Chapter 10

546 12 1
                                    


At that day, they didn't even let me go until I explained to them kung ano yung sinasabi nung babae. Nag kwento naman ako, pero yung mga puwede lang i-share. You know, to fill their curiosity lang. Ayoko naman mag karoon ng issue. I don't want Dave to be involved to any issues na alam ko na makakasira sa career at life niya.

I'm currently here at sa isang cafe. Nag rereview at nag aayos ng mga gamit ko. Umalis ako sa dorm kasi ang ingay nila, hindi naman ako makaka review at focus kung ganoon. So, imbis na ma-badtrip ako at inisin yung buhay ko, umalis nalang ako. Tayo nalang mag adjust. Ganun naman talaga, life is like that. Mag aadjust ang mas nakakaintindi. Wag mo na istresin yung buhay mo.

Favorite ko 'tong cafe na 'to. Tambayan ko siya. Fit for those lonely people na ang meron lang ay sarili nila. Perfect pang emote at kung ano-ano pa. One time, may nakita pa ako dito na nag-propose yung lalaki sa babae. Meron din akong nakita na couple, eh dito naman nag break. Parang kumbaga, it's a roller coster emotion. Depende sa taong makakasama mo.

Meron na nga akong loyalty card! Palaba diba? Marami na din akong mga discount na nagamit at free wifi! Yun din talaga minsan habol ko, lalo na kapag kailangan ko talaga ng malakas na wifi. And it also relaxing. Isaksak mo lang yung headphones mo at pumikit ka, okay kana.

I remember tuloy yung isang lugar na pinupuntahan namin. We called as our special place. Kasi dun kami nag pupunta kapag nahihirapan kami, masaya, malungkot, galit, lahat! Saksi yung lugar na yun kung paano kami nag grow ni Dave as an individual. How we solve and overcome yung mga problema na dumating samin.

Si Dave kasi, he used to live with expectation. Given naman na he's dad is tito Danny Ildefonso. Pangalan pa lang, knows na diba. So he also used to give me some advices tungkol sa mga ganong bagay. I am a grade concious kasi. Well, it was kinda runs in our blood sa mom and dad side.

My mom side, I have 2 Tita's. My one tita, she graduated sa DLS-CSB and the other one naman graduated sa ATENEO. Diba? Kasi sabihin na hindi naman nila ako pine-pressure, nakaka pressure parin! Lalo na kapag may mga gatherings, hindi maiiwasan yung mga compare. Kaya minsan, nababadtrip din ako. Minsan naiisip ko, ako ba sila? Do I like to live the same lifestyle as they are?

Lagi akong pinapakalma ni Dave. Kapag naiiyak na ako sa inis. He will opened his arms and make my head laid on his shoulders. A crying shoulder indeed. Style niya pa na hindi yan siya mag sasalita. He will let me speak hanggang dumating na ako sa point na pagod na yung bibig ko kakasalita. Then dun sa siya mag sasalita. Dun na siya mag sasalita at sesermonan ako. Opo. Sinersermonan niya ako bago niya ako kampihan. Hanggang galing eh 'no?

Hindi ko napansin na naka-ngiti na pala ako. Wala lang. It just makes me smile kapag inaalala yung mga goodtimes that Dave and I have. Thankful pa din ako. That we are able to make those memories para alalahinin. Paano kung hindi namin nagawa yung mga bagay na 'yun? Diba? We still should be thankful sa lahat.

My phone beeps. Oh, it's pia.

1 New Message

Pia Ildefonsooo

A

te. Are you on your way na sa meet up place niyo ni kuya?

Oh, syet. Nakalimutan ko! Nawili kasi ako dito kaka dreaming! Nakalimutan ko tuloy na Dave is waiting there. Omaygod. Anong gagawin ko?

Kinuha ko at niligpit ko lahat ng mga gamit ko. Pag tingin ko sa bintana, oh syet naman! Bakit pa umuulan? Mahihirapan ako nito maka punta dun. Ang hirap naman kasi talaga na mag commute lalo na uwian pa. So, ano na ang kahihinatanan ko?

Hirap na hirap akong pumara ng sasakayan. Susmariya. Usto niyo yon? Pahirapan gaming?

Nakasakay na ako pero standing na. Laban na 'to! Kesa naman hindi ko masipot yung lalaking 'yon. I don't know what he can do kapag hindi ko yun sinipot. I think malapit na ako, di ko naman siya alam pero parang familiar lang ako sa place.

Bumaba na ako at nag lakad ng konti. Wow. Ang ganda naman dito. Parang pinupuntahan talaga ng mga couples. Halata mo naman sa paligid eh. So kung single ka, sasakit ang mata mo gaya ko.

Nag madali na ako mag lakad. Tinanong ko naman si kuyang guard kanina and tinuro naman niya sakin yung way.

Pero habang nag mamadali ako kakalakad, BOOM! Nadapa ako! Syet! Ang sakit naman! Muntikan na akong sumalubsob. Mga 5 inches nalang push na. Unti-unti akong tumayo. Syet, naman. Ang sakit ng palad at siko ko. May sugat pa. Oh diba? Muka ng nadilubyo.

Nag lakad ako ng patuloy hanggang sa nakita ko na si Dave. His hands were covering his face while sitting alone.

"Dave." Hapong-hapo kong sabi. Actually hinihingal talaga ako. Ikaw ba naman.

He looked at me. Tumayo siya agad at tumakbo papalapit sakin.

"What happened!?" He reacted.

Ay. Grabe po.

Ten Thousand Hours Where stories live. Discover now