𝙆𝙖𝙗𝙖𝙣𝙖𝙩𝙖 21

2.7K 98 19
                                    

𝘒𝘢𝘣𝘢𝘯𝘢𝘵𝘢 21: 𝘠𝘰𝘶 𝘸𝘩𝘢𝘵?



𝙕𝘼𝙉𝙀.



"You What? I mean Ano ka ulit ng anak ko?" Eksaheradang tanong ni mommy na napatayo pa sa kaniyang kina-uupuan habang si daddy din ay napatayo din dahil ba naman sa sinabi ng babaeng kasama ko.





Pagkatapos kasi akong pagtripan nitong si devilla nagka-usap kami at may sinabi ito sakin na talagang kinasaya ko ng sobra.






"Ex-girlfriend po ako ni Sam" Nakangiting sabi ni Devilla sa dalawa napangiti din ako dahil naaamoy kong may magandang mangyayari sa pagbabalik ni devilla.





"Oh jusko , Bakit hindi namin alam na may una na palang na-girlfriend itong si Sam? Akala ko si Venus" napatampal pa si mommy sa kaniyang noo habang nakatingin kay devilla.






"Tama ba ang narinig ko kanina Iha? May anak kayo ni Sam?"  eksena naman ni daddy habang pinapakalma si mommy na hindi din makapaniwala.






Napangiti ako ng palihim dahil nagugustuhan ko ang eksenang nakikita ko , Tama ang pagkakabasa niyo gays may anak si Sam at yan ang isa sa mga goodnews ngayong araw para sakin. Pangalawa mahal pa ni devilla si kuya Sam kaya sigurado akong gagamitin ni devilla ang anak nila makuha lang ulit si kuya Sam .






"Yes Sir , Three years old na po siya ngayon tsaka sorry kung ngayon lang ako nagpakita nagkaroon kasi ng maraming problema pero ngayong naayos na , Aayusin ko din po ang pamilya ko" Nakangiti pa ring sagot ni Devilla kaya gusto kong palakpakan ito dahil panigurado na talagang siya ang magiging dahilan kung bakit maghihiwalay sila Sam at Venus.






"Okay gusto kong makilala ang Apo ko , Dalhin mo siya dito bukas at bukas din maghaharap-harap tayo kasama si Sam" Desisyon ni daddy sabay baling ng tingin sakin para bang sinasabi nito sakin na Wag kang magkakamali psh.







"Hindi na nga po siya makapaghintay na makilala kayo at syempre ang tatay niya" Tumango-tango naman si mommy sa sinagot ni Devilla. Parang ayaw nito sa mga sinasabi ni devilla tsaka si daddy nakakunot pa ang noo.






"Ah Mommy daddy , Ihahatid ko na po si Devilla" Eksena ko sa mainit nilang usapan. Napatingin sakin si devilla tsaka ako tumingin sa mga magulang ko sabay itong napatango. Nagpaalam naman ng may paggalang si Devilla sa mga magulang ko.






Hayst dahil sa babaeng ito nagawa ko pang hindi kumain para lang masamahan siyang pumunta sa bahay namin at sabihing may anak sila ni kuya Sam pero okay na rin at least alam na ng mga magulang namin. Magiging lamat din yun sa relasyon nila ni Sam Hahaha.






Pagpasok namin sa loob ng sasakyan agad kong pinaandar ang makina tsaka na ito pinaharurot papunta sa condo unit ni devilla kung saan siya nakatira ngayon. mabilis lang naman ang biyahe nakarating kami agad sa condo nito.





"Anong gusto mo Coffee? Water? Jui-




"Hindi okay lang , Aalis na rin naman ako" Pilit na ngiti ko dito. Noon kasi ako lang ang nakaka alam nang relasyon nila ni kuya Sam dahil nga si kuya bawal pa mag Girlfriedn habang hindi pa siya nagtatapos pero ang labo din ng mga magulang ko pinakasal naman si Venus kay Kuya Sam.






"What? Aalis kana.. agad? Bakit hindi muna tayo.. magpa-init?"  Napakurap ako ng sa isang iglap lang ay napalapit na ito sa pwesto ko kaya naman napa atras ako ng wala sa oras.





"H-ha? Hin--hindi na okay na I mean aalis na ak-




"Kalma ka nga lang diyan , para namang hindi natin ginawa ito dati" May pang-aakit nitong hinaplos haplos ang aking pisngi kaya naman tiningnan ko ito ng seryoso.





𝐒𝐮𝐳𝐚𝐧𝐞 𝐒𝐤𝐲 𝐌𝐜𝐤𝐞𝐧 ✔ ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon