Nauna akong pumasok sa dorm ko kesa sa kanya. Inayos niya pa ata yung kotse niya. Hay, buti nalang talaga nag linis muna ako bago ako umalis kanina. Yun pala meron akong unexpected visitor. And akalain mo nga naman, Sean Dave Ildefonso pa! Naks!
Pumasok ako sa kwarto ko at nag bihis. Hinubad ko na rin yung prosthesis ko dahil nararamdaman ko na rin ang sakit ng singit ko dahil natumba ako kanina. Kinuha ko yung crutches ko at nag lakad na patungo sa kusina.
Pag labas ko ay nakita ko si Dave na kakapasok palang ng pintuan. Saglit kaming nag katinginan pero inalis ko rin agad ang mga titig ko. Naiilang ako, pero at some point, nasasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba ito yung unang beses na nakita niya yung tunay na ako, yung tunay kong kondisyon?
"Kumain kana ba?" I asked him. Umiling siya. "Bakit hindi ka pa kumain? Mukhang kanina ka pa dun sa resto ah?" Tanong ko sa kanya. Well, oo nga naman.
"I waited for you." He answered. Napa AH nalang ako. Oo nga din naman. Sino ba naman yung mag aaya tapos mauunang kumain diba? Tangeks lang?
"Umupo ka muna diyan. I'll cook para makakain tayong dalawa bago ka uminom ng gamot." I said. His reaction seems surpise. "Oh. No, na. I'm going to leave na rin in a while. I just want to make sure you'll go home safe kaya hinatid kita." Pag papaliwanag niya.
Tiningnan ko siya ng masama. "Talaga ba? Are you even thinking? In that state of condition? May lagnat ka tapos mag di-drive ka? What if biglang tumaas lalo yung lagnat mo? What if maantok ka and then hindi mo mapigilan? What if-" Naputol yung pag sasalita ko when my phone rings. "Diyan ka lang." Ani ko sabay turo sa kanya.
Pumunta akong kwarto para kunin yung phone ko. It was Pia calling me. Pumunta akong kusina para doon makipag usap at marinig ni Dave yung pinag uusapan namin.
"Hello, Ate? Did you and kuya meet na ba? I was so worried! Kuya is not updating me kanina pa. Kinakabahan ako baka mamaya kung ano na yung mangyari sa kanya."
Kumunot naman yung noo ko.
"Huh? Bakit? Ano bang nangyari?"
"Ito na nga. Si kuya, nung thursday pa yan may lagnat. Pilit niyang kino-convince sila nanay at tatay na magaling na siya kasi nanay forbid him to go na nga dahil may sakit siya."
"Ah. Ganun ba. Don't worry. He met with me na. I'll take care of him."
"Sige ate. Salamat."
"No need. Ako naman ang may kasalanan nito."
And I ended the call.
Unti-unti kong hinarap ang mukha ko kay Dave na kasalukay nakatago ang mukha sa kanyang mga kamay.
Pumalakpak ako.
"Ang galing. Ang galing, galing mo. You are even thinking right. Woah. You've made me proud." Sarcastic kong sabi sa kanya. Ang galing eh no?
"Stop it." He said. Nagulat ako sa tono niya. Galit siya! Omo.
Napatigil ako kakapalakpak when he stand up and face me.
"Tell me nga. May ginawa ba akong mali? Mali ba yung ginawa ko na pumunta sa sinabi kong lugar na dapat ay mag kikita tayo? Kasi nakita na kita eh. Nakita ko na yung taong kayang maka sagot ng mga tanong na noon pa eh, bumubulabog sakin. Kasi ang gusto ko lang naman malaman yung dahilan. Dahilan kung bakit mo ako biglang iniwan."
"Ang daming tanong sa isip ko at patuloy lang na umiikot at ayaw ng tumigil. Ang dami ko nang naisip at nagawa na mali dahil don! Nang dahil lang don! Paano mo ako nagawang iwan nalang ng ganun? Hindi mo ba alam yung naging epekto non sakin?"
"I can't trust myself! I questioned myself in the part where I was thinking that could I even make people stay? Kung bibigay ko pa ba lahat lahat, will they stay? Do they won't left me just like that? I feel like a trash! Trash that you can even left somewhere kapag nag sawa kana!"
He said to me. Bakit naman ganun? All I wanted, is him to be well. But, bakit? Bakit ang sakit?
"Gusto mo talagang malaman?"
"OO!"
"Pag katapos ba nito? Magiging okay kana?"
"OO!"
"Pag katapos ba nito? You'll stop hurting yourself at kakalimutan mo na ako?"
"OO!"
Mapait akong ngumiti. Okay, hindi ko kayang nakikita kang nasasaktan kaya, sige. Bibigay ko yung gusto mo.
"No, no! Hindi ganun." Pag dadahilan niya sakin.
I signed my hand to him to say stop.
"The day, na nalaman ko na may sakit ko. Agad na pumasok sa isip ko na dapat lumayo ako at iwasan ka. I-I also didn't know kung bakit."
"Yung araw na inaya kita to do the things na mag papasaya sa atin, naisip ko na sulitin yung araw na yun. Dahil alam ko na yun na yung magiging huli. Wala nang bukas na makikita pang mag kasama tayo."
"Takot na takot ako matapos yung araw na yun. Natatakot ako sa katotohanan na maaaring yun na ang una't hiling beses kitang makikita. Who knows diba? I am going to undergo a chemo. You know it's very deadly. Anytime na simulan ko yun, isang paa ko nasa hukay na."
Nag simula nang mag bagsakan yung mga luha ko.
"You don't know how much I am longing for you. Natatawa na nga lang ako kapag iniimagine ko na, baka sa panaginip nalang kita makita eh. Kasi baka hindi narin ako bumukas yung mga mata ko."
"Kung ikaw, nagagalit ka dahil iniwan kita... ako? Takot na takot ako at galit na galit ako sa sarili ko. Takot na takot ako na anything can happen to me without saying to you how much I love you."
"At galit na galit ako sa sarili ko kasi, kung dumating man yung point na yun. Hindi ko manlang naiparamdam sayo yung lubos na pag mamahal na alam kong deserve mo. Kundi puro galit at sakit lang ang iniwan ko sayo."
"Sana sinabi mo sakin!" Pasigaw niyang sabi.
"Sana ipinaintindi mo sakin bawat detalye! Sana hinayaan mo ako na samahan ka sa laban mo! Sana hinayaan mo ako na mag stay sa tabi mo at sabay natin maramdaman yung mga sakit na naramdaman mo. Sana hinayaan mo man lang akong maipakita kung gaano kita kamahal... kasi kakayanin ko naman eh. Lahat naman ng sasabihin mo susundin ko."
"Alam mo 'yan." Sabi niya.
"At ano? Masasacrifice yung future mo? Hindi mo iintindihin yung mga bagay na may kailangan ng atensyon mo higit sakin? Babaliwalain mo yung mga importanteng bagay nang dahil lang sakin? Alam natin pareho 'yun. Alam natin pareho." Ani ko sa kanya.
"Anong pakialam ko diyan sa future na 'yan kung hindi naman kita kasama? Ano pa ang magiging sense niyan? I've always telling you that I can't see my future without you." Ani niya habang unti-unting lumapit sakin.
"Sorry. Sorry kasi naging duwag ako. Sorry dahil hindi naging enough yung courage at knowledge ko sa'yo. Sorry sa mga nagawa kong mali. Sorry that I have made you doubt yourself. I'm sorry if you did suffer because of me." Pag hingi ko ng tawad.
"But, it's all over now. All the time naman, our decisions have good and bad sides. We may feel good, but we have to face the bad sides also. It's all over now. Tapos na." Pag papaliwanag ko sa kanya habang pinupunasan yung luha ko.
"Hindi ka nag kulang. Never kang nag kulang. Okay na okay ka towards a person. Wala kang ginawang mali. And definitely, you can make people stay." Mahinahon kong sabi sa kanya.
"Then, bakit hindi ka nag stay?" Tanong niya habang patuloy paring umiiyak.
"Uhm. Siguro mas inisip ko lang yung future mo. Siguro naisip ko lang na maging selfless but selfish at the same time. Ang mali ko lang siguro is, I thought about it without thinking about the present. Sorry." Pag hingi ko ng tawad sa kanya.
"Sana kasi, hinayaan mo lang ako na mahalin ka. Kasi kahit sa hirap at ginhawa, wala akong gagawin kundi mahalin ka." Ani niya.
Ngumiti ako ng mapait. Ang sakit. Ang sakit isipin na humantong kami sa situation na we were both in pain.
YOU ARE READING
Ten Thousand Hours
FanfictionHanna, a normal girl who had a cancer. Cancer made her whole life messed up. But before that happened, she and Dave had something special. Speacial thing that she couldn't imagine she'll lose. But now, they've unexpectedly met and suddenly, Dave w...