𝙆𝙖𝙗𝙖𝙣𝙖𝙩𝙖 3

4.7K 158 4
                                    


𝙎𝙪𝙯𝙖𝙣𝙚

Abala ako sa pagbabasa ng libro tungkol sa mga kababalaghan hindi yung kababalaghan na bastos ha tungkol sa mga taong nakakita ng mga multo , aswang o kahit ano pa yan.

May biglang tumabi sakin pero hindi ko ito pinansin dahil nga abala ako sa pagbabasa masyado akong pokus , mabuti na lang hindi ako ginugulo ng kung sino man ito.

"Wow mahilig ka pala sa mga libro tungkol diyan?"  Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makilala ko ang boses na yun.

"Ah-hehe ikaw - ikaw pala venus" Nahihiya akong lumayo dito pero ito naman ang lapit ng lapit.

"You know what? May kamukha ka" Mas lalo niyang nilapit ang mukha niya kaya kung titingnan kami para na kaming naghahalikan.

"Ha? W-wala naman akong ka-kamukha" kabado kong sagot dyos ko tinutorture ata ako ngayon ng tadhana hindi pa ako handa para dito.

"Excuse me? This is the library hindi motel kadiri!" May biglang sumingit na masungit mabuti na lang lumayo na ang mukha ni venus sakin.

"I don't know but i like you" Nagtataka ko itong tiningnan a-ano daw she likes me? Totoo ba ito?.

"Ha? Sigurado kaba diyan? Gusto mo ako?-

"No silly . yes I like you , I like you to be my friend" Para naman akong naging lantang gulay sa sinabi nito akala ko pa naman may gusto na siya sakin.

"So friends?" sabay lahad nito ng kamay saking harapan.

"Hmm okay friends" kunwari gusto kong makipagkaibigan sa kaniya , ayaw kong kaibigan siya gusto ko maging akin lang siya.

"Oh my Gotta go by the way I'm venus and you are?" naghihintay ito sa sagot ko.

"Zane" maikli kong sagot ngumiti naman ito tsaka nagpaalam na mukha pa itong nagmamadali.

"So pathetic masyado kang napaghahalataan" Biglang nawala ang ngiti ko sa labi ng may umupo sa aking tabi kung kanina bumibilis ang tibok ng puso ko ngayon naman kumukulo ang dugo ko.

"Ako ba ang pinaparinggan mo?" Sagot ko din sa kaniya ito nanaman siya naguumpisa nanaman.

"Why? Tinatamaan kaba?" Nakangisi niyang tanong sakin sabay lapit nito sakin na kinabahala ko nanaman.

"I know your secret" Makahulugang bulong nito at pagkatapos nun ay lumayo na ito kasama ang mga alipores niya.

Imbes na maganda na ang araw ko bigla nanamang nasira dahil sa aphrodite na yun.

Matapos nga ng pangyayari sa library ay Nagmamadali kong niligpit ang mga gamit ko nag text kasi si kuya na may bisita daw kami at yun ang hindi ko alam na magkakaroon pa pala kami ng bisita.

"Nerd!!" Saktong paglabas ko ng pinto ay may babaeng yumakap sakin. Tumingin ako sa taas at nakita kong madilim na din pala , kung bakit ba kasi gabi na kami pinapa uwi kainis. Tapos ito pang isa parang ang lakas ng tama.

"Miss teka nga bumitaw ka muna bakit kaba-

"Aphrodite? Anyare sayo?" Bagkus na sagutin ako nito ay yumakap nanaman siya sakin.

"Aish pwede bang bumitaw ka? Uuwi na ako" medyo naiinis na ako dito kanina pa niya sinisira ang araw ko.

"No Ayaw ko , dito ka lang sa tabi ko" Napaikot ang mga mata ko sa sinabi niya tsaka ko tinanggal ang pagkakayakap niya.

"Hindi mo ba nakikita? Madilim na kaya umuwi kana tsaka.. Bakit parang lasing ka?" Sinuri ko ang mukha nito at nilapit ko ang mukha ko sa kaniya para malaman kung lasing ba talaga ito.

Saan naman kaya galing ang ininom nito?.

"There you are" Biglang may sumingit na lalaki nakasuot pa ito ng t-shirt na para bang sasabog na dahil sa laki ng dibdib at katawan nito.

"Sorry miss ah? Kanina ko pa siya hinahanap nandito lang pala siya" Sabi ng lalaki parang hindi ako kumbinsido sa sinabi nito.

"C'mon baby let's go" saad pa niya sa lasing na aprhodite.

"What? Who are you bitch? Do I know you?" Rinig kong sagot naman nitong si aphrodite.

"Baby this is echo your boyfriend let's go" Akmang hahawakan niya si aprhodite ng umiwas ito.

Para namang nainis ang lalaki , parang hindi ko naman nakikita ang lalaking ito sa university tsaka mukha siyang obsess dito sa kasama ko.

"Excuse me lang ano? Hindi moba narinig yung sinabi? Hindi ka niya kilala? Tsaka mema ka masyado" Sumagot na ako dahil iba ang kutob ko sa lalaking ito.

"Babe I don't know him" kumapit lalo sakin si aphrodite .

"Ehem may problema ba dito?" Susugod na sana yung lalaki na nagsasabing jowa daw niya si aphrodite ng sumingit si kuya sam kasama yung mga barkada niys.

Umalis agad yung lalaki ng makita niya si kuya at ang kasama nito.

"Salamat kuya" tumango lang siya para hindi mahalata sinenyasan ako nitong umuwi na.

Napatingin ako sa kasama ko.

Saan ko naman siya dadalhin? Di ko naman alam kung saan siya nakatira. Hays bahala na nga.

𝐒𝐮𝐳𝐚𝐧𝐞 𝐒𝐤𝐲 𝐌𝐜𝐤𝐞𝐧 ✔ ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon