Chapter 27

349 15 3
                                    


I texted Dave sa location ko. He replied na he is on his way na daw. Pinalalahanan ko na siya noon na huwag mabilis mag drive, dahil ang taas ng accident rate ngayon. Lagi kasi 'yang mabilis mag drive. Sabi ko sa kanya, once na naaksidente ka. Break na tayo. He said that he will drive ng super bagal nalang daw. Takot siya ih.

Habang wala pa siya, nanood muna ako ng mga videos kung saan puwede itago yung mga camera sa kotse. Para pag sakay ko mamaya, diretso na ako agad sa plan ko. Wala nang hanapan portion. Baka maging fail pa 'tong prank na 'to.

Ako kasi ay naiinis na. Like, out of nowhere bigla niya akong gaganunin. So, now. I am going to teach him a lesson. And I am pretty sure na pag katapos nito? Matatakot na yun na i-prank ako or bawian ako.

Minutes had passed and dumating na siya. Bumaba siya ng kotse and I hug him. Namiss ko 'tong mokong na 'to eh. And gusto ko lang na reach namin yung hug per day. He hugged me tightly. Sobra nang higpit at hindi ko na alam kung paano pa ako makakaalis.

Pinag buksan niya ako ng pinto. Nung nakasakay na kami, nag isip ako agad ng paraan kung paano siya mapapababa. Sakto at may nakita akong 7/11!

"Ah, Dave. Pwede mo ba ako ibili ng hotdog and bread dun sa 7/11?" Tanong ko sa kanya. Nakaramdam kasi ako ng gutom. Its passed 12 na rin eh, at hindi pa ako nag lu-lunch. "Huh? Bakit?" Tanong niya sakin. Syet, nag tanong pa. Mapapagalitan na naman ako nito. "Ah, ano. Nakalimutan ko kasing kumain." Mahina kong ani sa kanya. Pinanliitan niya ako ng mga mata niya. Singkit siya, so hindi ko na makita yung mga mata niya.

"Diba I'm always telling you to eat on time? Hindi mo iniisip yung health mo. Alam mo namang bawal sa'yo yan diba?" Sermon niya sakin. Ito na po siya. Dahan dahan akong tumango sa kanya. "Oh, alam naman pala eh. Bakit hindi mo sinusunod?" Naiinis niyang tanong sakin. "Sorry na po." I apologized to him. Ayoko ng mag dahilan or what kasi lalo lang lalala yung inis niya. Alam ko naman na ako yung may kasalanan.

"Sorry kung nainis ako. Hindi ko lang kasi maisip na pinapabayan mo yung sarili mo. You know that I can't afford to lose you." Malungkot niyang ani. Shucks, nakokonsensya ako. Hindi ko naman naisip yung mga bagay na 'yun.

"Sorry din. Sorry kasi hindi ko naisip yun." Pag hingi ko ng paumanhin sa kanya. He smiled at me. "Okay na. Just don't it again, okay? Bibili lang ako ng food mo." He said. I smiled at muttered thank you at him.

Ano bayan! Ang gusto ko lang naman i-prank siya. Nasermonan pa ako. Aist!

Pag kalabas niya ng kotse agad kong inilagay yung phone ko sa spot where he can't see it. Nag focus muna ako dahil medyo ma-drama yung emote ko ngayon. Yung nakita ko kasing prank is cheating prank. Pero ikaw lang yung gumawa ng story na nag c-cheat siya. Gets? Pero ako, di ko gets.

Nung naiiyak na ako, sakto naman na dumating na siya.

Pumasok siya at binigay yung pag kain sakin pero hindi ko tinanggap.

"H-How could you do this to me?" Ani ko pero hindi parin ako tumitingin sa kanya. "H-Ha?" Nag tataka niyang ani. Syet, natatawa ako! Pero pokus dapat.

"Everytime! Wala akong ibang ginawa kundi mahalin ka!" Naiiyak kong ani sa kanya. He looked at me wearing that confused emotion of him. "A-ano ba yung mga sinasabi mo Hanna? Hindi ko naiintindihan." Naguguluhan niyang ani. Kahit ako din, naguguluhan.

