Chapter 33

285 8 0
                                    


I was crying the whole time Dave and I are in the car. Patuloy lang siya sa pag papaandar ng kotse. Unti he stopped and nag check in kami sa isang beach. There are vans following us pero di ko na yun inalala. Sumunod sila kung hangga't gusto nila. Ang gusto ko lang ngayon ay mag karoon muna ng tahimik na isipan.

We were sitting here in the beach. Witnessing the sunset and hearing those waves sounds. And it make me calms. It keeps me relax. My head is on Dave's shoulder.

I'm tired, inside and out.

"Thank you, Dave." Pag papasalamat ko. Tumingin siya sakin. "Salamat kasi, kasama kita sa mga ganitong tagpo ng buhay ko. Para kasing di ko kakayanin mag isa." Ani ko at umiyak na naman. Kanina pa namumugto yung mga mata ko. Pagod na akong umiyak, pero parang ang daming luha parin ang gustong lumabas.

"Shhh. Don't mention it. Sino pa ba ang dapat na nasa tabi mo? Ako lang dapat, diba? Hindi rin kita kayang iwan sa mga ganitong panahon. Alam ko na kailangan mo ng isang tao para sa tabi mo." He said and tapped my head. Siguro nga ganun talaga, kahit na anong iwas natin sa mga tao. Darating sa punto na kailangan din natin ng kahit isa man lang sa tabi natin.

"And sorry... kasi nakita mo ako sa ganoong posisyon kanina." Ani ko. Hinigpitan niya lang ang pag kakahawak sa mga kamay ko. Tumingin ako sa araw bago mag salita. "Wasak, pagod, hirap. I'm messed up, Dave." I said. "Akala ko kasi tapos na eh. Akala ko tapos na yung mga pag dadaanan kong sakit. I mean, I've experienced a lot. I thought tinatamasa ko na yung saya na kapalit sa mga sakit at hirap na yun. Hindi pa pala tapos." Natatawa kong ani. Wala eh. Naging kampante ako. Nahuli na naman ako ng maling akala.

"Alam mo kasi sa buhay, walang sigurado. Lahat pwedeng mag bago. Lahat pwedeng masaktan ulit. Maaaring maramdaman mo ulit yung pait ng nakaraan. Kasi nga, walang sigurado. Lahat pu-pwedeng mangyari. Kailangan lang talaga natin siguro maging malakas. Para kahit papaano, magawa nating sanggain yung mga bagay na yun." Pag papaliwanag niya. He always tried to make me see the bright side of everything. In us, siya yung laging positive and I can say na ako yung negative.

Sorry, pagod na kasi akong masaktan eh. I got tired.

"H-how?" I asked him. He look at me and smiled. "It's a process mahal ko. I am here to be with you. And I would be glad na unang makakita nun kapag na achieve mo na yun bebe ko. Hindi kita iiwan. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita." He said and kiss me. Ang sarap sa pakiramdam na mayroon kang isang tao na handang tulungan at alagaan ka. And I am lucky that I have Dave.

We spend the rest of the remaining hours by just watching the sunset. Nakakapagod ang araw na 'to. Pero sobrang saya ko kasi mayroong isang tao na hindi napagod hawakan yung mga kamay ko.

Tumayo na kami para lumapit dun sa babaeng kanina pa nag hihintay kasama yung mga body guards. Nakakaloka rin sila. I mean, medyo matagal kami dito and they still managed to wait us.

"U-Uhm, Hi?" I said. They bowed down on me, again. Omo. Ano ba 'to? "No, don't do it again-," I said waiting to her to say her name. "Andrea, Miss." She said. "Yun. Huwag na kayong yumuko Andrea." Pag papaalala ko. "Tara. Sabay na kayo samin umuwi." Ani ko. Nag salita siya bigla. "Actually, Miss. Your dad told me to reserve the whole resort for you. So you can spend the rest of the night here." Agad nanlaki ang mga mata ko. Ano? Reserve yung buong resort? Mayghad.

"H-huh? Did I hear you right? Hindi mo naman sinabi na pina reserve to ng daddy ko, diba?" Nag tataka kong tanong. Baka kasi may tutuli lang ako or something. "I just did, Miss." She said. Omo. Nag katinginan kami ni Dave. We both mouthed, "Totoo nga."

"Uhm, by the way Miss. Your dad also told me that you and your boyfriend should sleep in a different rooms. That's one of the most restricted order he told me that I should implement. He'll be here tomorrow to talk to him." She said. Ohmy.

Bakit parang natakot ako?

I hold Dave's hand tightly. Tumingin siya sakin. He muttered, "It's okay."

Ten Thousand Hours Where stories live. Discover now