𝘒𝘢𝘣𝘢𝘯𝘢𝘵𝘢 10: 𝘛𝘩𝘦 𝘭𝘦𝘵𝘵𝘦𝘳 , 𝘛𝘩𝘦 𝘬𝘪𝘴𝘴𝘦𝘳
Hayst araw nanaman ng pasukan minsan nakakatamad ding pumasok kapag kinulang ka sa tulog parang gusto mo na lang dalhin yung kama mo kahit saan ka magpunta para maghapon na lang nakahiga.
Nandito ako sa locker ko Hindi ko nga alam kung bakit naisipan kong bisitahin yung locker ko ngayon wala namang laman 'to tsaka wala naman akong ilalagay.
Nang buksan kona 'to ay ganun na lang ang pagkagulat ko ng tumambad sa mukha ko ang tatlong papel kaya kahit masyadong strange ay kinuha ko pa rin 'to , Sigurado naman akong nakalock palagi yung locker ko? Kaya nga locker diba?.
Binuksan ko ang unang papel na nakuha ko at binasa ang nakasulat.
Data ka ba?
Muntik na akong matawa sa nabasa ko palinga-linga muna ako bago kunin yung dalawa , hanep din 'tong nagsusulat para sa'kin Gusto ko tuloy siya makilala.
Kasi
Yun naman ang nakalagay sa pangalawang papel jusko ha! Ang gaganda ng mga design ng papel tapos ganito lang yung nakasulat?.
I Can't Live without you.
Nang mabasa na ang huli ay napahalakhak na ako dahil una hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ng taong 'yun para magbigay sakin nito pangalawa hindi ko nagets yung sinabi niya HAHAHA.
"Tsk sino naman kaya 'to?" Gusto kong makita kung sino ang naglalagay ng mga sulat na 'to.
Hindi sinasadyang nalaglag yung isang papel na una kong binasa kaya kinuha ko agad 'to pero may taong kumalabit sa'kin.
Nakangiti ko 'tong hinarap pero agad ding naglaho ang mga ngiting 'yun ng makitang si kaori lang pala. Akala ko yung taong nagbibigay sakin ng sulat.
"Oh anyare diyan sa mukha mo?" pagkakuwan na sabi nito tsaka kinuha yung mga hawak kong papel.
Maya-maya lang ay narinig kong tumawa 'to kaya sinamaan ko ng tingin kaya natahimik.
"Naks! Ibang klase 'to ah HAHAHA data kaba? Kasi I Can live without you ang corny HAHAHA" At talagang inulit pa talaga.
Kinuha ko sa mga kamay nito ang mga papel tsaka na 'to iniwan na natatawa pa rin dahil sa nabasa , Narinig kopa ang pagtawag nito sakin pero hindi kona lang pinansin.
Hanggang sa makarating kami ng room natatawa pa rin 'tong umupo kaya pinagtitinginan na siya ng mga kaklase namin habang ako naman ay tahimik lang , Gusto kong makilala kung sino man ang May pakana nito.
"Woy saan ka pupunta?" Tsk kahit kailan talaga napaka ng bibig ni kaori hindi ko alam kung paano ko naging kaibigan 'to.
"Sa mars magkakape , Wag ka ng sumama" Balik kong sigaw dito lalabas muna ako sandali lang naman , Pupunta lang ako sa building nila Venus.
Ako na lang ang bahalang magpaliwanag sa pinsan ko na ngayon nga ay professor namin kung bakit wala ako sa klase nito.
Nang marating kona ang building ng Architectural ay hinanap ko ang number ng room nila at ng makita ko na 'to ay napangiti ako , Agad ko siyang nakita dahil nakatayo siya sa unahan nagrereport pala sila.
Hindi din ako nagtagal dahil nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya bumaba na ako agad.
Akmang bubuksan kona sana ang Pintuan ng Cr ng may humablot sakin at siya na mismo ang nagbukas ng pinto at ng makapasok na kami ay narinig ko ang pag lock ng pinto.
"Hi?" Sabi ng maliit na babae medyo nakakakaba dahil yung mata niya namumula.
"Hello?" Ewan ko kung ngumiti ako dito o ngumiwi dahil hindi ko gusto ang mga titig nito sakin.
"Don't be afraid to me Anyway I'm Jannela Dela vega" Napatingin ako sa kamay niyang nakalahad sa harapan ko at dahil hindi naman ako ganun ka road este ka rude kinamayan kona rin 'to.
Akmang tatanggalin kona yung pagkakahawak niya ng bigla ako nitong hinila tsaka..
0_~
Walanjo na babae na 'to bigla ba naman akong halikan ng madiin kaya hindi ako makahinga dahil nga hindi ko sinasagot ang bawat halik niya kaya naman naitulak ko 'to. May nararamdaman akong kakaiba.
Nakita kong napangiti 'to tsaka napakagat na lamang ng kaniyang ibabang labi kaya napalunok ako ng sarili kong laway alangan naman laway niya.
Hindi ko naman maitatanggi na may ipagmamayabang din 'tong si Ella? Crenela? Basta maganda din naman siya pero wala ng hihigit kay .
Aphrodite?
Napailing ako ng mabilis ng maalala ko ang pangalan ng babaeng 'yun no way high way . si venus lang ang maganda sa mga mata ko.
"See yah! Miss nerdy or should I say Miss Suzane my love" Hindi ko namalayang nakalabas na yung maliit na babae sisigawan kopa sana kaya lang naka alis na kainis.
>>>>
𝙽𝚎𝚠 𝚌𝚑𝚊𝚛𝚊𝚌𝚝𝚎𝚛 𝚎𝚟𝚎𝚛𝚢𝚘𝚗𝚎! 𝙼𝚎𝚎𝚝 𝙹𝚊𝚗𝚗𝚎𝚕𝚊 𝙳𝚎𝚕𝚊 𝚟𝚎𝚐𝚊 💙