𝙆𝙖𝙗𝙖𝙣𝙖𝙩𝙖 29

2.5K 96 18
                                    

Napahinga ako nang malalim bago mapag-pasyahang tulungan si Venus. Tama kayo si Venus nga itong nakita ko. Mukhang nasiraan kasi.









"Kamusta Zane? Long Time No See" Kung makapagsabi naman ito ng 'Long time no See' parang hindi kami nagkikita araw-araw sa hallway ng Campus. Siya nga lang itong hindi namamansin na pabor din naman na sakin dahil naka Recover na ako sa kaniya.









"Ito nagiging mabuting Asawa eh ikaw? Bakit ikaw lang mag-isa? Si kuya Sam nasaan ba?" Sunod-sunod kong tanong bago simulang Kalikutin ang kotse nito.









"Ahm kasama yung Anak niya , Gusto ko kasing kumain ng Ice cream kaya nagpunta ako dito pero ito nga paalis na rin sana"  biglang lumukot ang mukha nito kaya napatango-tango na lamang ako.








Oo nga pala nakalimutan ko na makibalita tungkol sa naganap nung nakaraan. Kung papaano nakilala ni kuya Sam yung anak niya kay Devilla. Sigurado akong masaya din yun dahil gusto din ng kapatid ko na magkaroon na ng anak.









Nakita kong sumabog pala ang makina nang sasakyan niya at talagang malas lang dahil malayo ang paayusan nang mga sasakyan dito.









"Hatid na lang kita? Sumabog kasi yung makina kaya paniguradong aabutin ka nang hating gabi dito" Tsaka delikado na rin dahil madilim na ang paligid. Hindi ko din naman kayang iwan siya na mag-isa lang dito asawa siya ng kapatid ko at minsan ko din siyang minahal.








"Are you sure? Baka magalit ang Asawa mo" hindi kona lang pinansin yung paraan ng pananalita niya lalo na nung banggitin niya ang salitang 'Asawa' hindi ako naga-assume pero parang may halong ka bitter-an ang pagkasabi niya nun.









"Hindi naman siguro" maiksing sagot bago ito sumunod sakin papasok ng aking sasakyan. Hindi din ako sigurado kung hindi magagalit si Aphrodite kapag nakita niyang kasama ko si Venus. Pero ihahatid ko lang naman so hindi niya makikita na kasama ko si Ven.









Nagsimula na akong magmaneho mabuti na lang tahimik itong kasama ko. Tungkol naman sa kotse niya iniwan na muna niya dahil malabo nang masakyan pa yun at delikado na rin.









Nakikita kona ang gate namin kaya naman agad akong napangiti. Grabe ilang oras o minuto lang akong nawala namiss ko agad ang Asawa ko. Pero agad ding napawi ang ngiti ko nang marinig ko ang sinabi ni Venus.









"Zane? Nauuhaw kasi ako baka pwedeng maki-inom muna? Please?" Sabi niya kaya naman napatango na lang ako kahit hindi sigurado. Ayaw ko lang naman na makita kami ni Aphrodite na magkasama baka ano pang isipin nun. Pero wala naman kaming ginagawang masama.









Minsan din nakakapagtaka din itong si Venus . Tulad ngayon kung kanina pa siya nauuhaw dapat sinabi na niya. Ang dami naming nadaanan na nagbebenta ng tubig tapos ngayon niya lang sasabihin.









Wag na kayong magtaka dahil magkaparehong Village kami ni Venus kaya nakita ko yung gate namin. Lalagpasan kona nga sana kaya lang nag-request naman itong kasama ko na kung pwedeng maki-inom muna.









Pagpasok ko sa loob ay agad akong bumusina para malaman ni Aphrodite na nandito na ang Cute niyang asawa .









Nauna na akong lumabas nang kotse hindi kona inalalayan na makalabas si Venus baka mahuli kami ni Aphridite at iba pa ang isipin. Gusto kong isipin niya na loyal ako sa kaniya.









𝐒𝐮𝐳𝐚𝐧𝐞 𝐒𝐤𝐲 𝐌𝐜𝐤𝐞𝐧 ✔ ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon