Chapter 26

359 11 0
                                    


That night, wala kaming ginawa kundi mag catch up. Nahiya ako dun sa sinabi ni Dave. I couldn't say anything! Dahil feeling ko kung ano man ang sabihin ko ay gagamitin niya ito laban sa akin.

Kumain kami nung dalang pag kain ni tita. Nakaka miss sila, kasi I found a home in them. They've welcomed me open arms and without hesitation. They treated me like their kid and guided as well.

Tita and I had a moment to talk things out. Sa simula kung paano nangyari ang lahat. I explained to her kung bakit ko nagawa yun kay Dave. Kung bakit ko siya nagawang iwan at saktan. I was crying but Tita is always saying that she understand me. That at one point at her life, she also thought like that. Before, nung mga nasa early age pa sila ni Tito.

Sabi niya, ang tapang at ang lakas ko daw. Nag karoon daw kasi ako ng lakas ng loob para i-take yung risk. Na kahit alam ko na maraming maaapektuhan, inisip ko parin daw yung sa tingin ko ay tama ng mga oras na 'yun. At tapang, kasi hinarap ko yung mga naging resulta nung desisyon na pinili ko. Nagawa ko raw panindigan yung choice ko. And for that, mas lalo niya daw akong minahal.

Hindi dahil naging okay status ni Dave. Kundi dahil deserve ko yung pag mamahal na ibinibigay ng mga taong nasa paligid ko.

Tita was crying the whole time habang kine-kwento ko yung mga pinag daanan ko. On how I beaten the cancer. Yung mga journey ko along the way. Mga pain na pinaranas sakin at yung mga sayang hindi ko akalaing mararamdaman ko.

After nun umuwi narin sila dahil may aasikasuhin pa sila. They gave us couple of advices tungkol sa relationship namin ni Dave. Yung mga do's and don't. Mga simpleng paalala din.

Dalawang buwan na simula nung maging kami ni Dave. And I can say na mas naging masaya yung buhay ko. Oo, masaya naman ako noon pero parang may kulang. Pero nung dumating ulit si Dave, unti-unti niyang napunan yung mga kulang na 'yun nang hindi niya alam. Dave brings so much happiness and inspiration. And I'm using it to strive harder both in life and school.

Dalawang buwan naring puno ang mga araw at gabi ko. Dates, bonding, breakfast, lunch, dinner at mga biglaang lakad. Lagi kaming nag da-date pero hindi sa mga mahahalin. He want to pero ayoko. Bakit pa gagastos kung pwede naman sa turo-turo nalang diba? Lagi siyang pumupunta sa UP or we meet halfway. Hangga't maaari ayaw niya akong i-meet halfway kasi he don't want me commuting. Sabi ko na kaya ko naman, but he still won't agree with it. Minsan nakukumpleto namin yung breakfast, lunch and dinner. Ang kulit kasi! Sabi ko naman na pag may free time lang, eh ginawang mandatory visiting ni koyah mo. And minsan naman pupunta lang 'yan para mang hingi ng yakap. Napapagod na daw kasi siya, kailangan na daw niyang mag charge.

May mga araw din na sobrang busy niya. Pupunta lang yan para mag paamoy sakin. Para naman daw hindi ko siya ma-miss. Tinatawanan ko lang siya pero I cherish every moment with him. Sa pag amoy lang sa kanya. Na re-recharge din ako.

Dalawang buwan narin pero hindi ko pa nasasabi kay mama. Natatakot kasi ako! Pero Dave and I were planning na umuwi sa amin together para mag paalam ng maayos.

Dalawang buwan narin at gumulo rin ang buhay ko. Dave is addicted in playing online games before. But now? Iba na po. He is always pranking me! Wala siyang ginawa kundi i-prank ako! Lalo na kapag may mapag tataguan siya nang camera niya. He even created a youtube channel for that and dun niya ina-upload lahat. I've asked him kung bakit pa kailangan i-upload, he said that its for memories. He want to show that videos how happy we are in the future. Kapag may mga anak na daw kami and we're old.

So ngayon, naisip ko na bumawi naman sa kanya. Lagi nalang ako ang pina-prank niya! Ako naman ngayon. I'm sure wala siyang idea na babawian ko na siya dahil hindi ko pa naman siya pina-prank.

Humanda ka sakin, Sean.

Happy Birthday, Dave! ❤

Ten Thousand Hours Where stories live. Discover now