Chapter 24

356 14 4
                                    


Habang nag tuturo yung prof ko ngayon, parang lumulutang ako. Ewan ko ba, first time in my history 'to! Ay, hindi pala. Second na pala. Kasi yung una is nung first time kong nakita si Dave. Alam mo yung ganun feeling? Parang hindi ko siya maalis sa isip ko.

Ghad! What's happening to me?

Ang saya ko lang. Kasi hindi ko rin alam na darating pa ako sa point na 'to. I mean, ako at si Dave ay nasa dating process. Hanggang imagination ko nalang kasi 'to noon eh. Kasi nga diba, lumayo na ako. Sino ba naman ang mag aakala na mag kikita pa kami? And eventually, ganito na.

Papa G? Deserve ko naman po siguro yung happiness diba?

Natakot rin ako. Natakot ako na baka kunin ng tadhana na naman yung kaligayahan ko. Sana naman this time, swak na sa timing namin.

All we wanted is to be happy.

'Yun lang.

And syempre, thankful ako. Thankful ako ng sobra, sobra. Kasi naibalik namin yung mga ngiti sa labi namin. Hindi yung pilit na ngiti. Yung ngiti at saya na nararamdaman lang namin kapag mag kasama kami. Each other's vibe attracts kung baga.

Hindi ko namalayan na tapos na pala yung klase. Ghad! Wala akong naintindihan! Syete, ano ng gagawin ko? Dave naman kasi eh!

Di ka mawala sa isip ko, bleh!

Nag labasan na lahat ng mga blockmates ko and ako, dumiretso sa parking dahil dun ako susunduin ni Dave.

Pero I saw Juan. I think kukuhanin na niya yung kotse niya. "Juan! Wait!" Pagtawag ko sa kanya. Agad siyang lumingon sakin at ngumiti. Syet, naman!

"Kamusta? Nagustuhan ba?" Galak kong tanong sa kanya. We were able to buy yung gusto niya nung nakaraan. And it was so beautiful! Well, hindi lang siya maganda dahil sobrang mahal pa nun! 3 digits! Yayaminin talaga.

"Not yet. I haven't given it to her pa." Dismayado niyang sagot. Based on his words, malungkot siya. Grabe naman. "Ha? Bakit naman? Dapat ibigay mo na!" Pag pilit ko sa kanya. Dapat talaga na ibigay na niya! Every girl would fall inlove with it! Tsaka sayang naman. Nag effort siya dun eh.

"I just can't... looking at her I can see that she is happy because of someone." Naka titig niyang ani sakin. Parang nakaka ano naman yung mga tingin ni Juan. I feel like ako yung tinutukoy niya. Pero syempre, di yun mangyayari. Malayo.

"A-Ah, ganun ba. Kung hindi pa naman sila, try mo lang. Sayang din naman yun. You already put your efforts there. Wala namang mawawala kung susubok ka." Payo ko sa kanya. Diba?

"I think I will. But I have to think many times before I do that. Because you know, I don't want our friendship became awkward." Ani niya. He has a point there. Minsan mahirap din talaga yun. Mag co-confess ka, and then biglang BOOM. Awkward na.

Umiling iling ako. "Let me just give you a hug." Ani ko bago ko siya yakapin. Gusto ko lang na i-comfort siya. Maraming nagagawa ang yakap. Pag papakalma, pag alalay, pag bibigay pag-asa at marami pang iba.

Diba nga dapat marami kang yakap a day? Dahil hindi lang sila ang natutulungan mo, pati narin ang sarili mo.

"This hug gives me more inspiration. Thanks!" Ani niya bago kumawala sa yakap. Ngumiti lang ako sa kanya and mouthed, "Wala 'yon."

Mag sasalita pa sana ako nang bumusina ang isang sasakyan. Pag tingin ko, oh it's Dave.

Lumingon ako kay Juan. "Oh, paano. Maiwan na kita. Nandito na yung sundo ko. Ingat ka!" Pag papaalam ko sa kanya. He just nodded at me.

Habang papunta ako sa kotse ni Dave, Juan shouted. "Take Care!" I waved my hand as response.

Nung naka settle na ako sa kotse ni Dave. Tumingin ako sa kanya. Hala, ba't ganito mukha nito?

"Huy! Ba't ganyan yung mukha mo?" Nag tataka kong tanong.

"Wala." Bagot niyang sagot sakin. Ay, anong meron?

"Ano nga? May nangyari ba?" Natatawa kong tanong sa kanya. Even though I want to be serious, nakakatawa naman kasi yung face niya ngayon!

"Wala nga." Pag ulit niya. "But I didn't believe you." Agad kong ani sa kanya.

"Isa, dalawa, tatl-" Hindi na natuloy yung pag bibilang ko as warning nung salita siya.

"Alam mo, sabi ko kanina manliligaw ako diba?" Tanong niya. May something sa tono ni mokong.

"Oo." Pag sagot ko.

"Nag bago na isip ko." Ani niya. Hala? Agad-agad!

"H-huh?" Nauutal kong ani sa kanya.

"Tayo na pala, agad." Aniya.

Wait, WHAT?

Ten Thousand Hours Where stories live. Discover now