Hindi na ako sumagot sa kanya. Juan seemed very serious kanina nung sinabi niya yun. Ayoko naman na mag react ng OA kasi nga hindi pa naman kami masyado ganong ka-close. So, I should think every actions na gagawin ko. Hindi lang sa kanya, pati narin sa ibang tao.My day went well naman. Usually lang din simula nung nag dorm ako dito sa UP. 3 weeks na, pero somehow nag-aadjust parin ako. Nahihirapan ako na isipin that my mother and little brother are away from me.
Oo, ginusto ko talaga muna mag dorm nalang kaysa tumira sa mga kamag anak namin dito sa manila. Napagod kasi ako eh. Sobra akong napagod. Napagod kakaisip sa mga bagay bagay. Tska ko na ikwkwento sa inyo.
Nasa study table ako ngayon. Naisip ko na naman na tignan yung IG ni dave. I usually visit his IG account every week para naman ma-refresh ako. He's been my source of kilig and happiness.
Scrolling his feed I can see that he's happy. Nakita ko pa yung post niya na photo nila ni Pia. Pia and I, hindi kami nawalan ng connection. We always used to talk about each other and nung mga bago naming na di-discover as days go by. Pia is also there nung first chemotherapy ko with my mama and brother. She is crying talaga. Naiinis siya bakit ako pa daw yung nag kasakit. Pero, inexplain ko naman sa kanya ng maayos kung bakit nangyayari ang mga bagay bagay.
Seeing his photos never really failed na pangitiin ako. Noon, sa bawat tusok ng mga karayom sa katawan ko. Iniisip ko yung mga oras na mag kasama kaming dalawa. Yung mga oras na ang saya saya naming dalawa. Inisip ko nga na hindi na kami mapag hihiwalay nun eh. But you know, we can't tell how life works.
But I am happy na masaya siya. Kahit na hindi naging maganda yung huli naming pag kikita. Kahit na alam ko na galit siya sakin. That I could not able to explain kung bakit ko kailangan gawin 'yon. Ayoko lang na masira yung future niya. Ayoko na masira yung lahat ng dahil lang sakin. Nang dahil lang sakin.
Masaya rin ako na naging maganda yung journey niya sa UAAP. I always watched his games. Kahit na hirap na hirap ako. Kahit na kagagaling ko lang sa chemotherapy, nag papalakas ako agad para lang mapanood siya. Gusto ko makita yung mga pinag hirapan niya. Alam ko na he is doing double time kasi gusto niya na may mapatunayan. Not on the others, but for himself.
Ako rin. Gusto ko rin na mapangatawanan yung ipinangako ko sa kanya.
Noon kasi, he is so excited kasi mag ta-training na siya sa NU. And nalungkot siya. Kasi baka hindi ko daw mapanuod yung mga laro niya kasi magiging busy na kami parehas. Pero ngumiti ako sa tumingin sa kanya.
"I'll promise that I will watch every games na mag lalaro ka. No matter what happens."
Nung araw na yun, the same day na nalaman ko na I have cancer. Alam ko na magiging mahirap. Pero hindi ko naisip yun kasi mahal ko siya. Mahal na mahal.
I close my eyes and relax for a bit. Ayan na naman ako, nagiging malungkot na naman. Hanggang ngayon nahihirapan parin ako imantain yung mental health ko. I have cancer. Stress is not a good option.
I decided to sleep na. Dave and I, hindi niya alam yung IG account ko. I decided to cut all my ties the moment na pinili ko na layuan nalang siya. Kasi alam ko na kukulitin niya ako, and baka mag bago pa ang isip ko. I can't be. Hindi pwede.
YOU ARE READING
Ten Thousand Hours
FanfictionHanna, a normal girl who had a cancer. Cancer made her whole life messed up. But before that happened, she and Dave had something special. Speacial thing that she couldn't imagine she'll lose. But now, they've unexpectedly met and suddenly, Dave w...