𝙆𝙖𝙗𝙖𝙣𝙖𝙩𝙖 24

2.7K 107 11
                                    

𝘒𝘢𝘣𝘢𝘯𝘢𝘵𝘢 24: 𝘉𝘸𝘪𝘴𝘪𝘵𝘰𝘳 𝘧𝘵. 𝘒𝘢𝘣𝘢𝘣𝘢𝘵𝘢






Kinabukasan. Nagising ako dahil sa malalakas na katok at doorbell kaya naman naiinis na pinuntahan ko ito pero mas lalong uminit ang ulo ko nang makita ang isang lalaki na nakangiti. Bumaba ang tingin ko sa hawak nang lalaki may dala-dala itong bulaklak at may hawak pang chocolates. Pfft mukhang naligaw ang lalaking ito.








"Nandiyan ba si-









"Hindi kami nagpadeliver niyan , Tsaka nagkamali ka nang pinuntahan" Inis kong sagot bago sana isarado ulit yung pintuan kaya lang nagsalita ang kumag.









"Ah heto ba? Pfft dude sorry pero hindi ako delivery boy , Nandito ako para kay Aphrody" Nakangiting sagot nito kaya naman kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nang lalaking ito.









"Sinong Aphrody? Alam mo naligaw ka lang dahil walang Aphro-









Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ko ang sigaw ni Aphrodite hindi ko alam na nasa likuran kona pala siya.Bago lapitan ni Aphrodite yung lalaki tumingin muna siya sakin ng masama.









"Art , Gosh!!!" Oa na sigaw ni Aphrodite kaya naman naitsapwera na ang presensya ko tsaka ko nilakihan ang awang nang pintuan para makapasok yung kumag na bwisita ni Aphrodite.









Habang pinagmamasdan silang dalawa ay hindi ko maiwasang mapa ikot nang aking mga mata dahil kakaibang Aphrodite ang nakikita ko ngayon. Parang humarot siya sa paningin ko.









Napataas ang aking kilay ng makita kong masayang tinanggap ni Aphrodite yung bulaklak na binigay sa kaniya nang bwisita niya. psh baka nakakalimutan niyang nandito pa ako? At hello asawa niya nandito.









"Thank you Art , Sorry nga pala sa inasal nang Kaibigan ko" Rinig kong sabi ni Aphrodite kaya naman nakaramdam ako nang inis. Kumpirmado humaharot ang babaeng ito at talagang kaibigan lang ang pakilala niya sakin?.











"Wala yun Aphrody , So tuloy ba yung date natin mamaya?" parang nahihiya pa ang lalaking nagngangalang Art. Pfft Art? Bagay sa kaniya mukha siyang Tinta.









Nakita ko naman na parang natigilan si Aphrodite tsaka tumingin sa direksyon ko pero nanatili lang akong nakatingin sa kanila tsaka napapailing. Binigyan ko din ito ng tingin na sinasabing dismayado ako dito.










Bakit ba siya tumingin sakin? Tsaka wala naman akong pakealam kung magpaligaw siya kahit na kanino o kahit kailan. Ang sakin lang sana ilugar niya ang mga manliligaw niya. Paano na lang kung may makakita na alam na kasal kaming dalawa tapos may nanliligaw pala sa kaniya.










"Ahm S-Sure wala naman akong gagawin" Sagot ni Aphrodite kaya naman umalis na ako sa pwesto ko tsaka muling bumalik sa kwarto.










"Psh Yung babaeng yun? Akala mo kung sinong maganda at talagang dito pa dinala yang bwisita niyang manliligaw niya." Oh hindi ako nagseselos naiinis lang ako.









Napahinga ako nang malalim para pakalmahin ang aking sarili dahil hindi maganda ang gising ko dahil sa dalawa. Natuon lang ang atensyon ko nang Tumunog ang aking cellphone.










Agad ko itong sinagot ng makita ko ang caller "Hello? Sabado ba ngayon? Opo papunta na".









Matapos ang maikling tawag ay tinapon ko sa kama ang cellphone ko tsaka naupo. Hindi ko namalayan na sabado na pala ngayon ibig sabihin Schedule namin para pumunta sa bahay nila Aphrodite.











𝐒𝐮𝐳𝐚𝐧𝐞 𝐒𝐤𝐲 𝐌𝐜𝐤𝐞𝐧 ✔ ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon