𝙆𝙖𝙗𝙖𝙣𝙖𝙩𝙖 8

3.9K 157 8
                                    

𝘒𝘢𝘣𝘢𝘯𝘢𝘵𝘢 8: 𝘞𝘦𝘥𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘺𝘰 , 𝘸𝘦𝘥𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪.




𝘚𝘶𝘻𝘢𝘯𝘦

Usap lang ng usap ang mga magulang namin tungkol sa mga nagawa nila noon ng tinatayo pa nila yung mga kumpanya nila kung paano sila naging successful sa mga planong ginawa nila na halata namang hindi kami narerelate.

At isa pa 'tong kapatid ko akala niya ba hindi ko napapansin na hinaharot niya si venus? Nakakainis naman kung pwede lang tadyakan yung kapatid ko para makaalis siya sa tabi ni venus nagawa kona.

"Are you jealous?" buhat ng marinig ko yun galing sa katabi ko ay tiningnan ko siya ng masama.

"Pwede bang tumahimik ka? Wala ka bang masabing matino?" Inis kong sabi dito tsaka umurong konti para lumayo sa kaniya ng konti.

"Tch nagseselos ka lang" asar pa niya kaya naman tiningnan ko ulit siya ng masama ako nagseselos? Baka nga siya diyan.

Nakaisip naman ako ng kalokohan kaya dumikit ulit ako sa kaniya habang abala siyang tingnan ang mga magulang namin.

Inakbayan ko 'to tsaka dinikit ang aking katawan sa kaniya na kinabigla nito at kinatingin niya sakin ng masama.

"Gusto mo bang harutin kita?" Ewan ko lang ha! Pero gusto ko lang siyang pagtripan dahil wala akong magawa.

"Eww No thanks na lang, Can you please make layo layo sakin?" Para 'tong nandidiri habang inaalis ang kamay ko na nakahawak sa balikat niya.

"HAHAHA hoy assuming ka naman diyan hindi kita type 'no" Sagot ko para takpan ang pagkapahiya nakakinis naman 'tong si Aphrodite kailangan talagang tumingin sakin ng may pandidiri?.

Inikutan lang ako ng mata nito tsaka ngumiti ng peke at biglang ngumuso.

"Ha? Anong" Hindi ko naman maintindihan ang sinasabi nito dahil nguso pa rin ng nguso kaya naman nilapit ko ang mukha ko dito.

Nagulat ko nanaman siguro dahil sa paglapit ko sa kaniya ngumiti lang naman ako sa kaniya , pinagmasdan ko siya ng medyo lang naman masasabi kong maganda talaga si aphrodite walang halong biro pero hindi ko yun sasabihin sa kahit kanino na nagagandahan ako sa kaniya.

"I Don't know na you're so stupid pala , tumingin ka dun sa pwesto nila"   sa wakas nagsalita din akala ko tuluyan ng hindi makapagsalita eh.

Kaya sinundan ko kung saan siya nakatingin nakita kong nakatingin siya kila kuya sam at venus.

Wala naman akong nakitang masama sa ginagawa nila , kaya nang aasar na tingin ang binigay ko kay aphrodite.

"Sus ikaw ha! ikaw ata nagseselos kay kuya sam type mo si kuya 'no?" sabay sundot sa tagiliran niya dahilan para magpakawala siya ng malakas na tawa.

"the heck Ano bang ginagawa mo?" galit-galitan na sabi ng ate mo pero ako nakangising lumapit sa kaniya sabay kiliti dito. Huli ka ngayon.

Dahil sa ginawa ko ay hindi namin napansin na kami na pala ang tinitingnan at pinag-uusapan ng mga taong nakapaligid samin kaya napahinto kami pareho sabay balik sa dati naming ayos.

Nakita kong nakangiti ang mga magulang namin habang nakatingin saming dalawa ni aphrodite pati na rin si kuya sam ewan ko lang kay venus.

Maya maya lang ay nagsalita si mommy na sabay naming kinatingin dito.

"Kumpadre at kumare hindi na ako makapaghintay na ikasal sila." sabi niya.

Napatingin ako kay kuya sam na prenteng naka upo lang habang nakikinig sa sinasabi ni mommy.

So sinong ikakasal? Alangan namang mga magulang namin? Eh ibang tao ang pinag-uusapan nila.

"Kaya nga kumare , Sa nakita ko ngayon sigurado na ako na magkakasundo talaga sila" Sabi naman ni tito tatay ni aphrodite. Tumayo pa 'to tsaka tumingin samin.

"Suzane?" Bigla akong kinabahan sa pagtawag nito sakin kaya napatayo ako ng wala sa oras dahilan ng pagtawa ni aphrodite.

"Pa wag mo namang tinatakot si suzane" singit bigla ni aphrodite sa usapan namin nakitawa naman sila mommy.

"I'm sorry iha kung natakot man kita sa pagtawag ko sayo , Gusto ko lang sabihin sainyo na-

Tumayo bigla yung nanay ni aphrodite.

"Congratulation mga anak dahil magiging mag-asawa na kayo" Si tita na ang nagsabi sa naputol na linya ni ti- ahh magiging asawa pa lang naman pala akala ko kung ano --- ANO DAW??

Naramdaman kong napatayo si aphrodite sa sinabi ng mga magulang niya maski ako hindi pa napoproseso ng utak ko ang sinabi ni tita.

Magiging mag-asawa

"Whatttt? Mom? Papa? Nag jojoke lang kayo diba? Ako ikakasal diyan kay N-nerd!" Sigaw ni aphrodite na kinabigla nila maski ako nabigla sa huli niyang sinabi.

So alam niyang ako si nerd na lagi niyang binubully? Papaano niya naman nalaman yun? Pero dina bale hindi mahalaga yan ngayon ang importante kung papano ko malulusutan ang problemang ito.

Narinig kong tinatawag nila si aphrodite nag walk out pala.

"Anak sundan mo na si aphrodite" Lumapit sakin si mommy . Kaya kahit nag aalinlangan man ay sinundan kona lang si aphrodite baka may mangyari pang masama dun.














>>>

𝚂𝚝𝚊𝚢 𝚜𝚊𝚏𝚎 𝚙𝚘 𝚝𝚊𝚢𝚘!

𝐒𝐮𝐳𝐚𝐧𝐞 𝐒𝐤𝐲 𝐌𝐜𝐤𝐞𝐧 ✔ ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon