Chapter 11

530 14 0
                                    

"What happened!? Bakit may sugat ka? Tumutulo pa yung dugo oh! Bakit basang-basa ka? Bakit hingal na hingal ka? Diba bawal sayo yung mga ganon! For god's sake bakit mo naman ginawa!?" Sunod sunod na sermon niya sakin. Napapaisip na tuloy ako if dapat ba talaga akong pumunta dito. In his tone? He doesn't seem na gusto niya akong makita ngayon.

He grabbed me and hug me so tight. Very very tight. I suddenly cry. Namiss ko 'tong yakap na 'to. Yung mga yakap na nag paparamdam sakin na everything will be alright at it's own time. Yung yakap na matagal ko nang hinihiling na maramdaman muli. Yung yakap na lagi kong hinahanap hanap.

"Please. Take care of your self and health. I don't want to lose you. Be more mindful of those things na gagawin mo. Lagi mo munang isipin sarili mo. Think about yourself first before others. Pls, don't make me lose you again." He said while crying. I can feel his heart beating so fast. Parang ayoko na bumitaw. Parang ayoko nang bumitaw sa yakap na 'to.

Unti-unti siyang humiwalay sa pag kakayakap at dahan-dahan akong binitawan. Humarap siya sakin at inayos ang sarili. Pulang pula na yung mukha niya. In that type of face, halo-halong emotion na yung nararamdaman niya.

"Let's proceed inside. Gamutin muna natin yung mga sugat mo." He firmly said. I just nodded at dahan dahan na nag lakad. Bakit ganon? Parang ngayon ko na nararamdaman yung mga kirot ng bawat sugat ko.

Pag kapasok namin ay inupo niya muna ako. Pumunta siyang counter to ask for first aid kit. Looking at the place, it so relaxing. Pero hindi maka relax yung isip ko sa nangyari samin a while ago. Parang ngayon lang ako nahimasmasan. Ngayon palang nag sink in sakin yung mga pinag gagagawa ko.

Bigla tuloy akong nahiya at iniwas yung tingin sa kanya. Did I actually cry while hugging him? Shocks. That was so embarassing. Can I leave na ba? Now na? Hindi ko alam kung paano siya haharapin matapos ko yun gawin. Homaygad.

Patayo na sana ako when he speak. "Where are you going?" He asked. Alam ko sa tono niya ay galit na 'to ng konti. Mga 10%. Lumakad siya papunta sakin habang dala-dala yung first aid kit. Umupo siya sa harap ko at inilahad yung kamay niya. Huh?

"Akin na." He said. Napatingin naman ako sa kanya. Huh? Sinasabi nito?

"Huh? Wala ka namang gamit sakin ah." Pag dadahilan ko. Tinaasan niya ako ng kilay. Ay! Taray ka ghorl?

"Akin na yung siko mo. Anong gusto mo? Umuwi tayo ng tumutulo yung dugo diyan? Gusto mo?" Pag tataray niya sakin. Ah. Yun naman pala eh. Hindi mo naman kasi sakin sinabi agad. Ayan, na misunderstood ko tuloy.

Kaya yung iba diyan, sabihin niyo na agad or linawin. Don't let a person misunderstood the thing or situation. Makakasakit yun sa isang tao.

Yumuko ako at napangiti. Ganyang-ganyan siya noon. He is so authoritative. Babarahin niya talaga ako until I can't say anything at tatahimik nalang and let him do his thing. Ayaw niya kasi ng ganun, hindi daw siya maka focus. Taray noh?

"Why are you smiling?" He asked. I got back at my senses. I just waved my head to say nothing. Parang talagang I can't face him.

Tinuloy niya lang yung pag linis at gamot sa mga sugat ko. Mula siko hanggang tuhod. Infairness ha. Ang sakit pala ng mga ganito. Parang mas masakit pa nung inoperahan ako. Hindi lang ako umiimik dahil baka barahin na naman niya ako at wala na naman akong masabi, so shut up nalang.

"I'm done. Let's go home." He said without showing any emotions. Tumayo na siya at ibinalik na yung first aid kit. While as me, I did the same at inayos na rin yung mga gamit ko.

Palabas na kami when he gestured na aalalayan niya ako. I smile to him and said, "Kaya ko."

Na bo-bother kasi ako kapag may umaalalay sakin. Para kasing imbis na yung step or action ko nalang yung iintindihin ko, I tend to watch them. Parang naiilang ako. Kasi sinanay ko yung sarili ko na ako lang. Na kakayanin ko mag isa. Kaya when someone offers to help, I don't know kung paano tanggapin.

Nung nakarating na kami sa sasakyan niya, he opened the door for me at inantay akong makasakay para isarado yung pinto. Ang ganda ng kotse niya at ang bango rin. Ang linis at maayos yung pag kakalagay bawat gamit. Halata mo na iniingatan niya talaga.

Ay, teka.

Di rin tayo sure.

Di naman siya maayos sa gamit nung SHS kami eh.

Pumasok na rin siya sa kabilang side at nag simula nang paandarin yung sasakyan. Infairness, ha. Ang smooth niya mag drive. He can make me sleep. Well, di parin tayo sure. Pagod kasi ako. No one dared to speak. For me, parang I exerted so much energy kanina at humantong pa sa nag kanda sugat-sugat.

Pag karating namin sa tapat ng dorm ko. Kinuha ko na yung mga gamit ko.

"Thank you and sorry sa abala." I said at binuksan yung pintuan pero bigla niya akong hinawakan.

"Please. Let's talk." Ani niya. Pero naramdaman ko na ang init ng kamay niya. Not normal people body temperature.

Hindi ako nag dalawang isip na hawakan ang noo niya. Syet! Bakit sobrang init nito? May lagnat ba 'to?

"May fever kaba?" I asked him.

"A-Ah ano kasi." He said habang kumakamot sa ulo.

"Pasok sa loob." Ani ko. Tiningnan niya muna ako bago siya nag salita.

"H-Huh?" Nag tataka niyang tanong.

"Pasok sa loob ng dorm ko." I said at bumaba na ng kotse.

Ten Thousand Hours Where stories live. Discover now