Chapter 6

653 15 0
                                    


Hindi ako maka-isip ng maayos ngayon. Na s-stress ako thinking to the fact na alam na niya kung nasaan ako. Ayoko na malaman niya kung nasaan ako. Kaya ko nga pinutol yung ugnayan namin kasi ayoko na makita niya akong ganito. Ayoko. Hindi pa ako handa. Mentally and physically.

"Hanna! Okay ka lang ba?" Tanong ni Dwaine. I get back at the reality nung kinausap nila ako. Alam ko na lutang na ako kakaisip sa mga bagay bagay.

"Oo, okay lang ako. May iniisip lang." I answered him back. Umupo na sila at kumain ng binili nilang pag kain. Parang napapaisip ako ngayon, wag na kaya akong bumalik sa UP? Dumiretso na kaya ako dorm? Ayoko naman na bumagsak. Jusko po! This is so frustrating!

"So, what are we going to do sa project natin? We have different courses and dito lang tayo nag kikita." Jane opened the topic. Everyone looked at her.

"For me, siguro yung pwede kong i-ambag is kaya kong gawin yung buong topic or story natin. Including yung mga narration and POV ng bawat character. Kasi I think, kung ako yung isa sa mga actors, maguguluhan lang and babagal pa." I presented. Everyone is nodding.

"I think pwede. Parang mas kaya mo gawin yung buong story." Dwaine said. I smiled at them.

"Ako, pwede ako yung maging videographer. I have a DSLR and I love taking photos and videos. Sa tingin ko, pwede akong makatulong sa side na yun." Suggestion ni Andrew. Everyone, wow. Ang galing niya ha.

"That's it! Juan, Dwaine and I can be the actors nalang." Ani ni Jane. Everyone agreed to it. They have the face naman and acting-actingan lang naman yun.

"So, it's a wrapped up. Sa GC nalang tayo mag usap-usap about the time and date kasi kailangan pa natin i-confirm kung wala tayong ibang mga lakad, okis? Ani ni Dwaine.

Nag goodbye na kami sa isa't isa. Mas malapit yung building ni Dwaine sa akin so sa kanya nalang ako sumabay. I can say na dwaine is mabait naman. Halata mo lang na may pagka chickboy. Keri na as a friend.

Pagka baba ko ng sasakyan niya ay tumabi muna ako sa gilid. Breathe in, breathe out. Kailangan humugot ng lakas dahil akyatan na naman ito sa building. Feeling ko sa bawat hakbang na ginagawa ko paakyat, kalahati ng energy system ko ang na-exerted.

Hahakbang na sana ako pero I heard some girls na nag uusap.

"Huy! Alam mo ba, nandito daw si Dave Ildefonso kanina. Kaso nag mamadali, may hinahanap ata."

"Huh! Ano! Yung Dave sa NU Bulldogs? Ang gwapo kaya nun! Bakit di mo sinabi sakin!

"Daw nga eh! Hindi ko rin nakita! At kung makita ko yun, yayakapin ko agad para naman maramdaman ko yung mga muscles niya! Ang hot-hot kaya nun!

"Bwiset ka! Ako muna 'no!"

Syet. Talagang pumunta si Dave dito. May hinahanap pa. Ayoko naman mag assume pero ako yata yun. Nako! Bakit naman kasi. Hindi pa nga ako handa eh. Bakit naman biglang may mga ganito!

I shrugged myself and nag patuloy na sa pag lalakad. Marami akong grades na kailangan gawin. Alam ko na mas kailangan ko yun asikasuhin yung stress ko kay Dave. Yun nalang meron ako kaya I should treasure and work hard for it.

My day went well at malapit na ako sa dorm ko. Pagod na pagod na yung katawan ko at yung isip ko. Katawan ko sa mga bawat araw na dumadaan dahil marami akong adjustment na ginagawa and yung isip ko, iniisip ko kung paano ko matutulungan sila mama and kumusta na sila. I have been longing for her hug and comforting words.

Sa pag lalakad ko, napansin ko na may naka park na kotse. Huh? Kaninong kotse naman 'to? Gabing-gabi na ah. Usually wala ng mga kotse dito kasi hindi na ina-allowed.

Pero biglang tumigil ang mundo ko nung nakita kong bumaba yung may-ari nang kotse na yun.

Yung lalaking tanging nag patibok ng puso ko.

Yung lalaking nagpa ngiti sa akin ng totoo.

Yung lalaking tumanggap sakin ng buong-buo.

Yung lalaking nagawa akong intindihin sa lahat ng bagay.

Yung lalaking tanging minahal ko.

"H-Hanna. K-Kumusta kana? Ang tagal nating hindi nag kita!" He said. I ignored him at nag lakad na papasok. Pero pinigilan niya ako.

"Bakit hindi ka nag paalam? Bakit hindi mo manlang inexplain sakin lahat? Bakit naman bigla ka nalang umalis? Bakit bigla ka nalang hindi na nag pakita? Bakit hindi mo sakin sinabi!" He shouted at me. Wow ha. Kanila lang para kang excited makita ako, pero ngayon? Parang gusto mo na akong kainin sa galit mo?

"Ayoko na masira yung future mo dahil sakin. Ayokong ipagdamot sayo yung buhay na pwede kang magkaroon." Sabi ko habang nakatalikod parin sa kanya.

Umiling iling siya.

"Pero ngayon, I can see na hindi ako nag kamali sa desisyon ko. Hindi ako nag mali that I took the risk of not saying it to you." Ani ko at humarap sa kanya ng nakangiti.

"How could you even smile at this situation. Para akong nababaliw noon kakaisip kung nasan ka! Kung anong nangyari sayo! Kung bakit kaba umalis! Did I do something wrong para maisip mo na iwanan ako? Huh!?" He said and shouted at me.

"Sorry pero hindi ko pa kaya sabihin sayo ngayon. Hindi ko pa kaya." I said to him.

Pilit kong tinanggal yung kamay niya dumiretso na paloob pero nag salita siya ulit.

"At kailan naman ha? Kailan? Pag nalaman ko na umalis ka naman! Sige! Diyan ka naman magaling! All you can do is to escape and leave people hanging!" He shouted.

I don't know kung paano niya nasasabi sakin yan ngayon. All I wanted is not to block the future ahead of him. But I guess, I'm wrong.

"You cannot escape anymore. Hindi kita titigilan until you tell everything to me and,

until you come back to me."

Ten Thousand Hours Where stories live. Discover now