𝘼𝙥𝙧𝙝𝙤𝙙𝙞𝙩𝙚
"Aprhodite Venis Saan ka nanaman nanggaling?"
Paakyat na sana ako sa kwarto ko pero heto nga't nakita ako ng tatay ko, paano ba naman kasi ngayon lang ako umuwi sa bahay.
Kasalanan ng nerd na yun kung bakit!kung bakit! Ugh nvm.
"Papa Nag overnight ako kina Jasmine sorry kung hindi ako nakapag text kagabi nakatulog kasi ako agad" pagdadahilan ko mabuti na lang ay naniwala siya.
"Tsk Next time kapag aalis ka matuto kang magpaalam okay? Just text me or call me" May halong inis sa boses nito pero nandun pa rin ang pag-aalala.
"Yes Papa sorry" sincere na pagkakasabi ko kahit naman lagi kong pinagtitripan si nerd mabait at magalang pa rin naman ako yun nga lang pagdating kay nerd kumukulo yung dugo ko , lalo na kapag nakikita ko siyang kasama yung Venus na yun That girl.
"Oh nga pala invited tayo sa isang malaking event and I want you to come with us" Saad pa niya tumango na lang ako para wala ng away pa.
𝙎𝙪𝙯𝙖𝙣𝙚
Nakatulala lang ako sa kisame ng kwarto ko ng may kumatok.
"Senyorita Pinapatawag po kayo ni senyorito Sam" sabi ng katulong namin sa bahay agad akong tumango sa kaniya tsaka na sumunod dito pababa.
Naabutan ko yung kapatid ko na nagcecellphone habang nakangiti tsk panigurado isa nanaman yan sa mga babae niya.
"Brothuh pinapatawag mo ko?" Umupo ako katapat niya. Saglit siyang tumingin sakin tsaka muling binalik ang tingin sa cellphone niya.
"Tsk ano bang pag-uusapan natin?" as usual wala nanaman siyang sinagot kaya naman kinuha ko ang pagkakataong kunin yung hawak niyang cellphone habang abala siya sa pagtatype.
"What the! Hey Suzane ibalik mo sakin yan!" Sigaw niya pero binasa ko yung convo nila.
"Kita tayo miss kona yang malaki mong-
"Bakit hindi mo agad binabalik? Akin na nga yan" inis niyang sabi habang ako ay natatawa hmm masumbong nga siya minsan kila mommy.
"Mali ata sila mom ng pinagbilinan ikaw dapat ang bantayan ko baka sayo sila magkaapo ng maaga HAHAHA" asar ko dito nakita ko naman na namula ang kuya ko.
"Shut up" Naasar niyang sagot at muli itong umupo pero this time nakatingin na siya sakin.
"May party tayong pupuntahan bukas tsaka pupunta din sila mommy sa party na yun kaya inaasahan tayong dalawa" mahabang sabi nito kaya naman napatango na lang ako.
"And oppsss one more thing please lang magsuot ka ng disente wag ka munang mag disguise pwede?" dagdag pa niya sa sinabi niya.
Wala naman talaga akong balak na mag disguise sa pupuntahan naming party I'm sure naman na walang makakakilala sakin sa party na yun.
"Ano kaba naman kuya hindi mona kailangang sabihin yan" Sagot ko at nagpaalam sa kaniya na aakyat muna ako sa kwarto ko.
Humiga ulit ako sa kama tsaka kinuha yung tablet ko.
Muli kong naalala ang kagagahang nagawa ko nung nakaraan.
"Anak ng tipaklong"
Biglang bumugso ang kaba saking dibdib ng makita ko na kumulay blue ang like na nasa isang post niya.
Isa lang ang ibig sabihin nito , Na like ko yung post niya ng hindi ko nalalaman siguro masyado akong nahumaling sa pagtingin ng mga post niya kaya ganito ang nangyari.
"Tatanggalin ko ba? Siguro naman hindi pa niya ito nakikita"
Walang kasiguraduhan kung nakita naba niya o hindi pa pero sana naman hindi niya makita baka lalo lang magalit sakin ang babaeng yun .
At simula nga nun hindi kona ulit binisita ang profile niya.
Ganun pa rin ang ginawa ko scroll scroll lang dahil wala akong ka chat marami namang nagchachat pero payag ka kachat mo ganito.
𝚄𝚗𝚔𝚗𝚘𝚠𝚗 : 𝙷1 𝙿𝚊𝚕1𝚔3 𝚗4𝚖4𝚗 𝚗𝚐 𝚙𝚛0𝚏1𝚕3 𝚙1𝚌 𝚔0𝚎
At hindi yan nag-iisa marami silang nagchachat sakin para lang magpalike ng profile nila tsk nakaka asar mga tarantado.
Natigilan ako ng makita ko ang pangalan ni venus sa isang addfriend kaya naman walang paligoy-ligoy na inadd ko ito mga ilang saglit lang ay nakita kong inaccept niya ang request ko.
"Totoo ba ito?"
![](https://img.wattpad.com/cover/215675934-288-k636507.jpg)