𝙆𝙖𝙗𝙖𝙣𝙖𝙩𝙖 22

2.9K 116 25
                                    






Habang nagmamaneho ay nagnanakaw ako ng tingin kay Aphrodite masyado na kasi siyang tahimik. Mabuti na lang talaga at hindi ko inuna ang inis ko dito dahil kung hindi ko siya nasundo malamang nakuha na siya ng gagong Echo na yun.









Hanggang sa makarating na kami ng bahay namin bumaba na ako at naisip kong pagbuksan sana ito ng pinto pero nauna na din pala siyang lumabas kaya napakibit balikat na lamang ako.









Mukhang kailangan ko ring humingi ng pasensya dahil nga sa late kona siya nasundo at kung hindi pa tinext hindi malalaman .









"Akyat lang ako sa taas" matamlay na sabi niya at kahit nagtataka sa inasal niya ay tumango na lamang ako. Kunot noo kong sinundan ito hanggang makapasok na siya sa loob ng kwarto namin.










Hayst hindi siguro makakaya nang konsensya ko kapag may masamang nangyari kay Aphrodite basta bigla ko na lang naramdaman na hanggang may koneksyon kami sa isa't-isa hindi ko siya pwedeng pabayaan.











Huminga muna ako nang malalim bago sumunod kay Aphrodite , Pagpasok ko ay nakita ko itong nakatayo habang nakatalikod saking pwesto nakita ko ring napapahugot siya ng malalim na paghinga kaya hindi na ako nag dalawang isip pang magtanong.










"Tahimik mo naman? May masakit ba sayo?" Seryosong tingin ang pinukol ko dito pero nanatili pa rin siyang nakatalikod sa pwesto ko.









"Sino yun?" Imbis na sagutin ako ay tanong lang din ang sinagot sakin pero ano daw? Alin ba ang tinatanong niya?.









"Sino yung kasama mo kanina" Saad pa niya bago humarap sakin.








Nagulat naman ako nang makita kong sumeryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha kaya naman napailing ako dahil dito.









"Hindi naman importante yun tsaka...









"Babae mo ba yun? At talagang wagas pa kung maglandian kayo!" Bigla ding napalitan ang kaninag seryoso nitong mukha. Mukhang nakakatakot pero hindi pa rin ako papatinag sa kaniya. Lumakad ito papunta sa pwesto ko.










Dahil sa sinabi niya ay hindi ko maiwasang malito ano bang sinasabi nang babaeng ito? Ako may babae? Nagpapatawa ba siya? tutol lang ako sa kasalang nangyari samin pero hindi ko magagawang mambabae well except na lang kay Venus.










"Anong babae , anong pinagsasabi mo? At pwede ba wag kang magsalita na para bang..nagseselos ka" syempre binulong ko lang yung huli baka mapahiya pa ako kapag sinabi ko sa kaniya yun.










"Tch! Kitang-kita na nga dine-deny mo pa , Kung maghahanap ka lang din naman nang babae , Sana naman taasan mo yang standard mo yung hihigit pa sa kagandahan ko 'kay?" Ngayon naman nag-iba naman ang tono ng pananalita niya mukhang nabad shot sakin.








Magsasalita na sana ako nang may tumamang malambot na bagay sa pagmumukha ko kaya naman agad kong hinawakan ang bagay na tumama sakin.












"Ano'ng ibig sabihin nito?" Naguguluhang tanong ko habang hawak ang dalawa kong unan na siya pa ang naghagis.










Tinaasan muna ako nito ng kaniyang perpektong kilay bago sumagot sakin na siyang kinareklamo ko. "Hindi ka muna dito sa kwarto matutulog , Dun ka muna sa Sala dun sa Couch" Sabi niya sabay tulak sakin.











𝐒𝐮𝐳𝐚𝐧𝐞 𝐒𝐤𝐲 𝐌𝐜𝐤𝐞𝐧 ✔ ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon