𝘒𝘢𝘣𝘢𝘯𝘢𝘵𝘢 36: 𝘛𝘩𝘦 𝘚𝘦𝘤𝘳𝘦𝘵'𝘴 𝘖𝘷𝘦𝘳
MULI akong napahinga nang malalim dahil sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Alam kong hindi ko maitatago ang kasalanang ginawa ko. Mahal ko si Aphrodite kaya lahat gagawin ko para hindi niya malaman ang katotohanan.
"Ay iba siya oh! Kakabalik lang natin tapos nakasimangot ka diyan?" Napatingin ako kay Kaori na palagi na lang madaldal. Hayst ganito na siguro siya hindi na magbabago.
"Tumahimik ka nga diyan Kaori! Naiinis lang ako kaya tumahik ka diyan" Totoo naman kasi. Sa tagal naman kasi nang wala kaming pasok ngayon pa naisipan ng university na ito na papasukin pa kami. Tsk kung hindi na lang sana kami pinapasok.
"Init ng ulo nito Palamig ka muna , nga pala may chika ako sayo si Venus hinahanap ka tapos sinabi kona---
Napatigil ito ng tingnan ko siya ng masama. Alam ko naman na hinahanap ako ni Venus kaya nga iniiwasan ko muna siya. Wala akong pake kung tungkol pa yun sa bata. Hindi ko alam pero duda ako sa kaniya at yun ang aalamin ko.
Biglang tumahimik ang buong paligid hindi na ako nag-aksayang lumingon. Alam ko na naman kung sino ang dahilan nun.
"Zane? Pwede ba tayong mag-usap?" sabi pa nito pero nanatili lang akong tahimik. Naiinis ako sa pagmumukha niya.
Walang salita na tumayo ako tsaka naglakad papunta sa likurang bahagi ng University. Minsan na akong tumambay dito kaya alam kong tahimik.
Nakita kong sumunod sakin si Venus. Ito nanaman kami kailangan nanaman naming mag-usap ng walang kwentang bagay.
"Okay hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa , Gusto ko lang malaman mo na mahina ang kapit ng baby natin kaya ko---
Naiinis na nilingon ko ito. Ayun na ba yung importante niyang sasabihin palagi niya naman sinasabi sakin yan kaya wala ng bago. Naka unli ata ang babae na ito at paulit-ulit na lang.
"Alam mo Venus nagdududa din ako , Sabihin mo nga sakin? Totoo bang akin yang dinadala mo? Baka naman kay kuya--
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ito sa kuya mo , sayo ito Zane..May nangyari satin kaya nabuo ang batang ito" Nahihimigan ko ang galit sa boses nito pero napailing ako.
Oo may nangyari samin pero malay ko ba kung nauna si kuya bago ako diba. siguro kaya sakin niya pinapaako ang dapat kay kuya dahil hindi na siya mahal ni kuya dahil dumating sa buhay nila devilla.
"Kung hindi mo ito pananagutan pwes sasabihin ko na lang kay Aphrodite ang--
Sa sinabi nito ay agad kong nilapitan si Venus tsaka hinawakan ang magkabilaang braso nito. Hindi ako makakapayag na sa kaniya mismo manggaling ang lahat. Hindi pa ako handa kaya mananatili munang lihim ito.
"Kapag ginawa mo yun mananagot ka sakin" tumingin muna ako sa mga mata niya "At hindi mo magagawa yan dahil makakagawa ka lang ng ikakasira mo" Sabay bitaw dito.
"Kahit kailan hindi ko pinagsisihan na may nangyari satin Zane mahal kita kaya---
Akma na sana akong sasagot pero bigla kaming natigil ni Venus nang makarinig kami ng malakas na ingay. Nagtataka kong sinundan ang pinagmulan ng ingay na yun.