝚎𝚍𝚎 .
![](https://img.wattpad.com/cover/215675934-288-k636507.jpg)