𝘒𝘢𝘣𝘢𝘯𝘢𝘵𝘢 33: 𝘛𝘩𝘦 𝘥𝘶𝘥𝘢.
𝘼𝙋𝙃𝙍𝙊𝘿𝙄𝙏𝙀.
Nagising ako bandang alas tres nang madaling araw. Pagkagising ko ay napaupo ako sa kama tsaka tinitigan ang natutulog na si Zane.
Hindi ko alam pero marami na akong napapansin sa kaniya. Pero may tiwala ako sa kaniya. Napatigil ako sa pagtitig dito nang tumunog ang Cellphone sa tabi niya.
Napakunot noo ako dahil nakita kong may tumatawag sa cellphone nang asawa ko kaya naman agad ko itong kinuha.
"Unknown number? Sino naman kaya ang taong ito? At talagang madaling araw pa ha" Medyo inis na tanong ko sa aking sarili.
Dahil Naka-Unknown naman ay hindi kona sinagot like duh! Baka mamaya budol-budol yung tumatawag tapos matrace kami tapos malaman kung saan ang bahay namin tapos manakawan--ay ano ba itong iniisip ko. sorry advance lang ako mag-isip hihi.
"Aphrodite?" Mula sa pagtingin ko sa Cellphone na hawak ko ay nabaling ang atensyon ko sa taong tumawag sakin.
"Bakit mo hawak Cellphone ko?" Dagdag pa niya sabay tingin sa Cellphone niya na ngayon nga ay hawak ko pa. Bakit gulat na gulat siya.
Kahit nagtataka ay binalik ko na lang sa kaniya ang Cellphone niya. Para namang hindi ko na hahawakan ang cellphone niya. Dati-rati naman nakakapaglaro pa ako nang ML sa phone niya pero ngayon hmp.
"May tumawag kasi Hindi ko sinagot Unknown eh , Kilala mo ba yun?" Tanong ko naman sabay ayos nang higa paharap dito.
Kita kong naglumikot ang kaniyang mga mata problem?. Parang may mali pa akong sinabi. Tumikhim muna ito bago magsalita.
"Tulog na ulit tayo , Tingnan mo alas tres pa lang masama yan para kay baby" Lumapit siya sakin bago ako halikan sa aking noo. Napapikit na rin ako dahil dala na rin nang antok.
Halatang umiiwas siya sa tanong ko pero kung kilala niya yun sino naman kaya ang taong tumatawag sa kaniya?. Tch nakakaduda talaga ang babaeng ito. Wag ko lang malaman na may ginagawa siyang katarantaduhan dahil kung hindi iiwan ko talaga siya.
Naramdaman kong sumiksik ito sakin tsaka ako niyakap. Napangiti naman ako dahil bihira niya lang gawin ang bagay na ito. Pero dumadalas na ewan ko ba sa kaniya bigla-biglang lumalambing.
Bago ako makatulog at mawalan nang ulirat ay narinig ko pa ito na may sinabi at medyo naguluhan ako dahil sa sinabi niya.
"I'm Really Sorry"
𝙕𝘼𝙉𝙀.
Pahikab-hikab akong bumaba sa hagdan para pumunta sa kusina. Balak ko kasing lutuan nang umagahan si Aphrodite.
"Magandang Umaga anak" Napatigil ako sa paglalakad nang makasalubong ko si Manang Josefina. Binati ko rin ito pabalik. Maglalakad na sana ako nang muli niya akong tawagin.
"Sandali anak , Nasa Sala ang kapatid mo gusto ka makausap" dagdag pa ni manang kaya napatingin ulit ako sa kaniya. Pero may kaba akong naramdaman. At kapag may naramdaman akong ganito may mangyayaring hindi maganda.