"Kahit nung mga panahon na hindi mo pa sakin sinasabi na mahal mo ako, minamahal na kita! I cherish every moment with you. P-paano mo nagawa sakin 'to?" Ani ko sa kanya habang patuloy parin ang pag iyak. Dapat consistent ako sa pag iyak para makatotohanan talaga. Hinawakan niya ang mga balikat ko at iniharap sa kanya. "Ano ba yung mga sinasabi mo? Hindi ko maintindihan! Did I do something wrong? Nasaktan ba kita? Ano? Tell me!" He frustratingly said to me.

"Nung mga panahon na kahit wala naman tayong ginagawa kundi umupo at mag usap, napaka halaga sakin non!" Ani ko. "Those little things matter." Dagdag ko. Hinilamos niya ang kanyang mukha at humarap ulit sakin.

"Argh! Ano ba 'to? Why can't you tell me kung anong mali? Hindi ko alam kung paano mo nasasabi 'yan, so please explain to me!" Ani niya at malapit nang umiyak. Hala, sige prank pa ha.

"Pero ikaw? Ano ba yung mahala sayo? Huh? Answer me!" Medyo mataas yung tono ng pag kakasabi ko sa kanya. Para may feels. Pag ito hindi mataas yung views, ghad! Binuhos ko na dito acting skills ko.

"I-ikaw! Mahalaga ka sakin! Pero ano ba kasi yung mali? Parang awa mo na ipaliwanag mo naman sakin." Aniya. Sorry, pero hindi ko rin ma-explain eh.

"Sa tuwing nabibigyan ako ng chance na maamoy at mayakap ka, hindi ako nag dadalawang isip na kuhanin yung chance na 'yun. Dahil diba? Baka yun na yung maging huli." Ani ko sa kanya. He start to cry. His hands were covering his face.

"Everytime you hug me? I feel like no one can hurt me." Malungkot kong ani sa kanya. "Ako din naman." He said to me. "Ngunit ang hindi ko alam, unti-unti na pala akong sinasaktan ng mga yakap na 'yun." I said and looked at my side's mirror.

Nanahimik ako.

Nagulat nalang ako nang bigla niya akong yakapin. "Please, tell me what's wrong. Kausapin mo pa ako until I figured out kung ano yung mali. I honestly don't know what went wrong pero aayusin ko. Aayusin ko yung mga pag kakamali ko. Just please talk to me and tell me kung ano ba talaga yung mali." He said between his hugs. Shux, parang nag sisisi na ako ah.

Humarap ako sa kanya. "Gusto mo talaga malaman?" Tanong ko. He nodded at me. Pulang pula na yung mga mata niya.

Dahan dahan kong kinuha yung camera at iniharap saming dalawa.

"IT'S A PRANK! HAHAHA!" Ani ko at tumawa ng malakas. "I gotcha! Ano prank pa boi?" Dagdag ko. Hinawi at inirapan niya ako. Hala! Attitude ka?

"Huy! Bawal pikon ah. Ikaw nag simula nito." Pag aasar ko sa kanya. Nakatingin lang kasi siya sa ibang side. Ayaw niyang humarap sa camera. "Alam mo na yung feeling nang pina-prank?" Tanong ko.

"Ilayo mo sakin 'yan. Naiinis ako." Aniya habang hindi parin tumitingin sakin.

He looked at me, "Pwede namang mang prank, pero hindi yung ganyan. Kainis ka." Aniya. Tumawa nalang ulit ako. "Ano? Pwede bang mamili ng ipang-pa-prank? Ako nga hindi namimili eh." Ani ko sa kanya. Inirapan niya lang ulit ako.

"Tawang-tawa ah. Happy?" Asar niyang tanong sakin. Tumango lang sa kanya. HA HA HA

"So, ayun po ano. Finally naka bawi narin tayo sa kanya. Lagi siyang tuwang-tuwa eh. Ako naman ngayon." Ani ko sa camera. "Mag ba-bye kana sa kanila." Ani ko sa kanya. "Bye." Aniya at kinuha yung phone ko at pinatay. HAHA! Pikon nemen.

Niyakap niya ulit ako. "Pero buti nalang prank lang. Akala ko talaga totoo." Malungkot niyang ani.

Niyakap ko rin siya ng mahigpit. "Ano kaba. Hindi 'yon mangyayari. Ikaw pa ba, eh sobra kitang mahal."

Ten Thousand Hours Where stories live. Discover now