𝙎𝙪𝙯𝙖𝙣𝙚
Ewan ko lang pero pagkagising ko may nakahanda na agad na Mga pagkain as in sa kwarto ko. Kapag ganito ang eksenang naabutan ko ibig sabihin nandito ang mga magulang ko.
Alam mo yung tulog yung diwa mo tapos bigla mona lang mamumulat yung mga mata mo?.Ganun kasi yung nangyari sakin ngayon kaya kahit anong balik ko sa pagtulog ayaw na.
Napangiti na lang ako ng makita ang mga pagkaing nakahanda sa harapan ko bigla akong napatingin sa orasan ko mag aalas onse na din pala grabe pala ako matulog.
Kinuha ko ang mga nakatakip na pagkain tsaka nagpatulong sa katulong namin na buksan yung pinto ng kwarto ng maluwang hindi ko naman mahawakan ang doorknob at isa pa gusto kong kasabay kumain sila mommy lalo na't nandito ulit sila.
Nakangiti akong bumaba ng dahan-dahan nang makarating na ako sa dining area namin ay biglang napawi ang ngiti ko.
Omo! Like momo!!
Nandito siya? Nandito si Venus!! Putcha!.
Akmang babalik na lamang ako sa kwarto ng makita ako ng isa sa mga katulong namin.
"Senyorita? Ako na po ang magdadala ng mga 'yan" Sabi nito na may kalakasan ang boses kaya napatingin ako sa katulong namin na kinataka naman niya.
"Oh sis, Gising kana pala" Halos kumabog ng malakas ang pintig ng puso ko my goodness bakit ngayon pa? Pwede bang wag muna? I'm not ready for this.
Naramdaman kong umakbay sakin si kuya at ng mapansin niyang hindi ako sumagot ay pinaharap niya ako sa kaniya dahilan ng pagkagulat ko dahil nakita kong nakatingin sakin lahat ng tao sa dining area as in Kasama siya.
Kaya tumalikod ako ulit dahil una nakakahiya ang itsura ko pangalawa hindi pa ako nakakapaghilamos feeling ko nga may mga nakadikit pang muta sa gilid ng mata ko.
"HAHAHA C'mon sis don't be shy tayo-tayo lang naman ang nandito" Sabay batok sakin ng kapatid ko kaya naman tiningnan ko ito ng masama.
Gago ba siya? Anong Don't be shy kung crush niya kaya nakatingin sa kaniya tapos hindi pa siya nakapaghilamos jusko naman.
"Mom and dad mukhang nahihiya ata si sis na humarap kanina pa nakatalikod" Saad pa ni kuya sam naramdaman kong bumalik na ito sa pwesto niya kaya bumalik nanaman ang kaba saking dibdib dahil kahit nakatalikod ako ramdam ko ang mga tingin nila sakin.
Hindi lang naman dahil sa hindi ako nakapaghilamos or what so ever isa din sa dahilan kung bakit nahihiya ako dahil nandito si venus putcha.
Kaya naman napahinga ako ng malalim tsaka ko napagpasyahang humarap sa kanilang lahat.
"Hayst" Bulong ko sa sarili tsaka pumunta na sa pwesto nila.
"Mom bakit kayo nandito?" sabi ko agad habang hindi tumitingin sa bisita namin.
kumunot naman ang noo ng nanay ko tsaka napahinto sa pagkain.
"Sa tanong mong yan parang ayaw mo kaming nandito? pinapaalis mona ba kami?" Kunwaring nagtatampo na sabi ni mommy mabilis akong umiling.
"Hindi ba nasabi sayo ng kuya mo na may pupuntahan tayong mahalagang okasyon mamaya?" Nabaling naman ang tingin ko kay daddy.
Duon ko lang naalala na may pupuntahan nga pala kami mamaya at kailangan magsuot ng disente actually ngayon lang ako pumayag sa kanila. Kasi naman kapag hindi ako sumama sa kanila maiiwan akong mag-isa pina bakasyon kasi muna nila yung mga katulong namin.
"Hay naku dad sinabi ko na diyan kahapon ewan ko kung naalala niya" sagot naman ni kuya hindi kona lang pinansin si kuya at nagpatuloy sa pagkain dahil nahuli ko si Venus na nakatingin sakin na para ba akong sinusuri.
"But wait Ikaw ba Anak may ka-partner na para mamaya? Kailangan kasi ng partner" Napahinto ako saglit tsaka umiling sa tanong ni daddy.
"Kaya nga nandito si Venus dahil si Venus ang makakapareha ng kuya mo mamaya" Ewan ko lang pero bigla akong naubo sa sinabi ni mommy.
Dahil sa nangyari ay agad na may nag-abot sakin ng isang basong tubig at aksidente kong nahawakan ang isang malambot na kamay hindi naman ganito yung kamay ni mom-
"Thank y-you" Sabi ko pagkatapos kong maubos ang tubig.
Mga ilang oras ay nagpaalam na sila kuya sam kasama si venus na sabay na daw silang maghahanap ng masusuot nila.
Habang ako naman ay nagdadalawang isip na kung sasama pa ba ako.
Kung nalaman ko lang na with partner pala ang okasyon na yun hindi na ako sumama.
Napatingin ako sa cellphone ko ng may biglang nag text.
Wag ka munang magdisguise okay? I'm handsome sure na wala namang makakakilala sayo duon
Napaface palm na lamang ako dahil sa paulit-ulit na paalala ni kuya as if namang magdidisguise ako habang papunta duon nakakahiya 'yun ano.
Sa wakas matapos ang pakikipagtalo sa sarili kung saan ba ang susuotin ko napagdesisyunan kong black V-neck na lang tsaka ko ito tinuck-in at pinatungan ng Blazer sa pang-ibaba naman slocks na black lang okay na.
"Anak ang masasabi ko lang mukhang kailangan naming magdala ng bodyguard para walang makalapit sayong babae HAHAHA" Pagkababa ko hindi ko alam na hinihintay na pala ako nila daddy .
Napatawa na lang din ako sa sinabi ng tatay ko tsk kahit kailan talaga.
"Let's Go" Masayang sigaw ni daddy na akala mo ngayon lang nakalaya sa kulungan kaya natatawa kaming sumakay ng kotse.
"Sana maging maganda ang gabing ito para sakin" Sabay tingin sa labas.