Chapter 23

389 9 0
                                    


Ilang minuto na ang nakalipas pero nakayakap parin ako sa kanya habang umiiyak. Wala eh, nang hihina ako. Itong mga yakap na 'to? I've been longing for this.

Ever since.

I don't know pero, Dave is giving me those things na bandang huli ay katatakutan ko ring mawala. It's not that I'm blaming him, it's just that,

Somethings are not meant for me.

Parang okay, sige. Destiny will let me feel it. Then out of a sudden, babawiin niya rin. Feeling ko hindi ako deserving sa mga bagay na 'yun.

Kumalas sa yakap si Dave at hinawakan ang balikat ko. Iniharap niya ako sa kanya ng maayos.

"I don't know how to say this... pero sana sumugal ka." Ani niya. Tumingin ako sa kanya. Pilit iniintindi yug sinabi niya.

"Sana this time, sumugal ka. Take the risk." Ani niya ulit. Pilit kong pinipigilan na umiyak para mas makapag usap kami ng maayos.

"Kung 'yun yung mga bagay na nakakapag pabahala sayo, then so be it. Let's face it together." Pag kumibinsi niya sakin. "Hindi ako mag dadalawang isip na hawakan ang kamay mo at huwag ng bitawan. Kaya naman natin, at mas kakayanin natin ng mag kasama." Lakas loob niyang ani.

Sign na ba 'to?

"So, please. Take my hand, hold it tightly and don't let go." Aniya. Andami ng dahilan at sagot ang umiikot sa utak ko. Ito na naman.

Sabi ko nga kanina, laging may choices sakin. Siguro, oras naman na,

Para siya naman ang piliin ko.

Dahan dahan kong hinawakan ng mahigpit ang kanyang kamay.

Tumingin ako sa kanya ng nakangiti.

"We've had enough. So much pain and suffering for both of us. Yes, we might grow as a person, pero parehas naman tayong hindi masaya." Ani ko. "Tama ka, ipinag damot ko yung pag mamahal ko sayo. I'm always thinking about the future. Nag isip ako without minding that present represents future. Mahirap mabuhay sa mundo kapag hindi ka masaya. Parang walang saysay ang mga bagay-bagay." Dagdag ko.

Totoo naman. A life without happiness? Do it sounds like interesting? Minsan kahit walang wala kana, pero masaya ka parin, nakakahanap ng paraan. Nakakahanap parin ng mga dahilan para mag patuloy.

Hinawakan ko ng dalawang kamay ang mukha niya para maiharap sakin.

"Oras na rin siguro para sumaya naman tayong dalawa. Kailangan nating bumawi sa mga oras na nasayang nating dalawa." Ani ko at hinalikan siya.

Hinalikan ko siya sa kanyang noo.

Di pa ready first kiss ko noh!

Para akong matatawa sa reaction ng mukha niya ngayon. Sobrang pula ng tenga niya! Do I really had so much effect on him?

"Huy! Kalma. Masyado ka namang kinikilig eh. Marami pa 'yan, one at a time lang." Ani ko at kumindat sa kanya.

I will tease you more, Mr. Ildefonso.

"So, manliligaw na ako ha?" Nakangisi niyang sabi sakin. Awww, speed langs.

"But wait, for me? It doesn't seem a question." Nag tataka kong sabi sa kanya. Sobrang confident ata.

"Well, hindi talaga. I'm confident na ako lang ang para sayo." Taas noo niyang ani sakin. Wow, ha!

"How can you be so sure?" Natatawa kong ani sa kanya. Lakas ng kompyansa ni koyah mo eh.

"Bakit? Meron ba? Sige! Pakita mo na. Untog ko sila sa muscle ko." Mayabang niyang sabi sakin at pinakita pa niya yung muscle niya!

"Pero, bakit ka nga pala nandito? May appointment ka ba?" Tanong niya. Ay, syet! Oo nga pala!

"Ay, oo! May check up kasi ako." Ani ko at tumingin sa orasan. Ah, may 20 minutes pa pala.

Kumunot naman ang noo niya. "Huh? Nag papa check up ka ng walang kasama? How about tita?" Taka niyang tanong. "Busy siya and besides, kaya ko naman mag isa. Check up lang naman 'to. Nothing medical can happen." Pag papaliwanag ko sa kanya.

Tumango tango siya. "Then I am here now. Your guy is open to always accompany you! Anytime, anywhere." He said habang ginagaya pa yung tono ng patalastas.

Tumawa kaming dalawa.

Grabe, sobrang saya ko ngayon. Tila ay hindi kami nag kawalay ng matagal. Thank you Papa G for this!

Kumain muna kami saglit bago pumunta sa check up ko. He doesn't seemed bored habang nag aantay kami ng tawag mula sa desk. Medyo marami kasing pasyente kaya antayan talaga. Sa mga oras na yun, walang tigil kaming dalawa kaka-kwentuhan. And habang nasa check up kami kanina, my ghad! Tanong siya ng tanong sa mga doctor ko. Kesyo ganyan, ganito daw. Nakakaloka!

Pinakilala ko rin siya sa mga kakilala ko sa PGH. They are so happy na finally may pinakilala na daw akong manliligaw sa kanila. They are all happy, pero expect lang kay Nanay Lou. Inirapan niya pa nga si Dave eh! Tinawanan nalang namin. Ganyan si Nanay sa mga manliligaw ng mga anak niya.

After nung check up ko, hinatid niya rin ako pabalik sa UP. He said na susunduin niya daw ako ulit kasi may pupuntahan daw kami. I am so clueless kung saan dahil hindi naman ako familiar sa ibang lugar dito.

So much happiness.

Ten Thousand Hours Where stories live. Discover now