Chapter 21

381 11 0
                                    

After that conversation with Dave. Parang feeling ko nawala lahat ng effort ko sa pag papa-halaga ko sa kanya. Ang sakit, sobrang sakit maka rinig ng mga ganung salita mula sa kanya. Para niyang pinunit yung puso ko. Naging malungkot ako, kasi parang nawalan ng saysay yung pag titiis ko. Napaisip ako na tama ba yung lahat ng mga ginawa ko? Tama ba yung mga desisyon ko?

Umiyak lang ako nun buong gabi. Hindi ko kasi mapigilan eh. Ang gusto ko lang naman maging maayos siya. Na okay siya. Wala naman akong ibang hangad kundi mapabuti siya. Kasi nga diba I saw how precious he is?

Ayoko lang dumating sa point na, yes. Mag kasama nga kami, pero nandun naman siya sa point na nahihirapan na siya. Ayoko nun. Kaya nga ako nag tiis para mapunta siya sa maayos na kalagayan. Pero it suddenly became a wrong decision.

Naiintindihan ko naman siya. Pilit ko siyang iniintindi. Kasi alam ko na matagal din kaming hindi nagkita kaya alam ko na may mga bagay na nag bago talaga.

Naiintindihan ko naman yung point niya.

Pero siguro iba lang talaga yung pag tingin namin sa pag mamahal.

I can't blame him.

Mag iisang linggo at kalahati na simula nung nangyari yun. Tinotoo ko yung sinabi ko. Hindi na talaga ako nakialam. Hinayaan ko talaga siya gawin yung gusto niya.

I have no rights.

Lagi siyang pumupunta sa dorm ko before he go home. Lagi siyang umaasa na kakausapin ko siya. Pero hindi ko kaya eh. Siguro naman valid yun?

About nung family day, hindi na talaga ako umasa na pupunta siya nun. Kasi after what happened, I didn't really think na pupunta pa siya. Habang nag lalakad pa nga ako nun, nag iisip na ako ng mga pwedeng dahilan kung bakit hindi makakapunta si Dave.

Nasasaktan ako for Emjay kasi I know na nag eexpect na siya na may Dave Ildefonso na darating. Pero laking gulat ko nalang na he was there! He was smiling all the time habang kasama si Emjay. Pinilit ko rin yung sarili ko na ngumiti. Lahat ng mask na pag papanggap ginawa ko to get along with him. Ayoko sirain yung araw na yun, kasi alam ko na yun yung isa sa pinaka masayang araw ni Emjay.

Family Day went okay. Naging masaya naman lahat and nakapag bonding. Nakakataba ng puso na nakita ko yung bawat ngiti ng mga bata. Pero alam ko na sa bawat ngiti na yun, isang luha naman ang nakatago.

There were times na Dave tried to talk to me nung family day pero umiwas ako. KOTA na ako.

Kasalukuyan akong nag lalakad papuntang PGH. May check up ako ngayon and swerte ko na free cut so nakapunta ako ng maaga. Kailangan ko rin bumalik kasi may last class pa ako. Habang nag lalakad ako, napansin ko na maraming nag kukumpulan?

Anong meron?

Lumapit ako to see what is really happening. Nung nakita ko, parang nag init agad yung ulo ko.

Pilit na humihingi ng pasensya yung dalagang babae sa isang babae dahil natapunan ata ng pagkain yung damit niya. Maraming nakatingin pero wala ni isang umawat man lang?

Sa dami ng mga masasakit na salita ang binitawan nung babae dun sa dalaga, wala man lang nag lakas loob umawat?

Huminga ako ng malalim at lumapit doon.

"Ate, ilang beses na po na humingi ng tawad sa inyo yung tao. Hindi niyo po ba pwedeng tanggapin o palampasin man lang po?" Kalmado at magalang kong ani kay ate. Hangga't maaari ayoko na sabayan yung init ng ulo niya kasi mag kakagulo lang.

"Miss, wag kang makialam dito dahil wala kang alam." Mataray niyang sabi. Pigilan niyo ko!

"From what I've heared? I think I know." Kalamdo ko parin sabi. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko talaga.

Mag sasalita pa sana ako nung hinawakan ako nung dalaga. Nanginginig yung mga kamay niya. Mas lalong nasaktan yung puso ko.

"Alam mo ba kung gaano kamahal 'tong damit ko? Ang mahal nito tapos sisirain lang ng tatanga-tanga na 'yan?" Ani niya. Ay, nako talaga. Kunti nalang. Sige pa.

"It might be expensive, but you have no right to step on someone's dignity." Taas noo kong sagot sa kanya. Pinigilan ko naman yung sarili ko. Pero kalmado parin ako.

She rolled her eyes on me.

Gigil mo talaga ako ha.

Kinuha ko yung ATM ko at lumapit sa kanya. Saktong dumating si kuyang guard.

"Take this. Use this to buy a new dress for you. Bumili ka at mag tigil ka na. Hangga't maaari gusto ko na pigilan yung sarili ko na patulan ka dahil mas nakakatanda ka sakin." I said while emphasizing the word "Nakakatanda".

"Baka nga hindi mo pa maubos yung laman ng card ko eh. Ibigay mo nalang kay kuyang guard pag tapos mo na gamitin. Sa kanya ko nalang kukunin." I've said and rolled my eyes on her.

Hinila ko yung babae palapit sa chapel para makaalis na kami dun. Nag iinit yung dugo ko. Kung may kaya ka sa buhay, it doesn't gave you little right para manapak sa dignidad ng isang tao.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa babae nung makasilong na kami dahil sobrang init.

"Okay lang po, ate. Maraming salamat po pala sa pag tatanggol niyo sakin. Napilitan pa po kayong ibigay yung ATM card niyo." Nahihiya niyang sabi.

Ngumiti ako sa kanya. "Ano kaba! Wala 'yon. Kung yun lang naman ang makakapag patahimik sa bibig niya, then so be it." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Oh, basta. Sa susunod, matuto ka nang tumayo para sa sarili mo ha? Huwag kang mag alala, walang mawawala sayo kapag ipinag tanggol mo ang sarili mo. Sa mundo natin ngayon, kakailanganin mo 'yun." Paalala ko sa kanya.

Ngumiti siya at yumakap sakin.

Nung nakaalis na siya, pumasok muna ako sa chapel para umupo. Napagod ako beh.

Nang hihinayang ako.

Pero paano nga kung maubos niya?

Syet! One month akong walang budget!

Sobrang tapang ko kasi, hays.

Wala na tayong magagawa.

Pumikit muna ako para mag dasal. Ngunit pag dilat ko ay may nakita akong isang taong hangga't maaari, ay ayoko munang makita.

"C-can we talk?"

Ten Thousand Hours Where stories live. Discover now