𝙆𝙖𝙗𝙖𝙣𝙖𝙩𝙖 23

2.7K 97 17
                                    

𝙎𝙐𝙕𝘼𝙉𝙀.








Nakangiti kong pinagmasdan ang aking sarili sa salamin , Hindi ko mapigilang humanga sa sarili ko kung naging babae talaga ako paniguradong maraming lalaki ang maghahabol sakin kaso babae din hanap ko at alangan namang Mag espadahan kami dzai.








Nang makuntento na ako sa aking ayos ay agad na akong bumaba hindi na rin ako kakain dito dahil paniguradong tinatamad nanaman ang mahal na prinsesa. Palagi na lang kasi kaming kumakain sa labas kapag tinatamad siyang magluto nang pagkain namin. Imagine gays! sa totoo lang Nakaka turn-off siya para sakin.









Nang makababa nga ay nakita ko itong nakakunot ang noo habang hawak ang kaniyang Cellphone , Isa pa napapansin ko dito kay Aphrodite palagi niyang hawak ang cellphone niya pero para sakin naman wala lang yun ayos lang naman pero nakikita kong kukunot ang noo niya pero maya-maya konti ngingiti naman.









Sana lang mag-ingat siya kung nagloloko man siya hindi naman ako mangigi-alam kung may nagugustuhan siyang iba mas ayos nga yun dahil mapapadali ang paghihiwalay naming dalawa.









Dumaan ako sa harapan niya tsaka dire-diretsong naglakad palabas na sana kaya lang naramdaman kong sinundan ako nito. Nagtataka ko siyang nilingon para kasing hindi ito mapakali.









"Saan ka Pupunta?" Tila ay gusto pa itong sabihin sakin pero alam ko na nagdadalawang isip pa ito sa kaniyang sasabihin.








"Birthday kasi nang kaibigan ko si Luis , Alam mona mula nang ikasal ako wala nang Party-party" Sagot ko sa kaniya tsaka ito tumango-tango.









"Okay. Pero ano Wait lang.." hahakbang na sana ako palabas nang hawakan nito ang aking siko at pakiramdam ko nawalan ako nang ulirat dahil dito.









"Ano? Pakibilisan please" Medyo may inis na sabi ko dito dahil hindi ito mapakali. huminga muna nang malalim si Aphrodite bago sumagot.









"Aalis din kasi ako.. M-may ano may kikitain lang"  medyo kabadong tanong niya sakin na siyang kinatawa ko nang mahina.








"Akala ko naman kung ano na , Pero Pwede ka naman Umalis make sure lang na ite-text mo ako"  sabi ko dito  tsaka na nagpaalam sa kaniya dahil Mahuhuli na ako sa usapan namin.








Nakangiting tumango-tango si Aphrodite bago na niya sinara ang pintuan nang bahay at kahit nagtataka sa Pag-ngiti niya ay umalis na talaga ako.








Pagdating ko sa Pinag-usapan naming lugar ay nakita ko ang mga kaibigan ko na nandun na at ako  na lang ang wala kaya nagmamadali kong pinarada ang kotse tsaka pumunta sa pwesto nila.








"Uy nandito na yung may Asawa hahaha"  Sigaw ni Felix dahilan nang pagtakbo nang tatlo ko pang kaibigan tsaka nila ginulo ang buhok ko.









"Himala! Akala ko hindi ka nanaman makakapunta" Eksena naman ni Luis na halatang nag da-drama pa kaya naman kinantyawan tuloy siya nang tatlo.








Lima kaming magkakaibigan. Si Felix , Luis , Ian , Juancho at syempre ako. Syempre kung sa usapang talinuhan lang maaasahan diyan si Felix at Juancho at kung sa padamihan naman ng mga babae sina Luis at Ian ang batikan.









"Naka score siguro kay Misis kaya napapayag umalis nang bahay" natatawang sabi naman ni Ian na kinailing ko bilang sagot.








𝐒𝐮𝐳𝐚𝐧𝐞 𝐒𝐤𝐲 𝐌𝐜𝐤𝐞𝐧 ✔ ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon