Chapter 40

268 11 3
                                    

"Let's talk." Ani ko habang dahan dahang nag lakad papunta sa kwarto ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat sabihin. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat gawin. Pero susugal ako. Susubukan ko.

Nang makaupo na kami parehas ay tinignan ko siya. He looks very confused. Sobrang gwapo naman ng nilalang na 'to. Baka mamiss ko ito.

"Pwede bang payakap?" Tanong ko. "O-oo naman." Ani niya. Ramdam kong kinakabahan siya ngunit maging ako man. Niyakap ko siya ng mahigpit, sobrang higpit. Habang ako'y nasa bisig niya ay hindi ko mapagilang mapaiyak. Ayoko. Ayokong bitawan 'to.

Hindi ko kayang mawala sakin 'to.

Hindi ko pa kayang mawala.

"A-ano bang nangyayari? Sabihin mo naman oh. Kanina pa ako kinakabahan eh." Ani niya. Hindi ko kayang sabihin, pero kailangan eh. He also needs to know the truth. Gusto ko rin namang maging patas sa kanya.

"Pero kasi... ayokong masaktan ka." Ani ko at kumalas sa yakap. Ayokong masaktan siya. Ayokong masira yung mga bagay na meron siya ngayon.

Ayokong sirain siya.

"Sige na naman oh. Kahit masakit, kahit na masaktan ako. Sabihin mo." Aniya. Sa tono ng boses niya'y para siyang nag mamakaawa. Pasensya na. Pasensya na talaga.

"I-I had a t-tumor in my lungs." Nauutal kong wika. Kahit na hirap na hirap akong sabihin sa kanya ang totoo, pinili ko parin. Dahil umaasa ako na maiintindihan niya ako.

"H-Huh? P-papaanong nangyari yun? Okay naman ang lahat diba?" Wika niya. Nag babadya na ang mga luha sa kanyang mga mata. Bawat patak ng luha niya ay ang unti-unti namang pag saksak sa mga pangako ko.

Dahil hindi ko nagawa eh. Hindi ko napanindigan.

"Akala ko rin. I-I thought everything was fine. Until maramdaman ko na naman yung mga sintomas na naramdaman ko noon before I diagnosed t-that I'm sick." Ani ko. I started crying infront of him. Kailan ba ako makakakuha ng lakas ng loob para hindi na umiyak sa harap niya?

Nag simula narin siyang lumuha. I'm in pain whenever I see him cry because of me. Pakiramdam ko kasi ay wala na akong ibang ginawa kundi saktan siya. Yung imbis na puro pag mamahal? Napapalitan ng pait at sakit.

"A-anung sabi ng doctor?" Tanong niya. Pinipilit kong pigilin ang mga luha ko upang mas makapag usap kami ng maayos. "He said that if I took the risk getting the tumor out of body, I'll only have 50/50 chance to live." Ani ko. Kita sa mukha niya ang pag ka dismaya. He started crying infront of me.

Niyayakap ko lang siya at hinahagod ang likod upang mas maramdaman niya ang presensya ko.

Ano ba ang gamot para sa pusong nasasaktan?

"My dad said that he'll bring me to states para doon gawin ang surgery. Sabi niya na mas magagaling ang doctor doon at mas advance ang mga kagamitan. Ngunit... hindi parin natin masasabi." Wika ko.

I thought I was able to love him more than I imagined. Matagal kong hinintay 'tong panahon na 'to. Matagal akong nag hintay para lang mahalin siya.

Sandaling panahon palang kami nag kakasama, tapos ganito na naman. Hindi pa namin nagagawa yung mga pangarap namin. Ang daming bagay pa ang gusto naming gawin nang mag kasama.

Pero paano naman namin 'yun magagawa kung ganito?

"Sasamahan kita. I'll go with you." Desidido niyang ani. Kumunot ang noo ko at tinignan siya. Heto na naman tayo.

"Dave, hindi pwede. Maraming bagay ang masasagasaan kapag ginawa mo yun. Futu-" hindi niya ako pinatapos ng mag salita siya ulit.

"Hindi nga pwede! Sasama ako sa ayaw at sa gusto mo. Hindi ako mag papaiwan dito." Matigas niyang ani. Napahawak naman ako sa ulo ko.

Akala ko ba maiintindihan niya ako?

"Mahal kita! At hindi ko kayang isipin na nag aagaw buhay ka habang ako ay wala sa tabi mo. Hindi ko na nga nagawa noon eh, at sobrang laking pag sisisi ko yun. Tapos ito? Hindi ko nanaman magagawa ngayon?" Aniya. Pumikit na lamang ako. I can't fight with him.

"Ginagawa mo naman akong walang kwenta niyan eh." Aniya.

Napatingin ako sa kanya. A-ano? Wala akong ibang inisip kundi ang kapakanan niya. Tapos ito? Ganito?

"Dave... you're getting wrong. Hindi ganun-"

"Eh, ano! Mahal na mahal kita. Hindi, sobrang kitang mahal... why don't you just give me the chance?" Aniya. Lumingon ako sa ibang direction dahil parang hindi ko siya kayang tignan ngayon.

Huminga ako ng malalim.

"Dave... don't get too blinded by love." Ani ko. Hindi ko alam kung bakit lumabas sa bibig ko ang mga katagang 'yon.

"A-ano?" Hindi niya makapaniwalang tanong.

"There are some things that you need to consider more than love. And those things? They were like, now or never." I said. Hindi ko alam, ngunit pakiramdam ko'y tinataboy ko na naman siya.

"H-how could you say that?" Aniya. I also didn't know how could I say this.

I'm sorry, Dave.

"Just, please. Understand me." Ani ko. Hangga't maaari pilit akong nagiging mahinahon.

"Iniintindi kita!" Sigaw niya. Ano ba naman to.

"No, you're not! Because if you really understand me? You will get my point. You'll know why I'm doing this. I hate to this. I hate do it!" I shouted at him.

Look at us now? We're both broken and messed up.

Ayokong makita siya sa ganitong posisyon. Ayokong makita namin ang mga sarili namin sa ganitong posisyon. Pero bakit tila'y lagi kaming humahantong sa ganito?

Ilang minuto na ang nakalipas ngunit wala paring nag sasalita sa aming dalawa.

Nahihirapan ako. Nahihirapan siya. Parehas kaming nahihirapan. Bakit ba kasi laging ganito?

"Makakagaan ba ng loob mo 'to?" Tanong niya. Tumango ako.

"Mapapanatag ba ang isip mo kapag ginawa ko 'to?" Tanong niya ulit.

Tumango lamang ako sa kanya.

"Sigurado kaba na matutulungan ka nito?" Umiiyak niyang wika.

Tinakpan ko ang bibig ko at tumango.

Tumango tango siya sakin.

"Then, sige. Gagawin ko yung gusto mo. Kahit mahirap, kahit na sobrang hirap, gagawin ko." Napatingin ako sa kanya.

"Pero, just give me three days. J-just three days and,"

"You're good to go." Aniya.

Ginusto ko 'to pero parang ang sakit pala kapag mula na sa kanya.

Ten Thousand Hours Where stories live. Discover now