Matapos naming tumambay sa Resto ng pinsan ni Zeilyn ay tumayo na kami. Habang yung dalawa na sina Quiny at Revina ay napapahimas pa ng kanilang tyan. Gosh nakakahiya."Alam mo Girl Zeilyn , Parang gusto ko ng jowain yang pinsan mo ha" Napatingin kami dito na kinataka ni Revina kaya naman napataas ito ng kaniyang dalawang kamay.
"Joke lang kayo naman.. alam niyo namang may jowa na ako hehe" Saad pa niya. Kahit kailan talaga napaka nitong babae na ito. Kung sabagay masarap din naman kasi magluto yung pinsan ni Zeilyn.
Palabas na sana kaming apat nang marinig namin ang pangalan ni Zeilyn na sinisigaw ng isang lalaki. Hindi ko pa siya masyadong nakikita ng malinaw dahil nakaharang si Revina.
"Naiwan mo Lyn , Buti na lang nakita ng isang Chef sa--
Saktong pagkaalis ni Revina nakita kong napatingin sakin yung pinsan ni Zeilyn. Medyo nagulat pa ako dahil kilala ko ito.
"Raven?/Aphry?" sabay pa naming sabi kaya pareho din kaming napatawa. Gosh hindi ko aakalain na dito ko pa siya makikita. Sa hinaba-haba ng panahon ngayon na lang ulit kami nagkita.
"Ah Wait? Magkakilala kayo Rav?" Nagtatakang tanong ni Zeilyn habang palipat-lipat yung tingin saming dalawa ng pinsan niya. Gosh hindi ko talaga alam na magpinsan sila.
"Oo Lyn , Matagal na kaming magkakilala ni Aphry..Actually Childhood bestfriend ko siya" Nakangiting Sabi ni Raven habang sakin pa rin nakatingin kaya naman napaiwas ako dito ng tingin.
Tama si Raven mula pa pagkabata magkaibigan na talaga kami. Mas pinili kasi niyang mag-aral sa states kaya hindi na kami pa nagkita. At aaminin ko na medyo may gusto pa ako sa kaniya. He's my firstlove btw.
"Hmm kaya pala.. lagkit niyo magtinginan ano?" eksena bigla ni Revina kaya medyo napatayo ako ng tuwid. Ugh muntikan ko ng makalimutan may asawa na nga pala ako kaya dapat hindi ako umaakto ng ganito.
"Wow as in wow aphry... Dati ang ganda-ganda mo pero ngayon.. Parang ikaw na lang ang nakikita kong--
"Ahem ahem.. Raven? Diba busy ka ngayon? Sige na dun kana" Kita kong natigilan si Raven tsaka dahan-dahang tumango bago tumingin sakin. Nginitian ko muna ito bago nag-iwas ng tingin.
Ugh mas lalo siyang naging gwapo tsaka yung dati niyang patpatin na katawan ngayon nagkaroon na ng mga muscles. Masipag siguro siya mag gym kaya ganyan na yung katawan.
"Oo nga pala.. Uh pero Bibilisan ko para naman maihatid ko si aphry---
"Naku hindi na Raven.. Kasama ko naman sila" Agad kong pinutol ang dapat nitong sasabihin. Nakita kong nadismaya ito pero agad ding ngumiti ng matamis.
"Sige na nga , Pero pahingi ako ng number mo please?" Sabay dukot nito sa kaniyang bulsa at kinuha ang kaniyang cellphone at inabot ito sakin. Wala namang masama kung ibibigay ko sa kaniya yung number ko diba. Kaibigan ko din naman siya kahit papaano.
Nakangiti nitong tiningnan ang kaniyang Cellphone matapos kong mabigay sa kaniya ang Cellphone Number ko. Nagpaalam na ito kaya naman nakahinga na ako ng maluwag. Ang kulit pa rin.
𝙎𝙐𝙕𝘼𝙉𝙀.
Mababakas sa mukha ko ang inis pero bago ako tumayo ay pinukulan ko ng masamang tingin si Venus. Nakangiti ito sakin pero hindi na ako natutuwa. Naiinis na ako.
Palabas na sana ako nang mahagip ko ang apat na babae pero kilalang-kilala ko ang isa sa kanila. Medyo kinabahan ako dahil baka anong isipin niya kapag nakita niya na kasama ko si Venus. Pero hindi ko na naman kasama yung babaeng yun.
Pinagmamasdan ko lang ang bawat kilos nito. Kausap lang niya ang mga kaibigan niya. Papaalis na rin sana sila nang may lalaking lumapit at binigay sa isang kaibigan ni Aphrodite.
"What the hell!" hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil kilala ko ang letseng lalaki na ito. At bakit kung makatingin siya sa asawa ko sobrang lagkit.
Narinig kong Hiningi ng lalaki yung Number ni Aphrodite kaya naman naglakad na ako papunta sa pwesto nila perk huli na. Nabigay na niya yung number niya. Tsaka hindi kona naabutan yung lalaki.
"Ayieeee ikaw ah , Anong tinginan yun ha? Parang may mamumuong electr--
Nakita ako ng isa sa mga kaibigan ni Aphrodite si Quiny siguro tsaka niya kinalabit si Aphrodite na nakatalikod sakin.
Nakangiting humarap sakin si Aphrodite pero agad ding naglaho ng makita niya ang mukha ko. Kita ko sa mga mata nito ang pagkadismaya kaya naman nainis ako. Sino ba ang inaasahan niya.
"Zane? Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong niya tsaka humalik sa pisngi ko.
"May kinita lang .. Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko naman sa kaniya. Napakunot noo muna ito bago balingan yung mga kaibigan niya.
"Ah eh Ito kasing si Zeilyn ano pinsan kasi niya yung may-ari ng Resto na ito" Paliwanag ni Revina. Yeah naaalala kopa sila.
Kaya pala pero nagtataka pa rin ako sa nakita kong kinikilos nitong si Aphrodite. Para pa ngang gustong-gusto niya pa na lumapit sa kaniya yung lalaki.
"So yung lalaki kanina ayun ba yung pinsan mo?" baling ko kay Zeilyn na parang kinakabahan. Dahan-dahan itong tumango.
"Nag text si Papa , Gusto niyang pumunta tayo sa bahay niyo" Kahit hindi naman palusot ko lang yun para makasama kona siyang umuwi.
Para naman siyang hindi naniniwala sa sinabi ko kaya tumingin ako sa mga mata nito. Napahinga muna siya ng malalim bago nagpaalam sa mga kaibigan niya.
Nagpaalam na rin sakin yung tatlo na tinanguan ko lang. Pagkalabas namin ay agad kong hinawakan ang bewang ni Aphrodite.
Hindi ko alam pero hindi mapalagay ang loob ko dun sa lalaking lumapit kanina kay Aphrodite. Pero kahit na anong mangyari hindi ako papayag na makuha siya ng iba sakin.
>>>
Sorry late upDate grrr. Grabeng hina ng signal ramdam niyo ba HAHAHA.
Salamat sa mga nag follow mga lods(ML). Na follow back kona yung iba HAHAHAHA.