𝘒𝘢𝘣𝘢𝘯𝘢𝘵𝘢 16: 𝘈𝘱𝘩𝘳𝘰𝘻𝘢𝘯𝘦
Paypay dito at paypay dun ang ginawa ko paypay sa mukha lahat-lahat na ginawa ko pero hindi pa rin nawawala ang init sa katawan ko. lalo pa itong umiinit kaya naman nagsisimula na rin akong mainis kung bakit ko nararamdaman ito.
Ramdam ko ang isang presensya saking likuran pero hindi ko ito pinansin dahil nga sobra akong naiinitan.
"Ohh? Anong drama 'yan Nerd? Nag fe-feeling hot ka nanaman diyan?" sabi nito pero hindi ko pa rin siya pinapansin.
Goodness ano bang nangyayari sakin? Kakaiba ang nabubuhay saking katawan para bang.. para bang gusto kong..
"Tch!!! Tingnan mo ito kanina ako 'yung minamadali mo ngayong paalis na tayo ikaw naman diyan" Saad pa ni Aphrodite tsaka pumunta sa aking harapan.
"Pwede ba tumahimik ka muna? Sira ba 'yung Aircon niyo? Bakit ang Init?" inis kong tanong kahit alam ko nang bukas naman 'yung aircon nila.
Kita kong kumunot ang noo nito "Duh baka 'yang ulo mo sira na , Ano bang nangyayari sayo?" Akmang lalapit sakin ito pero pinigilan ko siya.
Hindi ko alam pero may gusto akong gawin sa kaniya , Para bang gusto ko itong angkinin arggh! Hindi ko talaga alam ang nangyayari sakin.
"Kanina pa tawag ng tawag si Tita kaya tara na" Salita pa nito pero wala dito ang atensyon ko.
Pilit kong pinapakalma ang aking sarili dahil may unti-unting nabubuhay saking katawan.
Natatandaan ko wala naman akong nakain na sira kaya nagtataka talaga - Tama si manang , 'yung katulong nila Aphrodite naalala ko na 'yung binigay niyang juice ang ininom ko bago ako maging ganito.
"Yung katulong niyo , P-pakitawag" hirap na din akong magsalita dahil sa tindi ng pagpipigil ko sa nararamdaman ko. bumuntong hininga muna ito bago pumunta sa kusina nila para tawagin si Manang.
"Bakit po?" tiningnan ko si Manang na nagtatakang nakatingin sakin.
"Manang A-ano po b-bang nila-
Hindi kona natuloy ang aking dapat sabihin ng biglang dumilim ang aking paligid. Pero bago 'yun kay nakita akong isa pang tao na pumasok sa bahay nila Aphrodite.
Malamig na hangin ang nakapag gising sakin hindi ko alam kung bakit malamig ang alam ko hindi naman buwan ng tag-lamig.
Pinagsawalang bahala kona lang ang lamig na nararamdaman tsaka pa mas lalong nagsumiksik sa katabi kong unan.
Mabuti pa 'tong unan mainit hindi tulad ng - Pero teka? Sobrang lambot naman yata ng unan ko?. Kinapa ko yung katabi kong unan kahit nakapikit ang mga mata , Nakapa ko ang isang maliit na bagay pabilog ito at sobrang lambot.
Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata para masiguro kung unan nga ba ang katabi - 0_~.
"Pakshetttt!!" Malakas kong sigaw tsaka agad napatayo mula saking kama ng makita ko kung sino ang katabi ko.
Papaano ito nakapunta sa kwarto ko?.
Isang babae ang katabi ko hinila ko ang kumot ko na nakatakip sa - Anak ng bakit nakahubad ito? At ang malala pa hindi lang siya basta kung sino lang.
Aphrodite.
Dahil sa paghila ko ng kumot ay nakita ko ang hubad nitong katawan as in walang saplot lahat. Paulit-ulit akong pumikit baka sakaling nasa isang bangungot lang ako. Pero ng idilat ko ulit ang aking mga mata nandun pa rin siya nakahiga sa kama.