𝖲𝗁𝖾'𝗌 𝖦𝗈𝗇𝖾

3.1K 125 23
                                    

"Best tama na nga yan! Ang dami mo nang nainom oh" Sabay pakita sakin nang mga bote na ngayon nga ay wala ng laman. Tinawanan ko lang siya.







Matapos kasi nung nangyaring pag-uusap namin ni Aphrodite ay agad kong tinawagan si Kaori. gusto kong magpakalunod sa alak kasi sabi nila panandalian mong makakalimutan ang mga nararamdaman at problema mo.







Mukhang mali pa nga yata ang nainom kong alak dahil habang tumatagal ay Mas lalo ko lang naaalala si Aphrodite. Kung paano niya sabihin sakin yung katagang Unti-unti nang nawawala yung pagmamahal ko sayo. Ang sakit nun para sakin.







"Grabe hindi ko akalain na may masamang balak din pala sayo yung babaeng yun? Sinamantala niya ang kabaitan mo best" Tipsy na rin itong si Kaori. Nakwento ko kasi sa kaniya ang mga nangyari medyo may tama na nga rin ako kaya napilit ako nitong magkwento sa kaniya.







Tama din siya kung hindi kona lang sana tinulungan si Venus nung araw na yun edi sana wala kaming problema ngayon. Edi sana kami pa hanggang ngayon. Pero syempre hanggang sana na lang ang lahat.







"Eh teka? Papaano na yan? May anak ka pala sa Venus na yun? Ikaw kasi bakit sa loob mo pinutok pwede din naman sana nag condom kayo diba?" Saad pa niya kaya naman binatukan ko siya. Nagawa pa niyang magbiro.







Uminom muna ako sabay baling nang tingin sa mga taong umiinom din. Yung mga ekspresyon ng mukha nila parang namatayan na ewan. Habang yung iba naman ay masayang nagsasayawan.







"Aalamin ko ang tungkol diyan kaori , Titigilan ko muna si Aphrodite pero saglit lang dahil may aasikasuhin ako" Napahinga ako nang malalim.







Napagpasyahan ko nang umuwi na sa bahay. Pagkadating ko ay hindi ko inaasahan na si daddy pala ang tao sa sala. Nakaupo lang ito habang nagbabasa nang libro.







"Imbis na pagtuunan mo ng pansin si Aphrodite alak naman ang inaatupag mo, Paano ka niya babalikan?" Hindi kona lang siya pinansin at didiretso na sana sa paglalakad nang hawakan ako nito sa braso.








"Ginusto mo yan diba? Bakit sumusuko kana? Ganyan ka ba kahina? Gawin mo lahat para balikan ka niya hindi yung iniinom mo lang" Saad pa ni daddy napahinga na lang ako bago ito harapin.








"Paano pa niya ako babalikan kung tinutulak na niya ako palayo? Kung siya mismo ayaw na niya? Ano bang dapat kong gawin?" Pinipigilan kong wag maiyak sa harapan ni daddy.








Akala ko ay susumbatan nanaman ako nito pero mali ako. Naramdaman kona lang na niyakap niya ako kaya dun na ako tuluyang naiyak.








"Kung yun ang gusto niya , Wala na tayong magagawa.. kaya ikaw.. Magpahinga ka rin.. ayusin mo muna ang sarili mo" tumingin ito sakin na naiiling.








"Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. Huminga muna siya bago balingan ang binabasa niyang libro kanina lang.








"Sasabay ka sa kuya Sam mo , Napag-isipan kong lumayo muna kayo.. Ang kuya Sam mo hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kaniya habang ikaw gusto kong lumayo muna kayo dito" Sa sinabi niya ay para akong nabulunan. Hindi pwede.








"Dad kaya kong ayusin ang sarili ko.. Yung hinihingi ni Aphrodite panandalian ko lang ibibigay yun hindi ko kayang malayo sa kaniya dad" tsaka tama bang layuan ko siya. Paano ko pa siya maibabalik sakin.








𝐒𝐮𝐳𝐚𝐧𝐞 𝐒𝐤𝐲 𝐌𝐜𝐤𝐞𝐧 ✔ ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon