𝙆𝙖𝙗𝙖𝙣𝙖𝙩𝙖 32

2.8K 97 27
                                    

𝘒𝘢𝘣𝘢𝘯𝘢𝘵𝘢 32: 𝘚𝘰𝘮𝘦𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨'𝘴 𝘍𝘪𝘴𝘩𝘺




Habang naglalakad ay napapalingon ako sa likuran ko na parang anytime may sasaksak sakin. Ewan ko ba kinakabahan ako. Wala naman akong dapat ikabahala dahil nakapagpa-alam naman ako nang maayos kay Aphrodite.








"Mabuti naman at nakarating ka" Masungit na sabi nito habang nakatingin sakin tsaka ito nagmosyon na maupo kaya naman agad ko itong sinunod.








"Nandito ako para linawin ang Lahat , Venus" Seryosong sagot ko naman sa kaniya. Kaya ko lang naman tinanggap ang alok niyang makipag-kita para linawin ang lahat sa kaniya. Tama na ang isang pagkakamali lang.








Pagkatapos kasi nang nangyari saming dalawa. Lagi na niya akong kinukulit at lagi akong kinakabahan dahil lagi pa itong tumatawag kahit oras na ng gabi. Alam ko na malapit na akong mahalata ni Aphrodite.









"Linawin? Pwes , hindi ko 'yan matatanggap. Ang gusto ko ikaw" Base sa pagkakasabi nito parang ayaw rin magpatalo kaya naman napatampal ako saking noo tsaka muling tumitig sa kaniya.









"Ven , Lilinawin ko lang sayo okay? Nadala lang ako.. Mahal ko si Aphr--









"Bullshit!" Napasigaw ito tsaka napatayo kaya naman ako biglang nabahala dahil nakatingin na sa kaniya ang ibang mga tao. Nasa loob kasi kami ng restau.








"Para linawin ko rin sayo! Hindi ka lang basta nadala! Nasarapan ka pa! Nadala ba yung Naka apat na round ha Zane?" Dugtong nito habang may paduro-duro pa sakin kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko na hatakin ito palabas.









"Please lang Ven , Ayaw ko nang gulo" Napatingin ako sa mga taong napapatingin din sa pwesto namin. Kung titingnan kami parang away mag jowa lang.









"Ako naman ang Una mong minahal diba? Bakit hindi mo na lang hiwalayan yang Kabet m--








"Anong sinabi mo?" Nagpantig yung tenga ko sa sinabi niya. "Hindi ko kabet si Aphrodite maliwanag ba? Asawa ko siya Ven , At para sabihin ko sayo hindi na kita mahal kaya tumigil kana" Binitawan ko ang magkabilaang balikat nito bago na tumalikod at pumara na nang masasakyan.









Naririnig ko pang tinatawag ako nito pero hindi kona siya nagawang lingunin pa dahil naiinis ako.









Pagkasakay ko ay agad akong napahinga nang malalim. Unti-unti kong ipinikit ang mga mata. Para bang ang dami kong ginawa maghapon samantalang pakikipag-usap lang naman kay Venus ang ginawa ko.









Bumaba na ako nang matanaw na ang gate ng bahay namin. Agad kong binayaran yung manong driver bago pumasok sa loob nang bahay namin.









Hindi ko alam pero nakokonsensya ako. Ang hirap maglihim sa taong mahal mo. kapag nalaman niya ang namagitan samin ni Venus paniguradong masisira na kami. Hindi ko alam kung mabibigyan pa ba ako nang pagkakataon.









Nadatnan ko si Manang Josefina na nag-aayos nang mga gamit sa sala. Napatingin ito sa gawi ko at mukhang nagulat pa.









"Mukhang pagod ka anak? May nangyari ba?" Nagtatakang tingin ang pinukol nito sakin. Umiling lang ako dito at bahagyang binigyan ng ngiti tsaka nagpaalam na aakyat na muna para makapagpahinga.
















𝐒𝐮𝐳𝐚𝐧𝐞 𝐒𝐤𝐲 𝐌𝐜𝐤𝐞𝐧 ✔ ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon